Chapter 1: Pao and Anna

3.1K 136 16
                                    



Isang umaga sa tapat ng bahay nina Pao. "Manang! Nasan si Pao?" sigaw ni Anna. "Ay nandon sa kwarto niya, pumasok ka nalang at magdidilig pa ako ng mga halaman" sagot ni Rowena. "Sige po, kasi tumatawag mama at papa niya hindi siya makontak" sabi ng dalaga na paspas na pumasok ng bahay.

"Pao Pao!" hiyaw ni Anna sabay pumasok sa kwarto ng binata. Napaupo sa kama si Pao sa gulat, "Tita! Kagigising lang niya o! Late na nagising" sumbong ni Anna saka naupo sa tabi ng kama at hinarap phone niya.

"Anak, what time is it? Why are you still asleep?" tanong ni Pamela na ina ng binata. "Ma! Good morning ma, nasan si papa? Pinapastol ba niya yung alaga nating camel?" biro ng binata. "Tita! May girlfriend na si Pao Pao" biglang sabi ni Anna.

"What?!" sigaw ni Pamela. "Tama ba yung narinig ko? Ano magpapa piyesta na ba tayo?" tanong ni Jun na ama ng binata. "Grabe naman kayo, parang out of this world ba yung mangyari na magka girlfriend ako? At wala pa po ako girlfriend" sabi ni Pao.

"Pero tita and tito hay naku, for the first time nagkaroon siya ng lakas ng loob kausapin ang crush niya tapos nakuha pa niya number" kwento ni Anna. "E kung kayo nalang kaya mag usap?" banat ni Pao kaya nagsimangot ang dalaga. "Don't be like that anak, sige Anna mamaya tayo mag usap" sabi ni Pamela.

"Ma, Pa, kailan kayo uuwi? Di niyo ba ako namimiss? Mas gusto niyo kasama yung mga camel diyan?" tampo ni Pao. "Kakauwi lang naming last month anak" sabi ni Jun. "Ay oo nga no, e ayaw niyo ba magwork nalang dito?" tanong ni Pao. "Anak, para sa iyo naman ito e, at sa magiging asawa mo kung magkaka asawa ka" hirit ni Jun kaya natawa ng husto si Anna.

"Papa, wag kang ganyan. Ako lang ang chance niyo na madugtungan lahi nating maganda. Tandaan niyo yan" biro ni Pao. "So who is this girl? Is she pretty? Is she mabait?" tanong ni Pamela.

"Di ko pa siya kilala, masyado ka naman excited mama" sabi ni Pao. "Tita she is so pretty, tisay po siya tapos matangkad" sabi ni Anna. "Sige Anna ibenta mo pa tapos ibigay mo narin shoe size mo" sabi ni Pao kaya nagtawanan yung mga matatanda.

"Is she prettier than Anna?" tanong ni Pamela kaya napatingin si Pao sa kaibigan niya. "Mama, gusto niyo ba ako mamatay ng maaga? Bakit po ganyan tanong niyo? Alam niyo naman ang hirap sagutin niyan" sabi ng binata.

"Yes tita she is prettier than me" sabi ni Anna. "Siya nagsabi non ha, wala ako sinasabi" sagot ni Pao kaya natawa si Pamela. "Get to know her muna anak ha" sabi ni Pamela. "Change topic, wag niyo ako minamadali. May plano ako" sabi ni Pao. "Tita o, magiging torpe nanaman o" sabi ni Anna.

"Daddy, umitim ka nanaman" singit ni Pao. "Uy changing topic" hirit ni Anna. "Anak, sobrang init sa disyerto" sabi ni Jun. "Tsk, sabi ko naman sa inyo di na natin kailangan ng sobra. Wag ka na kasi pupunta sa gitna ng disyerto" sabi ng binata kaya napaatras si Anna.

"Anak, kokonti lang ang may gusto magtrabaho don pero the pay is really good. Malaki ang sahod" sabi ni Jun. "Ang sa akin lang gusto ko pa makita niyo magiging mga apo niyo, oo mga magiging apo. Plural yon" sabi ni Pao saka napatingin sa malayo at pasimpleng nagpunas ng luha.

"At ikaw mama, baka mahawa ka sa mga sakit ng mga pasyente diyan" bulong niya kaya nilayo ni Anna yung phone niya para hindi makita yung binata sa video call. Naluluha narin ang mga magulang ng binata kaya agad nag isip si Anna. "Don't worry tito and tita, mataas naman so far quizzes niya. Tapos hindi na siya sumasama sa mga bad influence niyang classmate"

"Si Tonyo nalang kasama niya at sina kuya ko" sabi ni Anna. "O ikaw iha, kumusta ka naman?" tanong ni Pamela. "Kung may gusto ka sabihin mo lang iha" dagdag ni Jun kaya dumikit si Pao sa kaibigan niyang dalaga at nagpakita sa screen.

Ultimate WeaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon