Chapter 2

77.2K 1.4K 134
                                    

Date uploaded: sept 10,2014

AN

Sa mga gustong maging Operator ni Andres Bonifacio... Aka Andre Fajardo.. Pls pm Alex fajardo, tanya fajardo or red amanar. Thank you!

Chapter 2

Red

"Pakawalan mo nga ako! Sino ka ba? Bakit ang wierd mo? Alien ka ba talaga?"

Nakasabit pa din ako sa ere at mukhang wala pa akong pakawalan nitong chinito na to! Ang lamig a!!! Mangisay-ngisay tuloy ako nung humangin.

"Hoy! Ano pang iniitay mo dyan? Maging ice drop ako?! O baka naman pinagnanansahan mo lang ako?!"

Mula sa control na hawak nya ay dahan dahan syang tumingala sa akin. Passive ang mukha nya at parang walang paki-alam sa mundo. Wirdo nga. Saang planeta kaya galing ito?

"You're not my type. And besides..." Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. " Wala kang korte."

Ibinaling nyang muli ang tingin nya sa hawak nya.

Loko-loko to a! Insultuhin akong ganon!!!! Baka hindi nya alam, ako kaya ang Reyna ng Tondo! Kung hindi lang ako nabubuduyan sa beauty contest na yon, baka grand slam champion ako don palagi! At etong chinito na to, sasabihing wala akong korte!!!

WALA AKONG KORTE!!!!!!

E kung ihambalos ko kaya ito sa pine tree!!! Tumalikod sya sa kin at nagsimulang maglakad. Umandar din ang mga nagpapalutang sa kin sa ere, at sumunod na kanya.

"Hoisssttt!!!! Saang UFO mo ako dadalhin!!!! " hindi nya ako pinansin at dire-diretso pa din sya sa paglalakad.

"Pipi ka ba o bingi! Walang dila? Walang ear drums? HOOOOYYYY SABI KO IBABA MO AKOOOOO!!!!"

Bigla na lang bumukas ng sabay sabay yung mga rings at sumalampak ako sa board walk. Nakarating na pala kami don ng hindi ko namamalayan.

"Magbihis ka na at sundan mo ako Lab 56 ng science building."

"At bakit ako pupunta don? Sino ka para mag-utos sa akin? Mukha namang hindi ka prof dito dahil hindi ka pa nakakalbo! "

"Pupunta ka? O ipapakuha ulit kita?" Mahinahong sabi nya na para bang na -bo-bored sa usapan namin.

"Sabi ko nga pupunta ako. Saan ba yon?"

Hindi na nagsalita at tinalikuran na ako.

"Hanapin mo."

Aaaarrrgggg! Marunong naman magsalita. Magbibigay lang ng directions hindi pa magawa! Bakit ba may mga taong mas hambog pa kesa sa kin?!

Mabilis na isinuot ko ang damit ko. Pampagising ang hinahanap ko, sumobra pa sa gising ang nangyari! Sino ba talaga yung chinitong alien na yon? Wirdo sya a! Parang may sapi. Hindi marunong magsalita masyado o tinatamad lang magsalita?

2nd encounter ko na sa kanya, pero hindi ko pa rin alam ang pangalan nya. Baka naman autistic? MALAMANG!

Sayang! Ang gwapo pa man din. Tsk tsk tsk. Bihira, as in bihira akong humanga sa mga lalake, mismong si Charles at Dyllan na pinagkakaguluhan dito sa FU, walang ka-appeal appeal sa akin. Pero si Chinito... Ewan ko ba.. Anong meron sa kanya?

***

"You are an hour and twenty two and a half minutes late."

Pati ba segundo isinasama nya sa bilang?

Napaupo ako sa pintuan. Napagod kaya ako kakatakbo at pru't parito. Sa loob lang ng halos isa't kalahating oras, nalibot ko kaya ang FU!

"E KUNG IBINIGAY MO BA SA AKIN YUNG DIRECTIONS, HINDI SANA AKO NAGKALIGAW-LIGAW SA PAGHAHANAP NG LECHENG LABORATORY NA TO!"

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon