Prologue

6.7K 186 67
                                    


Sa loob ng isang tea shop may dalawang binata ang nakaupo. Ang isa naka bungisngis habang yung isa nakasimangot ng husto. "Shut up" bulong ng lalakeng nakasimangot. "Dude, lagot ka pag nalaman ni Anna to" sagot ng kaibigan niya.

"Langya ka naman Tonyo e, wag mo na sabihin sa kanya yung nangyari" makaawa ng binata. "Hay naku Pao Pao, kailangan niya malaman to. Pano ka magbabago? Si Anna lang naman may kaya magalit sa iyo e" sagot ni Tonyo.

"Pare, sa atin lang to diba? Diba? Ang ayos ng pakiusap ko sa iyo na samahan ako tapos traydor ka pala" sagot ni Pao Pao. "E kasi naman akala ko tototohanin mo na. Akala ko naman makaka experience na ako ng something great na sa wakas nagkaroon ka ng lakas ng loob manligaw" sabat ni Tonyo.

"Sige, ibubulgar ko sa buong mundo ang sikreto mo" banta ni Pao Pao. "Go ahead, alam na ng parents ko. Tanggap na nila" sagot ni Tonyo. "Huh!? Totoo? Pano mo sinabi sa kanila na isa kang sirena?" biro ni Pao Pao.

"Matagal na nilang alam pala, they were just waiting for me to admit it" sagot ni Tonyo. "So ano na itatawag ko sa iyo? Hindi na Tonyo diba? Kasi kaya lang naman kita tinatawag na Tonyo para kunwari matigas ang pangalan mo" sagot ni Pao Pao.

"Tonyo parin, I like it actually" sagot ni Tonyo. "Pare, sa tingin mo kaya pareho tayo? Kasi kaya lang naman kita ginawang kaibigan kasi wala ka din girlfriend. Akala ko kasi pareho tayong torpe. Di kaya pareho tayo na eventually e marerealize ko din na e pareho pala tayo?" banat ni Pao Pao sabay namilipit siya sa sakit nang may kumurot sa tenga niya.

"Sige Anna, paikutin mo tenga niya. I am so hurt, yun lang ba rason kaya ginawa mo ako kaibigan?" sabi ni Tonyo. "Aray ko Anna! Awat na" sabi ni Pao Pao. "Hindi ka gay! Torpe ka lang talaga" sabat ng magandang dalaga sabay naupo at inagaw yung inumin ng binata.

"Yang kaibigan mo na yan tinorpe nanaman" sumbong ni Tonyo. "Kailan ba hindi?" sagot ni Anna. "Bwisit kang sumbungero ka, wala kang isang salita" sabi ni Pao Pao. "Kahit di siya magsumbong alam ko! Kilala na kita. Bihira ka pumorma. Saka ka lang nag aayos pag magiging torpe ka" sabi ng dalaga at naghalakhakan sila ni Tonyo.

"Ang sama mo" bulong ni Pao Pao sabay ayos sa kwelyo ng suot niyang itim na shirt. "E totoo naman ah, o ano? Saka ka lang mag aayos at poporma pag may balak ka maging torpe. O ano? What happened today? Did you get her number? Did you get her name?" sagot ng dalaga.

"Nakausap ko naman siya ah" sabat ni Tonyo. "E kasi pinagkamalan ka niyang barista hahaha. Inabot sa iyo ang tray para iligpit" singit ni Tonyo at napahalakhak ng husto si Anna. "At least nakausap ko, big improvement na yon compared don sa ibang nililigawan ko na hindi ko nakausap. Nagka eye to eye pa nga kami e" pasikat ni Pao Pao kaya piningot ulit ng dalaga ang tenga niya.

"Ang torpe torpe mo at bakit ka kasi magususot ng all black?" tanong ni Anna. "E sabi mo pag naka all black ako ang porma ko e" sagot ni Pao Pao. "Sinabi ko yon nung libing ng papa ko. At ang porma porma kasi ng suot mo noon. Hindi ibig sabihin bagay mo lagi all black" sumbat ng dalaga.

"Told ya" bulong ni Tonyo. "Told you told you ka diyan. Naka all black ako kasi libing mo mamaya bwisit kang sirena ka" bulong ni Pao Pao kaya tinignan siya ng masama ni Anna. "Oo na oo na naging torpe ako kanina"

"Pero nag improve naman ako e" sabi ni Pao Pao. "Improve ka diyan, e pinagkamalan ka ngang barista daw e. Natural kakausapin ka kasi may pinapatapon" sabi ng dalaga. "E style ko nga yon, planado yon" palusot ni Pao Pao. "Planado mo mukha mo, ang dami mo alam" sabi ni Anna.

"Excuse me, God created everyone unique. Ano magagawa ko kung pagiging torpe ang binigay niyang talent sa akin? Blessing to uy, kaya nga hinuhusayan ko sa pagiging torpe" hirit ni Pao Pao kaya naghalakhakan mga kaibigan niya.

Ultimate WeaponWhere stories live. Discover now