Chapter 3

69.2K 1.2K 57
                                    

Date uploaded : sept 13,2014

Chapter 3

Red

Madiim-dilim pa nung lumabas ako ng cabin. Ang aga kong nagising! 4:30 pa lang ata gising na gsing na ang dugo ko. At dahil hindi na ako makatulog, bumangon na ako at nag-prepare sa early morning session namin ni Josh... Escited? Weeeh,, hindi rin!

"Josh..."

Huwaw naman! Ganda ng name nya, parang gustong gusto kong ulit-ulitin ang pagbigkas nito. hahahahaha! Nako-kornihan ako sa sarili ko! ngayon lang ako umakting ng ganito! ERASE! ERASE! ERASE! Hindi bagay sa kin! nawawala ang pagka-astig ko! KADIRI! Chinito na lang nga!

Pagkalabas ko ng pinto ay natigilan akong bigla.

ANG LAMIG NAMAN NGAYON!

Naka denim shorts lang at t-shirt ako. Ito ang palagi kong sinusuot dahil komportable ako at nakakagalaw ako ng mabuti, pero ngayon, parang tinatamaan ata ako ng lamig a. O lumalamig na ang panahon?

Umakyat ulit ako sa kwarto at naghanap ng jacket, sweatshirt o kahit na anong klaseng damit na pwedeng panlaban pansamantala sa lamig, yung hindi buong maghapon kong suot hindi ko alam kung ilang oras ako iho-histage ni chinito.

Hindi ko masyadong kilala yung ibang damit na nakalagay sa closet ko. Linggo-linggo kasing nagpapadala si erpat ng kung ano anong damit at gamit. Namumutok na nga itong walk-in closet ko!

May nakita akong isang black hood na nagustuhan ko.. hehehhee.... parang black riding hood lang ang dating ko nito. Parang pambampira! hahahahah! Sayang walang ibang estudyante dito na pwede kong takutin.

Isinuot ko. Hmmm ganda a! Pakiramdam ko bampira talaga ako. Whahahhaha! Ang sarap maglagay ng fake na pangit at magtatatakbo sa campus tapos kakagatin ko lahat ng makakasalubong ko!. Wahahahha! Patay tayo dyan! Hindi pa amn din ako regular student dito kick-out na kagad ako!

Ewan ko ba. Ngayon ko pa lang talaga na-e-enjoy ang buhay ko. Ayan tuloy, pakiramdam ko bumabalik ako sa pagkabata ko. Hindi naman kasi ako nakaranas ng maayos na pagkabata. Kaya eto na ang pagkakataon ko na ilabas ang sira ng ulo ko! Wala namang katao tao ngayon sa eskwelahang ito. Pwede kong ibaba ang haligi ng pagka-astig ko. Itatabi ko lang panandalian, habang walang mga taong pwedeng manghusga.

Lumabas na ako ng cabin at nagtatatakbo sa may mabunong bahagi ng campus. Ang creeeppy! Parang sa horror movies lang. With matching fog pa ang pailigid.. At ako si medusa!!! Hahahhahhhahh! Nagkagalo-halo na ata ang literature ko! Bampira kanina tapos ngayon si medusa! Haist! Sobrang fast track kasi ang ginagawa kong pag-aaral dahil mag-e-exam na ako matapos ang dalawang linggo.

Hmmm.. Tutal, si chinito naman ang may hawak ng records ng lahat. E kung suhulan ko na lang sya para doktorin ang resulta ng exam ko!!!

Hehehhe. AS If naman papayag yon. Saksakan ba naman ng taray! Baka ihagis lang ako non sa lake gamit yung mga flying ringlets nya.

Sya kaya ang gumawa non? Ang galing naman nya. Hindi nmaan kasi halatang genius yon. Yung alam kong genius, yung tipong nerd, baduy, at saksakan ng kapangitan! E ang gwapo kaya non!

Hala iyan na naman! Iniisip ko na naman yung mga bagay na yon! Iuuntog ko na itong ulo ko e! Naguging pusong mamon na ata ako a!

Nagpatuloy ako sa pagtakbo na parang nakawala lang sa mental. E sa nag-eenjoy ako e! Wala namang nakakakita, e di magpaka eng eng na!

Napadpad ako sa isang malawak na field. Sumisilip pa lang ang mga unang sikat ng araw ay medyo lumiliwanan na sa paligid. Sa gitna ng malawak na field ay may isang lalake na nag se-set-up ng kung ano-anong equipment.

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon