Chapter 3: Be Water

2.4K 101 15
                                    


Isang Sabado sa isang mall, "So pare help me understand you better. Ano ba kinakatukan mo kasi kaya ka natotorpe?" tanong ni Tonyo. "Pare, nagkaroon ka na ba ng gusto? Yeah I know you like guys pero nagkaroon ka na ba?" tanong ni Pao.

"Oo naman, madaming beses na" sagot ni Tonyo. "O so example yung crush mo nakita mo, alam mo yung feeling na parang umiikot na lahat ng bituka mo?" tanong ni Pao. "Nope" sagot ni Tonyo. "Halimaw ka! Imposible ka naman, lalake ka parin naman ah" sabi ni Pao.

"Kinikilig ako yes pero yang sinasabi mo hindi" sagot ni Pao. "Kaya mo siya tignan sa mata?" tanong ni Pao. "Kaya ko, bakit ano ba nakakatakot kasi?" tanong ni Tonyo. "Tsk, basta change topic nalang" sabi ni Pao. "Hahaha oo ganon din ako pero sa amin kasi mas mahirap e" sabi ni Tonyo.

"Sorry pare I know what you mean. Sobrang hirap pala kalagayan mo ano? If ever there is someone you like you cannot simply try kasi bihira din naman yung guy na nagkagusto sa katulad mo. I mean meron naman pero konting konti lang ata sila. Madami yung habol lang pera, yung bibilhan mo ng shoes lagi" sabi ni Pao.

"Yeah, kaya there is no rush for me" sabi ni Tonyo. "Sorry pare ha, ikaw naman kasi bakit mo pa kasi inungkat pagkatorpe ko" sabi ni Pao. "Curious lang ako, kasi sabi ni Anna madami ka na daw crushes pero palpak ka sa lahat" sabi ni Tonyo. "Sabihin mo nalang choosy ako" sabi ni Pao.

"Seryosong...hoy" bigkas ni Tonyo pero ang bilis maglakad palayo ng kaibigan niya. Hinabol niya ito at sa loob ng isang boutique niya ito nadatnan. "Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Tonyo. "Hahaha pare, be water. Be alert always. Nakita mo yon, naka orange na blouse? Si Shiela yon" sabi ni Pao. "Hahahaha langya ka, ang bilis mo bwisit ka" sabi ni Tonyo.

"That is one of my powers. Being water. Kahit busy tayo nag uusap alert ibang senses ko. Ramdam ko ang mga aura ng crushes ko" sabi ni Pao. "Ano ba kasi problema? So what if nagkita kayo? O ano?" tanong ni Tonyo.

"Galing gym yon, sosyal masyado dito pa nag gym sa mall e. Sabagay diyan lang siya nakatira sa malapit" sabi ni Pao. "Wow hindi sinagot tanong ko. So ano problem if nagkita kayo?" tanong ni Tonyo. "What if alukin ako agad ng kasal? O ano? Di pa ako ready ha" banat ni Pao.

"Kapal din ng mukha mo e, seryoso pare, ayaw mo ako pagbayarin ng pag stay sa inyo so let me help you" sabi ni Tonyo. "Siguro kinausap ka ni Anna ano?" tanong ni Pao. "No pare, please let me help you. Siguro naman may tiwala ka sa akin. So let me help you" sabi ni Tonyo.

"Hey Pao" biglang bigkas ng isang boses ng babae. Sabay napalingon yung mga binata at nakita nila si Shiela. "Hello Shi" bigkas ni Pao sa nanginginig na boses. "You going to buy the new hype shirts here?" tanong ni Shiela kaya napalingon sa paligid si Pao at nakita niya yung mga shirt na sinasabi sa kanya ni Anna na uuso.

"Ah yeah, you?" sagot ng binata. "Hmmm di ko siya really type. Pero hyped siya masyado at wala pila dito so I might as well try to get some" sagot ng magandang dalaga. "Ah me too" sagot ni Pao kaya kinilig si Tonyo at pasimple niya na tinulak kaibigan niya para lumapit ito sa dalaga.

"Tulay ka gago" bulong ni Pao. "Oo na oo na, go my friend and be water mo mukha mo" bulong ni Tonyo. "Ah Shi, si Tonyo pala" sabi ni Pao. "Oh hello" sabi ng dalaga sabay ngumiti. "Hi, you are so pretty in person. Pao has been talking a lot about you. Sabi niya sobrang ganda mo, di ako naniniwala pero ngayon hindi ka lang pala maganda, sobrang ganda mo nga talaga" sabi ni Tonyo.

"Awww bolero yan" sabi ni Shiela. "Alam mo ba kapatid ni Pinochio yan si Tonyo" sabi ni Pao kaya natawa yung dalaga. "Sira, ang ganda ganda niya naman talaga. O sige na may titignan pala ako don" sabi ni Tonyo. "Gago to, uy" bulong ni Pao pero ngumisi si Tonyo saka lumabas ng boutique.

Ultimate WeaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon