Chapter 43

43.2K 1.2K 194
                                    

Date uploaded : 6-4-15


AN... Congrats to.... Nanette A. Adoptante. YUng suggested title nya ang ginamit ko. Yung prize mo... FMW book... kapag lumabas na 'yon...


Chapter 43

Red


Masakit at pagkakabagsak namin sa pool. Katulad ng dati, plakda! Pero kahit na masakit ay hindi ko ito ininda. Natabunan lahat ng masasakit dahil nagbalik na si Josh! Binalikan nya ako! At masaya ako ay yakap-yakap nya ako ng mahigpit habang pababa kami sa malalim na pool. Hindi rin ako kumawala sa pagkakahawak sa kanya. Dahil kung panaghinip lang sya, ayaw ko na syang mawala. Saan man kami mapunta ngayon, alam kong kasama ko na sya.


Pero Imposibleng panaghinip sya. Ramdam na ramdam ko sya, mas lalo na ang tibok ng puso nya kung saan nakasandal ang ulo ko sa dibdib nya. Mabilis ang pintig nito. HIndi ko alam kung dahil sa taas sa pagkakahulog sa diving board, o dahil malapit na malapit kami ngayon sa isa't isa. Wala na akong pakialam kung ano pa man ang dahilan non. Ang importante sa akin ngayon ay kasama ko na ang matagal ko nang hinihintay.


Naramdaman ko na paahon na kami ngayon at kasama ako sa pag-angat nya. HIndi pa din nya ako binitawan hanggang sa narating namin ang hagdan. Iniupo nya ako sa gilig at hinawi nya ang buhok ko na humaharang sa mukha ko.


Ako naman ay parang ewan. Nakatulala pa din ako sa kanya. Ayaw kong mawala sya sa paningin ko, baka mawala na naman sya.

Hinawakan nya ang psingi ko at ngumiti sya.


"You look fine to me, but a little bit startled." Wala sa loob na napatango lang ako. Noong hindi pa din ako umimik ay nag-alala sya.


"You you really alright Red? May masakit ba sa 'yo?"


Umiling -iling ako.


"Hindi lang ako makapaniwala.. Totoo ka ba talaga? Panaghinip? O minumulto mo na ako? Kasi kung multo ka, mabubugbog talaga kita!"


Doon na natawa si Josh at parang nahugutan naman ako ng tinik dahil hindi naman tunog multo ang tawa nya. Sa totoo lang napapatulala ako sa kanya. Ang gwapo nya kasi at parang napakaaliwalas ng bukas ng mukha nya ngayon. Mukha talaga syang.... masaya.


Kinuha nya ang kamay ko at inihawak nya ito sa magkabilang pisngi nya.


"Do I look like a ghost to you?"


Umiling lang ako.


"Do I feel like a ghost to you?"


"Ummmmm... medyo.. ang lamig mo e."


"Your hands freezing too."


"Kinakabahan ako e."


Napangisi sya. "Parang bago sa pandinig ko yon a. The girl who's not afraid of anything, kinakabahan ngayon?"

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon