Chapter 1

96.8K 1.5K 174
                                    

Date uploaded 8-23-14

AN... 

Please join my new group.. compilation ng mga characters ng stories ko. : (Walang magawa book compilation) https://www.facebook.com/groups/523975547747932/?fref=nf

and of course the Falcon University group : https://www.facebook.com/groups/368898226545146/

Join kayo pareho para masaya!

Hi sa mga kaibigan ni Ben na si Lucille and Angelika. nasa ilo-ilo sila ngayon.

Sa mga Falconians.. hello sa inyo.. especially sa mga OP na nag-eeffort talaga na mapasigla ang groupo.. sa palaging active na falconians... Thank you thank you.. dahil sa inyo ay nakapag-update ako (kahit wala pa sa plano ko.. hehehehhe) hayaan nyo.. kapag natapos ko yung AIB (which is malapit na matapos, aiming for 5 more chapters) ay mapagtutuunan ko na ito ng pansin.

Sige.. pagpasensyahan nyo na muna ito.. more on background lang muna itong update na ito. 

Chapter 1

Red

Nakahiga ako sa boardwalk ng man made lake ng FU. Sinisilaw ko ang sarili ko habang nakatingala sa langit at pinapanood ang nagdadaan na mga ulap. Trip ko e! Gusto kong lumabo ng konti yung mata ko, kahit konti lang, at malinaw pa sa 20/20 ang vision ko. Gusto kong magsalamin, para maski-papano ay magmukha akong genius!  Bhahahaha! Trip nga e! naiintindihan nyo yon?! T-R-I-P!

Ang totoo nyan, napapagod na akong mag-aral. Hindi naman siguro krimen kung magpapahinga ako kahit sandal lang ano! Sinusunog na ang utak ko dito sa eskwelahan na to! Kagagaling ko lang kay Headmaster at tinambakan lang ako ng mga babasahing libro. May exam daw ako mamaya. Hallleerrr! Ano yun, basa lang walang mag-e-explain?! Huwaw naman! Ang talino ko! GRABE! Ilan ba itong makakapal na libro na isasaksak ko na naman sa utak ko! Tinignan ko ang  5 libro sa tabi ko. Hilo-hilo na naman ito! Patang pata na ako! Huhuhuhuhuhuhu! E wala akong magagawa, kailangan kong pagsikapan ito kung gusto kong maging regular student sa susunod na term. Hindi pa ako pumapasa sa standard nitong eskwelahang ito. E kasi naman!!!! Ano bang klaseng standard ang meron sila dito?! Feeling ata nila mga alien ang mga estudyante dito! Akala ko noon ang tali-talino ko, pagpasok ko ditto, saksakan pala ako ng bobo! Hay hay hay! Ang buhay nga naman parang life!

Padekwatro ang paa ko habang kumukuya-kuyakoy. Kagat-kagat ko ang isang mahabang damo na parang kambing lang ang dating. Mukha nga siguro akong kambing.. e ano ngayon! May angal?! Walang basagan ng trip! Kundi basagan na lang ng ulo! 

Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa akin nitong mga nakaraang buwan. Parang panaghinip lang. O baka naman binabangungot lang ako at maya-maya ay magigising na ako? 'Wag naman sana.. sayang naman yung 1 year supply ko ng cronuts sa coffee shop dito. Bayad na yon a! At grabe lang a.. ANG YAMAN PALA TALAGA NI PAPA! HWA! HWA!HWA!HWA!HWA! Pagkamahal mahal ng presyo ng isang cronuts na yon, kung sa carinderya ako kumain naka dalawang ulam na ako! Pero nung tinuruan ako ni Alex sa swip swip na yan... AYOWN! 1 year supply tinanggap! Araw araw akong may rasyon! O YEAH! ANG SAYA! SAYA! HAHAHAHAHAHAHHAA!

Napakalayo ng kinalakihan kong buhay sa ngayon. Laki ako sa sobrang hirap. Mas mahirap pa nga ako sa mga daga, ipis at langgam. Mabuti pa nga sila ay may mga bahay, ako wala. Noong maliit pa ako, namulat ako na pagala-gala sa kalye at namamalimos. Kung saan lang ako abutan ng gabi, doon na lang ako natutulog. Isang araw may nakapulot sa akin na isang matandang babae at inuwi ako. Mabait yung matanda na kahit hindi sang-ayon ang anak nya at ang asawa nito ay kinupkop ako. Hindi ko naman masisisi ang anak ng matanda dahil sa squatters lang sila nakatira, lima ang anak at dagdag pa ako sa palalamunin nila.  Ang problema, hindi nagtagal ang buhay nya, ilang buwan pa lang akong nakatira sa bahay nila, natigok na. At dahil dagdag pabigat lang ako sa kanila at wala silang maipapakain sa akin, dinala nila ako sa sindikato at doon ay ibinenta ako.

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon