13 Part 2

124 6 8
                                    

Kiara

TUSCANY, ITALY

Isa-isang binasa ni Kitkat ang mga mensahe ni Gab sa mobile phone, habang naka-upo siya sa park mag-isa. She tried not to be emotional dahil makakasama sa kaniya. Ang sabi pa naman sa kaniya ng kaniyang ina, mararamdaman ng kaniyang baby yung feelings niya.

No! Ayokong maramdaman mo yung pakiramdam ko na guilt dahil nagdesisyon akong lumayo sa daddy mo. Ayoko din na maramdaman mo na nasasaktan ako habang ginagawa ko ito, dahil mahal na mahal ko ang daddy mo. Ipapaliwanag ko naman sa'yo soon, baby, na lumayo tayo kasi alam kong magpupumilit ang daddy mo na makita tayo, makasama tayo, maging isang pamilya tayo, kahit pa ikakapahamak niya yung pagsasama namin.

Hay, baby! Matigas kasi ang ulo ng daddy mo, eh. Ipaglalaban niya kung ano ang gusto niya, kahit pa may nasisira in the process. Halimbawa na lang nang gustuhin niyang sumali sa boyband. Your lolo told your daddy na unahin ang pag-aaral, pero sinuway niya. Ngayon naman he wants to be with us, pero paano? Madami pa siyang kailangan tapusin na kontrata. Madedemanda siya at maaring ikasira iyon ng credibility niya sa industry that he so worked hard for to be on top with his fellow Infin8 band members. Ayaw natin yun para sa daddy mo, baby, diba? He obviously loves his career and he worked hard for it, pero tama ang sinabi ni Nonno Utt. Your dad is no ordinary person. He is famous! And your daddy and I must accept his reality and the corresponding effects of our actions. Ayoko mag-boomerang sa daddy mo yung 'I-don't-care-what-they-think' and 'against-all-odds' na principle naming dalawa. Maraming nadadamay, nasasaktan, at baka mabawasan pa ng trabaho kapag wala ng 'demand' for your daddy. Although there are many other artists out there, the demands for Infin8's performances are phenomenal. Nagke-create ng jobs, creates money and salary for many people. Their being famous helps the economy because fans are willing to purchase tickets, fly to wherever location Infin8 may be, helps tourism of different countries, and most especially, they give happiness to many.

Napabuntong hininga siya. Simula kasi ng pinaliwanagan siya ng kaniyang daddy sa impact ng maaring downfall ni Gab ay mas lalo pa siyang na-convince na maling ipilit nila ang kanilang sitwasyon ng daddy ng kaniyang baby.

I should think what's best for your daddy to protect him... and to protect you.

"Ipapakilala ko din siya sa'yo soon, baby." She promised to her still flat stomach. "Hindi lang ngayon kasi delikado para sa kaniya at para sa atin. Maraming obsessed sa daddy mo, eh. Gusto nila i-bash, tapunan ng itlog, kamatis, and the worst was muriatic acid si mommy. Mabuti na lang napigilan ng bodyguards natin. Ayoko malusaw, baby!" She felt goosebumps at the thought her skin melting.

Sumimangot siya at napahawak sa kaniyang tiyan habang naalala niya kung sino ang nagbalak gumawa ng masama sa kaniya- si Cynthia na pumalit sa kaniya bilang General ng Infin8 soldiers. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na gagawin iyon ni Cynthia. Humingi pa kasi siya ng tulong kay Cynthia noon na balitaan siya tungkol sa sitwasyon ni Gab dahil paalis na siya at tutungo na sa Italy. Bakit pa kasi sinagot niya ang tanong ni Cynthia noon kung anong oras ang flight niya, at nagtiwala siyang pupunta ang mga kaibigan niya sa Infin8 soldiers para magba-bye sa kaniya. Ang pinapunta pala ni Cynthia ay yung mga mismong galit na fans sa kaniya, kabilang na si Cynthia doon.

"Matatanggap ko pa yung itlog at kamatis, baby. Puwede kasi gumawa si mommy ng omelette!" Napapangiti niyang hirit sa kaniyang tiyan, sa pag-asang maramdaman din ng kaniyang baby ang kaniyang sense of humor. "Pero muriatic acid..." she felt the shiver down her spine. "Anyway," huminga siya ng malalim at bahagyang nag-stretching kamay habang hawak ang kaniya mobile phone. "Kaya natin ito, baby." She said and clasped her hands. She stood up and did a Tree yoga pose. "I promise you na kahit anong mangyari, poprotektahan ko kayo ng daddy mo, kahit na magsakripisyo ako. Kaya magpapalakas si mommy." She sat down again. "Una, I will obey your nonno and nonna because they know what's best for us. Tatapusin ko muna ang pag-aaral ko. Mage-MBA na lang si mommy dito sa Italy, instead na kumuha ng MA sa Interior Designing. Yung apartment natin sa US, ipapa-lease na lang natin para may extra-income si mommy. Pag-graduate ni mommy, magwo-work si mommy sa family business natin. This way, mommy does not need to apply for other companies where I am not sure there will be no bashers. Pag sa family business natin, kahit papaano, we can be protected from being recognized by the public. Kapag kaya nang tumayo ni mommy sa sarili niyang mga paa, then we can tell daddy about you. By that time naman siguro, kahit na i-accept ng daddy mo o hinde tayong dalawa, we will not be scared because we do not need to rely on your daddy for anything, because mommy will be stable, independent and empowered woman—sana. Basta, magsusumikap si mommy, for you, okay? Kaya palakas ka lang dyan sa house mo inside mommy's tummy, ha?" napapangiti na siya habang kausap ang kaniyang baby sa kaniyang flat na tyan.

For Keeps (Published in Dreame app)Where stories live. Discover now