Chapter 1

764K 13.7K 1.3K
                                    

The Enigmatic Mafia Prince 1

"Kade may ball pen ka?"

"Wala" Seryosong sabi ko habang nakatitig parin sa cellphone ko. Hindi ako titigil hanggang hindi ka mamamatay!

"Kade may assignment ka ba sa Econ?"

"Wala din" Tanging sabi ko habang titig na titig parin ako sa cellphone ko. Hindi ako makalingon, ayokong lumingat dahil baka kapag lumingat ako ay mamatay ako.

"Kade alam mo ba 'yung-"

"Shit, I died!" Malakas na naibagsak ko ang cellphone ko sa desk ko at salubong na kilay na nilingon ang katabi ko.

"Look, Mythe or Ashley kung alin man doon ang pangalan mo. Utang na loob mabuhay ka naman kahit isang araw na huwag akong guluhin" Naiinis na sabi ko sa kanya. Ngumuso lang siya sa sinabi ko na parang bata lang na inagawan ng laruan. Napailing na lamang ako at muling kinuha ang cellphone ko sa desk dahil nag respawn naulit ang hero ng nilalaro ko.

Hanggang matapos ako sa paglalaro ay hindi parin ako iniimik ni Mythe. Mabuti naman at nakinig ito sa sinabi ko, ngunit alam ko na pagkalipas ng ilang minuto or isang oras babalik na naman ito sa pangungulit sa akin.

Nang tumunog ang bell ay agad kong iniligpit ang mga gamit ko.

"Uy, galit ka pa ba sa akin kasi ginulo kita habang naglalaro ka ng ML?" Naningkit ang mga mata ko nang marinig kong muling nagsalita si Mythe Ashley habang nilalagay ko pa ang gamit sa bag ko.

Huminga muna ako ng malalim at humarap sa kanya.

"I don't want a friend, just stay away from me and we're good" Seryosong sabi ko sa kanya bago kinuha ang backpack ko at ang longboard ko na nakasandal sa upuan na nasa harap ko at naglakad palabas ng classroom. Hindi ko pinansin ang tawag sa akin ni Mythe Ashley.

Hinipan ko muna ang bangs ko na humarang sa mata ko bago inilagay sa sahig ang longboard ko at sumakay dito.

Huminto ako sa tapat ng pinto ng cafeteria at inapakan ang dulo ng board ko upang umangat ito bago ko ito dinampot at inilagay a gilid ko bago pumasok sa cafeteria.

Ipinalibot ko ang ang tingin sa paligid at nakita kong punong puno na naman ang cafeteria ng mga tao.

Hay, kailan ko kaya to maabotan na walang tao.

Habang nakapila sa counter ay hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid.

Maingay ang cafeteria, puno ito ng mga tawa, halakhak at asaran ng mga estudyante. Cafeteria is where friends met, dito sila nag sasalo salo at nag-uusap, and this is not my place. I don't want a friend. Ayokong ma attached sa isang taong makasama mo lang during school days.

"Take out please" habol na sabi ko sa cashier nang matapos kong sabihin ang order ko.

"Sa styro or sa microwavable container po?" Tanong niya sakin.

"Kahit saan po basta pwede kainin kahit nakatayo" Nakangiti kong sabi sa kanya.

Hilaw na ngumiti ang babae na nasa cashier bago nito tinuruan ang kasama nito na ibalot ito sa microwavable container.

Napalingon ako sa likod ko nang biglang may kumalabit sa akin. Nakita ko ang lalaki na nakangiti na nakatingin sa akin.

"You can take my extra seat" Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Saan?" Deretso kong tanong sa kanya. tinuro niya sa akin ang isang pangdalawahang tao na mesa. May nakapatong na bag sa ibabaw nito ibig sabihin ay may naka reserved na sa upuan na ito.

The Enigmatic Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon