Chapter 34 Part 2

283K 6.6K 1.1K
                                    

Aaa Dwight ~

Shit! Shit!

I was cursing habang tumatakbo ako papunta sa rooftop. Yung isa kong kamay ay ginamit ko pangtakip ng mata ko habang tumatakbo. Halos hingal-hingal na ako ng makarating ako sa rooftop. Pagkapasok ng pagkapasok ko, agad akong tumakbo sa sink at naghilamos.

Pagkatapos ay humarap ako sa salamin sa harap ko, at nakita ko agad ang aking reflection sa salamin. I saw my eyes – my pair of eyes. I could clearly see the reason why I don't have any friends now, why they dislike me. Because I'm different.

Ito ang dahilan kung bakit ilang ulit na akong lumipat ng school noong Kinder pa ako. Ito ang dahilan kung bakit lagi akong pumupunta sa school dahil may issue na naman ako. I started hating people because of this dahil kahit sino ay walang makakatanggap na ganito ang mata ko.

Muling binasa ang mukha ko at muling humarap sa salamin. Simula noong grade two ako, doon akong nagsimulang magsuot ng shades. Doon ako nagsimulang ayaw ipakita sa mga tao kung ano ba talaga ang mata ko dahil lahat sila ay natatakot. Wala akong naging kaibigan dahil sa mata ko, at hanggang ngayon ay wala pa ring makakatanggap nito, even Mikael.

"Kuya?" Nakita ko agad sa reflection si Magenta at si Cyan na nakatayo sa may pinto. They looked worried. "Okay ka lang, Kuya Raziel?" Tanong ni Magenta at dahan-dahang naglalakad papalapit sa akin.

Hindi ko pinansin ang tanong ni Magenta. "Why are you two here? Hindi ba nasa Japan kayo?" Walang gana kong sabi, at muling naghilamos. Inabot ko ang towel na naka-hang sa gilid at saka ko pinunasan ang mukha ko.

"We're staying here for good," sagot ni Cyan kaya napatingin ako sa kanila. "Finish your training in Japan first," I said disinterestedly as I walked to a drawer to get another pair of shades.

"We're done with training," sagot ni Magenta na nakasunod na sa likod ko. "Sensei told us at pinayagan na niyang umuwi," sagot naman ni Magenta habang nakasunod pa rin sa likod ko.

"Don't touch that, Cyan," I said firmly. I could sense that Cyan was trying to mess with something again.

Cyan and Magenta are twins. Kapatid ko sila at mga bata pa 'yang mga 'yan, nag-aasal matanda lang 'yan minsan, pero I'm three years older than them. Nang tumuntong sila ng High School, agad silang pumunta sa Japan para magsimula ng training kagaya ko rin. Simula pa pagkabata ko, sinimulan na ako ni Mommy mag-training with Dad. Sinanay nila ako to rule the future Scorpion Mafia.

"She's good," komento ni Magenta, kaya napatingin ako sa kanya. Ngayon ay nakaupo na siya sa leather couch ko habang tumitingin ng magazine. "Who is she, Kuya?"

Nagulat ako sa tanong ni Magenta, pero hindi ko 'yun pinahalata. Pansamantala akong natahimik sa tanong niya. 'Who's Mikael anyway? Sino siya para sa akin?'

"Is it really that hard to tell who she is, Kuya?" Magenta said, grinning mischievously. She was clearly teasing me.

"She's nothing," I replied bluntly, ignoring her teasing smile. This is what I hate about the Twins, masyado silang pakialamero, they're always teasing me, and it's annoying. Magenta is the bratty type, and Cyan is mischievous. I don't know where they got that from, probably from Dad.

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong tumawa si Magenta. Hindi ako lumingon sa kanya dahil alam ko na kung ano ang mukha niya ngayon. I could see it clearly from the mirror's reflection.

"You're so funny, Kuya," she said while still chuckling.

I let out a deep sigh. "Would you fcking please get out of my sight, Maggy," I said calmly. She stopped laughing. This time, I faced her, and she was still sitting on my leather couch, grinning. I really despise that grin; I know Magenta has another one of her schemes brewing.

Dahan-dahang umangat ang isang sulok ng labi niya habang nilalaro ang cellphone niya. "I saw you saving her, Kuya, and that was so not you," nakangisi niyang sabi at inilapag ang cellphone niya. "And she saw your eyes and you ran away. Bakit kaya, Kuya?" Tanong ni Magenta habang nakangisi pa rin.

I glared at her, even though I was wearing shades. "Because she's my ace against Doyle," I said coldly and walked away.



Kade~

Nakatulala pa rin ako habang tinitingnan ang ceiling ng parking lot. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakahiga dito sa lupa at tulalang nakatingin sa ceiling. Buti na lang at nasa gilid na ako ng daan, kung hindi baka magiging humps ako pagdating ng oras.

"Kaden, anong ginagawa mo diyan sa sahig?" Napalingon ako sa gilid at nakita ko si Daven na naguguluhan na nakatingin sa akin. Siguro kung sino mang makakakita sa akin ay sasabihing isa akong baliw. Inalok niya ang kanyang kamay para makatayo ako at tinanggap ko naman iyon. Tiyaka ko kinuha ang aking bag na nasa sahig din at muling naglakad.

"Wala man lang, thank you?" Narinig kong sigaw ni Daven.

"TY, Dude," tanging sabi ko at naglakad papasok sa kotse ko. Pagpasok ko sa kotse ko ay agad akong umupo at sumandal muna. I closed my eyes tightly. 'Oh no! I saw his eyes.'

Kitang-kita ko nang malinaw ang mata niya. I even stared at it at hindi ko nakakalimutan kung ano ang itsura nito.

I shook my head in disbelief.

"No, this can't be," I whispered as I shook my head.

It's impossible.

"His eyes can't be like that," I muttered again, slapping my hand against the steering wheel.

It can't be. Paano nangyari yun?

Kitang-kita sa aking dalawang mata kung ano ang itsura noon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. It's just not possible.

Hindi ko napigilang mahampas muli ang manibela ko. "Bakit ganun? Ang daya!" I shouted.

"Ang daya, bakit ganun ka ganda ang mata niya?" I exclaimed in disbelief. Bakit ganun ang kulay? Bakit sobrang ganda noon? Bakit ganun 'yun?

"Bakit ang cute tignan?" Asar na sigaw ko. Samantalang ako'y nagtiyatiyaga sa pipichuging contact lenses lang, tapos siya ganun ang mata? Nakakaasar talaga.

His Eyes! Damn it! So incredibly beautiful. How could they be that color?

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa at nagsimulang mag-search sa Google. I stared at the screen for a second before looking at the search results.

Heterochromia Iridum.


The Enigmatic Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon