Chapter 35

38.1K 1.2K 90
                                    

Chapter 35

Red

"I prided myself for being a patient man, Ms. Amanar. But disturbing me at 2 in the morning, makes me want to get a knife and rip your head off!" Hala! Akala ko kung sinong matinong tao itong si Headmaster, mamamatay tao din pala! Mas nakakatakot pa sya sa pinaka-boss ng sindikato naming dati.

Groge ang itsura ni Headmaster at maduling-duling pa. Halatang nabulabog sya sa pagtulog at napabangon na lang sa kama.

"Sorry naman po at naistorbo ko kayo. Pero hindi na pwedeng ipagpabukas ito."

Marahas na hinilamusan nya ang mukha nya sa pamamagitan ng palad nya. Iniyugyog pa nya ang ulo nya para lang magising.

"Kape, gusto nyo?" Tinignan nya lang ako ng masama na parang gusto nya akong ipalapa sa pug nya.

"What is it that you want Rhain? It is a matter of life and death that you cannot wait for 5 more hours?"

"Hihingi lang ako ng permit para makalabas ng gate."

Tinignan nya ako na parang may tumubong isang ulo sa leeg ko.

"You are asking for a gatepass at this time of night! YOU HAVE GOT TO BE KIDDING ME! GET LOST YOUNG LADY!!" Ibabalibag nya sana ang pinto pero itinukod ko ang paa ko sa pinto para hindi nya ito masara.

"Gatepass lang po ang kailangan ko. Hindi ko na po kayo papahirapan. Eto papel, eto ballpen... Kahit pirmahan nyo na lang yan. "

Iwinagwag ni headmaster ang ulo nya. Hindi nya siguro alam kung totoo ako o binabangungot lang sya. Natigilan sya nang makita nya ang maleta kong dala. Nagbago ang mukha nya at nakita nyang hindi ako nagbibiro.

"What's going on Rhain?" Kumalma ang boses nya. " What happened?" Kahit na istrikto si Headmaster, sensitive ito sa lahat ng bagay. Walang hindi nakakaligtas sa kanya. Strict sya pero compassional. Parang tatay lang ang peg.

Nagkibit-balikat ako. " Wala lang. Gusto ko nang umalis na dito."

"You know You are not allowed to get go out without a valid reason. "

"May valid reason ako... sobrang valid."

"Get inside. " Pinapasok nya ako at pinaupo sa salas.

"Wait here. I'll call your dad."

"'Wag na po. Hindi ko naman kailangan ng sundo. Alam kong nagkalat naman ang mga bodyguards ko dito at alam ko din na may mga sasakyan sila. Kung wala naman, pwede naman akong mag-commute."

Tinignan nya ako na para bang nahihibang ako.

"Do you think that I will let you go? I'm calling your dad, so we can fix this. It is quite obvious that something or someone had upset you."

Delikado ito. Nababasa nya ako. Poker face. Trained naman akong itago ang emosyon ko. Marami akong practice kapag nahuhuli kami ng mga pulis.

"Kailangan nyo akong paalisin. May sapat na dahilan ako para mapatalsik nyo sa eskwelahang ito. "

"I don't know what's gone over your head. But, ok, I want to know what's going on inside that head of yours."

"Ako lang naman ang kumuha ng falcon emblem. "

Hindi sya nakakibo ng ilang sandali pero halos mabasag naman ang eardrums ko noong natauhan sya.

"You did what?!"

Nabibingi na ba si headmaster? Kailangan na ba syang sponsoran ni Erpats para sa hearing aid? tsk, tsk, tsk. Wawa naman si headmaster, hindi nga nakakalbo sa kunsumisyon sa FU, nabibingi naman.

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon