Chapter 18: Sagot

1.3K 62 10
                                    

Chapter 18: Sagot

Sa loob ng isang coffee shop nakipagkita sina Pao at Tonyo kay Anton. "Hoy siraulo ka. Paniwalang paniwala to na ako ang leader? Ha? Siraulo ka" sermon agad ni Pao. "Wag niyo po ako sasaktan. Tignan mo Tonyo, tignan mo sasaktan na niya ako" drama ni Anton pero biglang lumapit yung gwardya.

Nilingon lang siya ni Pao ng isang segundo, ang gwardya napayuko ng ulo saka tumalikod at naglakad palayo dahan dahan. "O tignan mo na" bulong ni Anton kay Tonyo na kinikilabutan.

"Leader ililibre ko na kayo" sabi ni Anton. "Leader mo mukha mo, tumigil ka nga Anton. Ang dali pa naman maniwala netong si Tonyo" sabi ni Pao sabay naglabas ng isang card. "Ikaw bayad akin stickers" sabi ni Anton. "Ha? Ano? Ikaw nangongolekta stickers? Aanhin mo ang planner? Ha? Ililista mo lahat ng kaaway mo araw araw?" banat ni Pao.

"Tado to, mukha ba ako gumagamit ng planner?" sabat ni Anton. "Para sa girl" singit ni Tonyo. "Ooooh si Bonsai" landi ni Pao. "Kaibigan ko yon, wag kang ano kasi" sabi ni Anton. "Pag buhay pa papa ni Anna lagot ka sa kanya" sabi ni Pao kaya tinignan ni Anton si Tonyo saka kinindatan.

"Oo na, okay fine. Kilala ng papa ni Anna si Anton. Eto kasing iyakin na to..." sabi ni Pao pero biglang humarap sa kanya si Anton. "Ano? Tutuloy mo yang kwento mo para dumanak ang dugo dito?" banta ng siga.

"Bakit ka nahihiya sa past mo? Its part of you, it made you who you are today" sabi ni Pao. "O sige, basta pag ikaw nagkwento ako din magkwekwento" hamon ni Anton. "Sige" sagot ni Pao saka sila nagkatitigan. "Kung magpapatayan kayo wag na, itago niyo nalang sikreto niyo" sabi ni Tonyo.

"Umorder ka na, eto sticker card ko. Maaupo na kami. Wag lang kape, dapat meron din itutulak" sabi ni Anton saka hinila si Tonyo. Pagkaupo nila nag ayos ng sarili ang siga. "So hindi siya yung lider?" tanong ni Tonyo. "Hindi, niloloko lang kita" sabi ni Anton.

"E bakit sabi mo delikado? Ano delikado?" tanong ni Tonyo. "Nakita mo na nagalit yan?" tanong ni Anton. "Oo ata, tahimik" sabi ni Tonyo. "Ah hindi pa galit yan pag ganon. Wala pa nakakita na galit yan" sabi ni Anton.

"E pano mo alam?" tanong ni Tonyo. "Kasi yan nung nagalit yan, pag gising ko nasa emergency room kami. Siraulo yan e, pati mga kakampi niya naospital. Dapat mga kalaban lang pero pati kami. Tado yan" bulong ni Anton kaya natawa ng malakas si Tonyo.

"Weh, parang imposible naman yan" sabi niya. "Totoo, inareglo lahat ng papa ni Anna. Tuwang tuwa pa si tito. Parang sadista, uy wag mo ako isusumbong ha. Pero doon ko naging idol si tito" sabi ni Anton.

"Bakit naman matutuwa yon? Sino ba natutuwa sa barumbado?" tanong ni Tonyo. "Tanga mo, syempre may mag aalaga sa anak niya na matapang" sabi ni Anton. "At gumaya ka naman para may magprotekta sa mama mo" sabi ni Pao na sumulpot.

"Baliw, ano pinagsasabi mo" bulong ni Anton. "Totoo naman, wag ka na mahihiya kasi. Gusto mo gantihan lahat ng umapi sa mama mo at sa iyo nung maliit ka pa" sabi ni Pao. "Siraulo ka, ano magpatayan nalang tayo sa labas" hamon ni Anton. "O sticker card, double stickers daw sila kaya isa nalang puno na" sabi ni Pao.

"E bakit di mo pa pinuno? Ang damot damot mo talaga" reklamo ng siga kaya laugh trip si Tonyo. "Wait, so magkababata kayo?" tanong ni Tonyo. "Parang ganon, may business kasi sila...oops step father niya" sabi ni Pao.

"Enough" sabi ni Anton. "Okay, pero gusto ko lang malaman ano reason bakit gumagamit kayo pangalan ng babae?" tanong ni Tonyo. "Tatay ni Anna" sabay na sagot ni Anton at Pao kaya natawa si Tonyo. "Loko loko kayo ha, porke patay na siya parang pinagbibintangan niyo siya ha" sabi niya.

"Totoo, diba Paulina" landi ni Anton. "Bwisit ka Antonette" sagot ni Pao saka sila nagtawanan. "Bakit naman? Pinagtriptripan kayo?" tanong ni Tonyo. "Hindi, mas malalim pang rason na hindi mo pwede malaman" sabi ni Pao. "Ayan nagsalita na siya, kung ayaw mo magising sa ER tumigil ka na" sabi ni Anton.

Ultimate WeaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon