Kabanata 14

219K 13.4K 30.5K
                                    

[Chapter 14]

UMAPAW ang tubig sa bath tub nang lumundag ako pabalik. Tumama pa ang aking noo sa gilid nito. Naistatwa sa gulat si Sebastian ngunit mabilis niya ring isinarado ang pinto.

"P-paumanhin..." wika niya. Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo, nakikita ko pa ang anino niya sa ilalim ng pinto.

Ano bang nakita niya? Wala ng natira sa'kin! Bakit ba kasi sumabit pa 'yung tuwalya?! Wala na akong mukhang maihaharap nito.

Hindi naman niya siguro ako namukhaan. Nakatalikod na akong nang mabuksan niya ang pinto. Iyon nga lang siguradong nakita niya ang aking likuran.

Nawala na ang anino sa pinto at narinig ko ang boses ni Maria Florencita, "Anong nangyari? May narinig kaming malakas na kalabog dito sa itaas" wika nito, napalubog na lang muli ako sa tubig baka buksan na naman nila ang pinto ng palikuran. Bakit ba sira iyon? Sa lahat ba naman ng importanteng pinto sa isang bahay, 'yon pa ang sira!

"Bakit ka narito sa aking silid heneral Sebastian?" patuloy ni Maria Florencita, nakita muli ang anino sa ilalim ng pinto at hinawakan nito ang door knob. Si Maria Florencita na ba iyon? o si Sebastian ulit?

"P-pasensiya na ngunit nakita kong may liwanag mula sa iyong silid at may anino malapit sa bintana ng iyong palikuran. Nang makarating ako sa salas, nakita kong naroon ka kung kaya't inakala kong may kawatan na nagtangkang pumasok dito sa iyong silid" paliwanag ni Sebastian, napahawak ako sa aking pisngi. Nahuli pala siya ng dating, kaya pala si Don Antonio lang ang sinabi ni Ornina ni bisita kanina.

"Paumanhin din kung tumuloy agad ako rito sa iyong silid. Hindi ko ibig na mangamba kayong lahat kung kaya't minabuti kong tuklasin muna kung sino ang narito" patuloy niya, napapikit na lang ako. Gusto kong lumabas at awayin siya. Hindi niya dapat binuksan ang pinto! Unethical 'yon!

Pero anong magagawa ko? Nangyari na. Nakita na niya ang dapat hindi niya makita! Mas lalong uminit ang aking pisngi at napakayap na lang ako sa aking sarili. Mukhang nawala na ang lahat sa akin!

"A-ano ang iyong natuklasan?" tanong ni Maria Florencita, sa palagay ko ay siya ang anino na malapit sa pinto dahil mas malakas at malapit ang boses niya. "W-wala" tugon ni Sebastian dahilan upang makahinga ako ng mas maluwag.

Siguradong mas nahihiya siya malaman ng lahat na nakakita siya ng hubad na katawan kung kaya't nagsinunggaling na lang siya para iligtas ang kaniyang sarili sa kahihiyan. Paano naman ako? Paano ko makukuha ang hustisya?

Narinig kong nagpaalam na si Sebastian, nag-alisan na rin ang ibang mga kasambahay na nasa labas ng silid ni Maria Florencita. Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang pinto. Agad akong lumubog ulit sa tubig, "Tanya?" pabulong na tawag ni Maria Florencita.

Iniangat ko muli ang aking ulo mula sa tubig, dumikit sa aking buhok at mukha ang mga bulaklak ng rosas. "Huwag ka mag-alala, hindi naghinala si Sebastian" wika niya, pinagpawisan din siya sa kaba. "Hindi ka rin naman niya nakita, hindi ba?" patuloy niya, napalunok na lang ako sa kaba dahil sa tanong na iyon.

Sasabihin ko ba ang totoo? Na nakita ni Sebastian ang... "Hindi" sagot ko, tumango-tango si Maria Florencita. "Mabuti naman, bababa muli ako, ihahatid ko lang ang aming mga bisita" saad niya saka isinarado muli ang pinto.

Naiwan akong tulala, mukhang gusto ko rin isalba ang aking sarili sa kahihiyan. Ayokong malaman ng iba na may nakakita na ng aking pinaka-iingatan. Napalubog na lang muli ako sa tubig. Ito ang pagkakataon na hinihiling kong makalabas agad sa kwento para makalimutan ko ang nakakahiyang pangyayaring ito.

KINABUKASAN, maaga akong nagising upang maghanda. Hindi rin ako nakatulog ng maayos buong gabi kakaisip sa nawala kong dignidad. Sana lang makalimutan na rin iyon ni Sebastian. Sana paggising niya ngayon, wala na rin siyang maalala tungkol sa nangyari kagabi.

Salamisim (Published by Bliss Books)Where stories live. Discover now