16

37 2 0
                                    

On-going story is in Dreame app. Hope to see you there. :)


---

Gabriel

Galileo Galilei International Airport in Pisa

Hindi mapakali si Gab habang naghihintay sa airport. Panay ang silip niya sa kaniyang relo. Natatagalan siya sa paghihintay ng kaniyang bag habang tuloy-tuloy ang baggage carousel.

Ngayon ang unang araw ng pasukan sa Italian International Business School. Nasasabik na siyang makita si Kitkat. Ilang linggo na ang nakalipas at ilang pagsubok na ang kaniyang sinuong at napagtagampuyan para lang makarating sa araw na ito.

Finally, I will see you and be with you. He thought. Kasama ng pagkasabik ay kaba at agam-agam sa maaring maging reaksyon sa kaniya ni Kitkat.

Kakayanin ko ba kung sakaling i-reject ako ni Kitkat? Matatanggap ko ba kung sabihin niyang ayaw na niya dahil sa klase ng trabaho ko?

Napabugha siya ng hangin dahil nakakaramdam din siya ng panghihina ng loob. Ngunit mas nangingibabaw ang determinasyon niya na makausap si Kitkat. Sa isip niya, kung ano man ang maging desisyon ni Kitkat ay tatanggapin niya.

Sana... matanggap ko.

"Don't worry. We're gonna make it to our first class for today." Dominique tapped his arm in assurance as she looked for her own luggage.

Kasabay niya sa flight mula sa Pilipinas papuntang Italya sina Vinci at Dominique. Napagpasiyahan ng dalawa na mag-aral.

"Bro, chill lang. Hindi aalis ang Italian International Business School kung saan iyon nakapuwesto." Pabirong sabi ni Vinci habang naka-face mask. Kasama ito sa kanilang get-up sa tuwing bibiyahe sila lalo na kapag wala silang kasamang bodyguards.

Batid niya kung ano ang pinupunto ni Vinci at iyon ay makikita niya si Kitkat sa Italian International Business School ngayon.

"I just can't wait any longer. " He admitted. "I want to see and talk to Kitkat already!"

"You will, bro. Meantime, gather your thoughts and plan it well, so you won't make a fool of yourself." Biro nito.

Gab sighed and gave his best friend a thumbs-up as he was also wearing his face mask. Ngunit, kahit pa pinapalkama siya ni Vinci ay wala itong epekto. Nagmadali pa din niyang kinuha ang kaniyang bag nang mamataan niya ito na palabas na ng baggage carousel. Agad niyang inayos ang kaniyang mga bagahe, nang mapansin niyang kinukuha na rin ni Vinci ang sarili nitong bagahe na hindi man lang nililingon ang kaniyang pinsan na si Dominique.

Napansin niyang hindi man lang nito pinansin na nahihirapan si Dominique na buhatin ang sarili nitong luggage.

Siniko niya ang kaibigan na malapit lang ang distansya sa kaniya.

"Bro, your wife." Paalala niya sa matalik na kaibigan. "It looks like she needs help."

Vinci glared at him for a second, but he still obliged. His best friend quietly turned to face Dominique. Without a word, Vinci lifted her heavy luggage from the baggage carousel.

"Thanks," nahihiyang tugon ni Dominique kay Vinci, bago ito napabaling ng tingin sa kaniya.

Walang face mask si Dominique kaya nabatid niya sa mukha nito na inahihiya ito sa kaniya, dahil kinailangan pa niyang paalalahanan si Vinci upang tumulong.

Ayaw sana niyang makialam sa buhay nina Vinci at Dominique ngunit hindi rin niya matiis ang pagtrato ni Vinci sa kaniyang pinsan. However, he could not blame Vinci for being cold to Dominique, because she said a terrible lie to her father to entrap Vinci into marriage.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

For Keeps (Published in Dreame app)Where stories live. Discover now