Kabanata 8

225K 14.4K 18.5K
                                    

[Chapter 8]

NABABALOT din ng putik ang loob ng mansion ng pamilya Guerrero. Naglalakad kami papasok sa salas, sinusundan ko ngayon si Sebastian na agad binabati ng kanilang mga kasambahay. Abala ang mga ito sa pagwawalis sa sahig upang mawala ang putik. Maingat namang pinupunasan ng iba ang mga kagamitan na nalubog din sa baha.

Nagsimulang magbulungan ang ilang mga kasambahay nang makita ako. Nararamdaman kong machichismis na naman kami nito. Hindi na dapat ako sumama pero may mahalaga daw siyang sasabihin sa'kin kaya hindi ko mapigilang alamin kung ano iyon. Kaya heto sumama ako ngayon sa tahanan nila.

Umakyat kami sa ikalawang palapag ng bahay. Hindi ko mapigilang lumingon sa paligid sa takot na makita kami ni Don Antonio at mag-isip na naman siya ng kung ano. "Uhm... Sebastian, nandito ba si Don Antonio?" bulong ko sa kaniya, napalingon siya sa akin ng kaunti ngunit patuloy pa rin siya sa paglakad.

"Anong kailangan mo kay ama?" sa halip na sagot ay tanong din ang isinagot niya sa akin. Binuksan na niya ang pinto ng isang silid at pumasok doon.

"Baka kasi kung ano na namang isipin niya. Sinabihan ba naman niya ako na lumayo sayo. Eh, ikaw namang 'tong lumalapit sa'kin" wika ko saka isinarado ang pinto, lumingon siya sa'kin ngunit walang reaksyon ang kaniyang mukha. Para bang sinasabi niya na seryoso ba ako sa sinabi ko.

Tumawa na lang ako saka naupo sa isang silya, "Ito naman nagbibiro lang ako. Sadyang over protective lang 'tong si Don Antonio sayo" tawa ko pero wala pa rin siyang reaksyon. Hinubad na niya ang suot niyang coat at sumbrero saka isinabit iyon sa gilid. Nasa loob kami ng isang opisina, ito na siguro ang opisina niya o ni Don Antonio dito sa kanilang tahanan.

"Ipaliwanag mo kay Don Antonio na wala tayong relasyon. Pinipilit niya kasi na may namamagitan sa'ting dalawa" patuloy ko, umupo na siya sa katapat na silya, napapagitnaan kami ng mesa. Puno ng mga libro, papeles at mga gamit ang mesang iyon.

"Hayaan mo na lang siya kung ano ang gusto niyang isipin" wika niya na ikinakunot ng noo ko. Tiningnan niya isa-isa ang kumpol ng mga papeles na nakapatong sa mesa.

"Ano? Hindi pwede! Ang unfair. Iisipin ng lahat na may relasyon tayo tapos sa'ting dalawa ako ang malandi at habol ng habol sayo. Hindi ka naman maaapektuhan kasi sa mata nila ikaw 'yung macho gwapito at habulin ng babae" reklamo ko, hindi talaga patas ang mga nangyayari. Palaging ang babae ang nasasabihan na malandi pero ang mga lalaki dagdag pogi points pa iyon sa kanila.

Tumingin siya sa'kin dahilan upang hindi ko na matuloy ang sunod na sasabihin ko, "May mga salita kang sinasabi na hindi karaniwan" Napakagat ako sa aking labi, buti na lang kahit papaano hindi na siya nakatingin sa'kin dahil abala na siya sa pagsuri ng mga papeles.

"Uh, n-natutunan ko iyon sa ibang bansa" pinilit kong ngumiti, ang hirap naman pakisamahan nitong character na 'to.

"Iyong natutunan sa mga Ingles?" tanong niya nang hindi tumitingin sa'kin. Sa totoo lang nakakawalang-gana kausap 'yung taong halatang busy sa ibang bagay.

Sumandal na lang ako sa silya at sinuri siyang mabuti. "Marunong kang magsalita ng wikang Ingles?" tanong niya muli, hindi ko sana siya sasagutin pero nagitla ako nang tumigil siya sa kaniyang ginagawa at tumingin sa'kin. "Ah, yes, just a little" tugon sabay ngiti saka sumenyas gamit ang aking daliri kung gaano kaunti.

Ibinalik niya muli ang kaniyang paningin sa mga binabasang papeles. "Kung gayon ang iyong pamilya ay may kaya sapagkat marunong kang magbasa, magsulat at makapagsalita ng wikang Ingles" iiniimbestigahan niya ba ako? Pilit kong inaalala ang background ko na na-practice ko na dati.

"Ah, hindi naman. M-may kaibigang guro lang ang aking ama na nagtiyagang magturo sa'kin. Bihasa rin siya sa wikang Ingles" napalunok ako, matalino si Sebastian. Isa siyang heneral, madali niyang malalaman kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

Salamisim (Published by Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon