Kabanata 29

195K 14.9K 24.4K
                                    

[Chapter 29]

MALAMIG na dampi ng bulak na may alcohol sa aking kamay ang aking naramdaman dahilan para maalimpungatan ako. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, naaninag ko ang isang nurse na maingat na itinurok sa kamay ko ang dextrose.

"Miss, anong oras po dadaan si doc?" narinig ko ang boses ni Fate, nakaupo siya sa tabing silya habang hawak ang phone niya. Inilagay na ng nurse ang mga gamit sa dala niyang box, "Mayamaya po" tugon nito. Nagpasalamat naman si Fate saka tumayo upang kumutan ako muli ngunit napatigil siya nang makitang gising na ako.

"Okay ka na ate?" gulat niyang tanong. Tumango ako, sinubukan kong bumangon pero pinigilan niya ako. "Wag muna, hintayin na lang natin si doc mamaya" saad niya, inilibot ko ang aking mata sa paligid, nasa loob kami ng patient ward. May tatlong kama pa sa loob ng ward pero isang batang babae lang kasama ang tatay nito ang nakahiga sa katabing kama.

Napahawak ako sa aking tiyan, makirot na mabigat ang aking pakiramdam. "Sabi ng nurse, makakauwi rin daw tayo mamayang umaga" patuloy niya saka umupo sa silya.

"Ano bang nangyari?" tanong ko, ang huli kong natatandaan ay nakaramdam ako ng hilo sa museum opening na dinaluhan namin. "Anong araw na ngayon?" patuloy ko, nakasuot na rin ako ng hospital gown na kulay pink.

Pinakita niya sa'kin ang phone niya, 11:41 pm, June 24, 2017.

"Nawalan ka ng malay sa party na pinuntahan mo. Ms. Crystal called us. Nandito sila kanina, hinatid sila ni mama sa parking" tugon niya, napatango na lang ako. Kanina lang pala 'yung museum opening. "Don't worry ate, no one blames you sa nangyari" napabuntong-hininga na lang ako. Ayokong mag-online ngayon. Mas mabuti siguro na hindi muna ako mag-open ng social media hanggang sa susunod na linggo.

Napahawak muli ako sa tiyan ko dahil kumikirot ito, "Alcohol poisoning daw ang nangyari sayo ate. Ang weird lang kasi ikaw lang 'yung sumama ang pakiramdam. Okay naman 'yung ibang nakainom 'nung alak na binigay daw sa party" wika ni Fate. Napatulala na lang ako sa kisame.

"Mababa talaga siguro ang alcohol tolerance mo" patuloy ni Fate. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ang bigat din ng puso ko.

"Fate. Wala bang pagkain diyan?" tanong ko saka ibinaba ang kumot na nakataklob sa'kin hanggang mukha. Napatigil siya sa pagbabasa sa phone saka tumingin sa'kin, "Bawal ka kumain ng kahit ano ate, tinurukan ka na ng gamot at mag-boblood test ulit mamaya" saad niya, napatitig na lang ako sa watermelon, oranges, at grapes na nasa mesa. Sila rin naman ang kakain niyon dahil bawal sa'kin.

Dumating na si mama, "Okay ka na?" tanong niya saka hinawakan ang kamay ko. Tumango ako. "Buti na lang nadala ka agad dito. Hindi na kita papayagan uminom ng alak" saad ni mama, natawa na lang kami ni Fate kasi hindi naman ako umiinom talaga. Nagkataon lang na natyempuhan ako ng kamalasan ngayon.


NAKATULOG na ako nang patayin na ang ilaw sa ward. Umuwi na si Fate, sinundo siya ni papa. Si mama ang kasama ko ngayon. May ilaw mula sa hallway ng hospital. Hindi ko alam kung bakit hindi talaga ako nakakatulog ng walang kakarampot na ilaw.

Alas-tres na ng madaling araw nang magising ako. Mahimbing nang natutulog sa mahabang hospital sofa sa gilid si mama. Buong sikap akong bumangon at napahawak sa aking tiyan. Ramdam ko rin ang kirot sa aking kaliwang balikat pero wala namang akong bakas ng sugat o ano. Napilay ba ako?

Isinuot ko na ang tsinelas saka hinila ang aking dextrose. Pupunta ako sa C.R, hindi ko na ginising si mama dahil mahimbing na ang tulog niya. Maingat akong naglakad papalabas, nagkatinginan pa kami ng batang babae na nasa katabing kama. Yakap niya ang isang teddy bear at katabing matulog ang kaniyang daddy.

Salamisim (Published by Bliss Books)Where stories live. Discover now