9

136 5 1
                                    

Chapter Nine

Gabriel

Napapikit si Kitkat at napahawak kay Gab habang kinukuhaan siya ng dugo ng nurse. Kahit pa ito ay nakasuot ng mala-goggles na salamin at sumbrero para ikubli nito ang mukha sa takot na makilala ito ng nurse, hindi ito nagpasubaling lapitan siya at aluin bilang suporta sa kaniya. Pag kaalis pa lang ng nurse sa kuwarto ay tumabi kaagad si Gab sa kaniya sa kama.

"Sorry, love." Marahan siyang inakbayan nito. "Hindi ko alam na ganito pala yung ine-endure ng mga girls kapag pregnant na sila..."

Nahihiya siyang kumalas sa pagkaka-akbay ni Gab sa kaniya at napabuntong hininga na lamang. Wala naman kasi siyang choice. Hindi man siya handa sa ganitong sitwasyon, kailangan niyang harapan ito. Mabuti na lang, kahit ngayon gabi lamang nito makakasama si Gab ay na-comfort siya nito sa kaniyang pinagdadaanan. She would treasure this for the rest of her life-- si GP na dati ay pinapangarap lang niya... napapaginipan with all those XXX, SPG, and steamy scenes in her dreams... ngayon ay kasama niya... sa wholesome na pagkakataon.

If he only knew.... Hihihi! She thought.

Tumayo si Gab sa tabi niya at hinawakan siya sa kamay. "Love, if the doctor says you're safe to come home, we will stay in the Malibu rest house for the night," Gab told her and it seemed it was finalized.

Napa-awang ang bibig niya. Naiisip niyang hindi praktikal na pumunta pa sila sa rest house nila Gab ngayon gabi. Mapapagod lang silang dalawa.

Unless he wants to spend the night with me? Oh my, SPG ba ito? Ahihihi!

Shut up ka nga ghorl! Malay mo hindi lang siya komportable sa lugar mo. Siguro iniisip niya may mga bugs doon unlike sa sosyaling rest house ng family nila.

Pero bakit kasi kasama pa ako?

Ghorl, hindi kaya gusto ka niya makasama?

Ops, wag asumera, love!

Napakagat labi siya upang pigilan ang kilig niya.

"Diba flight mo bukas? Ano naman ang gagawin natin sa rest house niyo?" Pinilit niyang huwag mapangiti.

"Yeah, but please give me this time to spend time with you?" Napahawak ito sa batok at tila nahihiya sa sinabi nito.

"Hindi ba parang ang gastos non... nag-helicopter pa tayo... eh puwede naman sa condo ko..." nahihiya niyang sabi.

"There are 2 things that can happen if we stay longer there. One, the reporters and fans could be there anytime soon. I'm sure they would find a way to come up and see us together. Two, it was not a conducive place to have a date. "

"A date?" Gulat niyang sambit.

"Yeah, date. A proper one." Namumulang sagot ni Gab.

"Gab... hindi ko alam kung kikiligin ako sa'yo o maiinis ako kasi ina-assume mo na papayag ako makipag-date sa'yo..." aniya.

"Bakit? Hindi ka ba papayag?" may pagaalalang tanong ni Gab.

"Papayag..." nahihiya niyang sagot.

Napangiti si Gab at tumabi sa kaniya. Tila hahalikan siya nito. Agad naman siyang pumikit habang inaasahan ang pagdampi ng labi ni Gab sa kaniya, ngunit biglang bumukas ang pinto.

"I'm sorry to disturb you, but he insisted to come here and said he was your brother." Ani ng nurse.

Agad na pumasok ang isang lalaki na nagpa-singhap sa kaniya.

"Hello, baby brother." Bati nito kay Gab, bago bumaling sa kaniya at ngumiti. "Hello!"

"Aist! Si Kuya naman! Baby brother talaga?" naiinis na sambit ni Gab.

For Keeps (Published in Dreame app)Where stories live. Discover now