The Enigmatic Mafia Prince

1.4M 20.4K 1.5K
                                    

Biglang napadilat  ng mata ang isang batang babae nang maramdaman niyang may nakatitig sa kanya. Dahan dahan nitong pinasok ang kamay nito sa ilalim ng unan niya at kinuha ang maliit na kutsilyo nito na nakatago sa ilalim ng unan. 

Nang maramdaman niya ang tao na papalapit sa kanya ay mabilis itong gumulong sa higaan at hinayaan nitong mahulog sa sahig ang katawan nito. Pagkatapos ay mabilis itong gumapang sa ilalim ng higaan at agad na hinawakan ang paa ng tao na nakatayo at walang dalawang isip na sinaksak ang paa nito.

"Awh! Fuck" Impit nito.

Mabilis ang galaw ng batang babae na gumapang palabas ng kama, ngunit paglabas nito ay naramdaman nitong may humawak sa likod nito at walang hirap nabuhat ang batang babae at binagsak ito sa kama. 

Napapikit ang batang babae nang tumama ang likod nito sa malambot na kama at nang dumilat ito ay agad nitong sinipa ang tiyan ng lalaki dahilan upang mapaatras ito. Mabilis na tumayo ang batang babae at hinanda ang sarili sa susunod na atake ng lalaki.

Hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa nito, nang hilahin nito ang sapin ng kama dahilan upang matumba ulit ang batang babae. Ibinaon nito ang dala dalang kutsilyo sa kama upang gawing tukod upang makaupo ulit ang bata sa higaan at ekspertong ginamit ang paa upang matumba ang lalaki. Pagkatapos nito ay hinilia nito ang kutsilyo na nakabaon sa higaan at itinutok ito sa leeg ng lalaki. Napalunok ang lalaki nang maramdaman nito ang talim ng kutsilyo na nakatutok sa leeg nito.

Naaninag ng batang babae ang mukha ng lalaki sa liwanag ng poste mula sa bintana. Nakita niya itong ngumisi at nagsalita.

"You're ready"



~justinegeez

The Enigmatic Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon