Chapter 19

52.1K 1.2K 62
                                    

Date uploaded: 12-16-14

Chapter 19

Red

"Ang corny nyo grabe lang. Anong klaseng kadramahan yon? Kahit sa mga teleserye, hindi papasa yon! At ang hindi ko maintindihan, bentang benta kayo a! Ibang klase talaga mga kakornohan ng mga tao dito!" Ngising ngisi ako nang umupo ako sa table kung saan nandon si Chloe at si Zia. Tinaasan naman ako ng kilay ni Alex.

"Inggit ka lang!" Ipinulipot ni Alex ang kamay nya sa braso ni Charles.

"Ako? Maiinggit? Di rin! "

Nginisian ako ni Alex.

"Talaga? Ummm jo-" kumuha ako ng tissue sa lamesa at mabilis kong nirolyo at inihagis kay Alex. nagtatawa naman sya.

"Aren't you going to sit yet?" Tanong ni Charles sa akin dahil hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako at nakatingala sila sa akin. Mas ok nga ito feeling ko supremo ako at tinitingala! Hahahahah! Hmmm, sige na nga. May isang bakanteng space sa tabi ni Alex pero sorry na lang sya at sawang sawa na ako sa pagmumukha nya. Hinawi ko si Chloe at sapilitan akong gumawa ng lugar sa gitna ni Chloe at Josh.

"Pwede bang umurong -urong ka sistah dear? Hindi ka kasi nababagay dito." Pinilit kong isiksik ang sarili ko sa gitna nila.

"Red, ang luwag-luwag don, bakit hindi ka nalang doon umupo?"

"Bakit ba? E gusto ko dito e, ayaw mo ba akong katabi? Ikaw nga, miss na miss na kita!" Kunwari lang yon, si Chinito naman talaga ang gusto kong makatabi. Kinikilig kilig pa ako at nakita ko na sya matapos ang ilang araw na puro si Alex lang ang nakikita ko!

"I'll just sit at the other side." Tumayo si Dyllan at lumipat sa kabilang side na katapat ni Chloe.

"Ay salamat, nakaramdam. Hindi naman pala manhid." Pabulong na sinabi ko.

"Ano?" Tanong ni prinsesita.

"Wala, sabi ko ang ganda mo!" Pabalang na sabi ko at bigla namn nya akong niyakap na para akong pinigang toothpaste sa sobrang higpit ng pagkakayakap nya. Parang napiga lahat ng hangin ko sa katawan!

"You're the one whose beautiful! " laking pasasalamat ko at pinakawalan nya ako, akala ko mag-co-color blue na ako dahil sa pagkakapiga nya sa kin! "Look at you! You look awesome! Bagay na bagay sa yo ang ganyang ayos. And my gosh! You look fashionable!" Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, ay hanggang bewang lang pala, hindi pala nya nakikita ang bewang ko hanggang paa dahil natatakpan na ng lamesa.

"Curtesy of yours truly." Ipinagmalaki ni Alex. "Congratulate nyo na ako bilis! And look! Halos lahat nakatingin sa kanya! O diba! Successful ang make over!"

Tumingin nga ako sa paligid at nakatingin nga karamihan ng mga tao sa akin! Wish ko lang maging liquid ang sahig para lumubog ako! On second thought, masaya to! Center of distraction! Pero wait lang, bakit sila nagbubulungan? Pinagbubulungan ba nila ang kagandahan ko? Hmmmmp! wa ako paki sa kanilang lahat. Tumingin ako sa katabi ko na ang pinakadahilan kung bakit ako nagtitiis sa makating make-up at masikip na damit.

As usual, nasa sarili na naman nyang mundo si chinito. May nakapasak na earphones sa tenga habang nagbabasa ng napakakapal na libro. Sinilip ko ang binabasa nya. Asa pa ako! Alien language na parang bilog bilog ang nakasulat sa libro! Kainis naman! Nag-effort ako ng bonggang bongga tapos deadma lang! Nagpahuli pa kami ni Alex para makapag-grand entrance tapos hindi man lang nya ako nakita! Makakain na nga lang!

"Hoy Alex. Kumawala ka nga muna dyan sa jowa mo at kumuha tayo ng pagkain. Tambayan lang ba itong Cafeteria? Tara let's! Lamon na tayo!"

Pinanlakihan ako ng mata ni Alex. Ooooopppsss! Na-out of character ako a! Inayos ko ang sarili ko. Ahem, ahem, ahem. Ilabas ang mga natutunang ka-ekekan. Tinaas ko ang noo ko. Dapat daw feeling sophisticated. " I mean, let's get something to eat." English yon with malanding accent pa! O ha! Kaya nyo yon!

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon