Chapter 14 part 1 :Double Trouble

401K 8.2K 541
                                    

Dedicated sa magaling na gumawang Cover ng book.Hi @_MissRed_ ;) Thank you sa super ganda na Cover.Also read her story Far From Perfect sobrang ganda.Pramis

The Enigmatic Mafia Prince 14

'Ay grabe' inis kung hinilamos muli ang mukha ko gamit ng tubig dito sa sink sa isa sa mga Cr dito sa School.Iniiwasan ko talagang makita si Dwight.Yung adik na yun! Akala ba niya hindi ko malalaman ang sekreto niya? Kaya pala laging naka-shades dahil adik pala yun.Siguro ang pula na ng mata nun tapos nalilisik na dahil sa sobrang adik.Hindi lang adik Kade,Drug pusher pa.Aba matinde.

Alam kung makulit ako,balahura,walang mudo pero hindi naman ako yung isang tao na parang wala lang ang Drugs.S-hit Drugs na yun.Drugs.Hindi yung basta basta.Kaya pala parang sinasaniban ng masamng espiritu yung lalaking yun at parang wala lang sa kanya na pumatay ng tao.Sabog pala yun? Ay grabe akala ko pa naman natural lang yun sa kanya ang ganyang ugali.

"Kade? Bakit mo ginawang Facial wash ang Hand soap?" Mabilis akong napadilat pero pumikit ulit ng malagyan ng sabon ang mata ko.

"F-uck kapag ako mabubulag Mythe ikaw epapadonate ko yang mata mo" inis na sabi ko habang binabasa ang mukha ko gamit ng tubig.

"Bakit mo ba kasi ginawang Facial Wash yang hand soap na yan?"

"Gusto ko lang maghilamos" sagot ko habang pinupunasan ang mukha ko gamit ng maliit kung Facial towel

"Sana sinabi mo Kade para pahiramin kita nito" sabi ni Mythe at nakangiting ipinakita ang sang lalagyanan,kulay pink ito at may design na bubbles.

"Solve nako dito sa sabon dito,parehas lang naman yan kamay man o mukha body parts parin naman yan" walang gana kung sabi ko bago kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng CR.

Wala na akong class ngayung hapon dahil may seminar daw ang professor namin.Nakangisi akong inilabas ang bago kung DSLR camera sa bag ko at sinabit sa leeg ko.S-hit sa wakas nakabili na talaga ako ng Camera.Hinimas himas ko ang dulo ng mahaba nitong lens.May narealize kasi akong isang bagay.Iba talaga ang feeling kapag pinaghirapan mo ang isang bagay.Akalain mo yun? Ang dami kung pawis sa camera nato.Ang layo ng tinakbo ko para lang matakasan si King Kong.

Nagsimula na din akong lumibot sa school para kumuha ang mga candid pictures,yan kasi ang dapat epasa ko sa Special Subject ko sa Moderator namin sa Photgraphy.Isang compilation of Candid Photos ng Salvador University para sa School Magazine.Kumusta naman yun diba?

Napangisi ako ng may ideya akong sumagi sa isip ko.Gusto kung ipakita sa kanila ang kakaibang Candid Photos ng Salvadorian.Gusto kung makita nila ang mga natatagong secreto nito para ako ang mapipili at ang compilation ko ang mapipili para ilagay sa Magazine.Meaning Perfect ang Club Grade ko.D-amn I'm so brilliant.

Nag-simula na akong maglakad palibot sa school kumuha agad ng atensyon ko ang isang groupo ng students na lalaki ang seryoso na nag-aaral sa study lounge.Kumuha ako ng mga few shots sa kanila,pero hindi diyan yung twist dahil lumapit ako sa harap ng table nila at napangisi ng makita ko ang binabasa nila.

"Say Cheese" masaya kung sabi bago pinindot ulit.

"S-hit"Mabils silang nataranta at halos hindi magkandaugaga sa pagtago ng magazine ng FHM.Natulala nalamang sila ng kumaway ako paalis.Napahawak ako sa magkabilang strap ng backpack ko habang naglalakad.Adventure na ituuu.

Habang naglalakad ako ay napadpad ako sa library,umupo muna ako sa sulok habang naghahanap ng isang magandang Candid moment.Nakuha ang attention ko sa dalawang nerd na tahimik na nag-aaral sa sulok.Kung titigan mo sila mukha silang sobrang seryoso sa pag-aaral.Tumayo ako at humanap ng magandang anggulo para sa best shot ko.Medyo umupo pa ako konti para makuha ang magandang angle.Dito makikita ang seryosong nag-aaral na dalawang nerd habang sa ilalim ay holding hands.Medyo marami na akong kuha dahil muntik ko nang malibot ang boung school para lang makahanap ang best Candid moment.Nandito ako sa nakaupo sa isang upuan sa hallway sa dito sa isanh building ng School na wala namang katao tao.Ito ataang nag-iisang building na walang student na tumatambay.Mukha namang hindi to abandoned building dahil sobrang gana dito sa loob at made of glass pa ang hagdanan.

The Enigmatic Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon