Chapter 18

52.2K 1.3K 132
                                    

Date uploaded : December 10, 2014

Chapter 18

Red

Pumasok kami ni Alex sa isang napakagandang boutique dito sa may global city at kasama namin ngayon ang mommy ni Alex. Sosyal na sosyal pala yon at kung maka-project wagas na wagas. Pero wag ka, kapag kami kami na lang, wa poise din pala. Bakla rin katulad ng anak. Alam ko na kung saan nagmana si baklita. Pero in fairness, kahit na sikat na sikat sya at palagi kaming nahaharang para magpaselfie sa mag-inang supermodel, napaka down to earth pa nila. Ang kulit nga! Hindi ko nga alam kung sino sa amin ang mas makulit!

Noong mga nakaraang lingo ay nagbakasyon kami ni Alex sa provincial house ni erpats sa Romania. Talagang tinupad ni Tito Andrew na itatapon muna kami sa kung saan. Pero in fairness ang laki ng bahay ni Erpats. Bahay ba yon o palasyong sakop ang pagkalawak lawak na lupain? Ang lalim na tagalog non a! Lupain talaga? Hahahaha! E anong tawag don? Hanggang sa dulo ng natatanaw ko, pagma-mayari daw yon ng mga Amanar. Ngayon ko lang nakita ang property nya na yon, yung bahay nya kasi sa city kami tumuloy dati. Napakadaming pagmamay-ari pala ni Erpats! Kalula lang! Sabi pa nung butler naming don na halos ganon daw kalalaki ang mga properties ng mga Amanar kahit sa iba’t ibang bansa.

Sa loob ng 2 linggo naming pagbabakasyon ay hindi talaga kami pinahawak ng mga gadgets kaya kaming dalawa lang ang palaging magkausap. Nagkakasawaan na nga kami. Binibigyan pa ako ng sakit ng ulo kapag namimiss ni Alex ang jowa nya at halos maglupasay! Hay, talaga nga naman, kapag tinamaan ng topak yung baklitang yon, ang sarap ihulog sa mayon volcano!

Ang maganda naman don ay mas nakagaanan ko ng loob si Alex. Kinakain ko na ang mga sinabi ko dati. Ang akala ko kasi ay mabubuhay talaga ako ng walang kaibigan. Mali pala ako.

Marami din pala kaming napagkakasunduan, katulad ng, pareho kaming mahilig sa away.. Hahahahhaah! Hindi naman, jowks lang, slight lang naman. Tinuruan nya akong gumamit ng katana dahil iyon daw ang paboritong armas nila ni Ate. Natuto din naman ako maski papano, pero mas gusto ko pa din ang ever trusted kong balisong na ilang beses na akong naipagtanggol, mas mabilis akong nakakakilos don at kahit saan pwedeng ipuslit. Hindi katulad ng katana na pagkalaki-laki. Paano mo madadala yon kung saan saan?

Sa sobrang bonding namin ay halos magkapalit na nga pagmumukha naming dala. Pero ok lang, maganda naman ako at maganda rin naman sya. Hahahaha!

Naging productive naman kami at marami syang itinuro sa akin. Kasama na ang pagdadamit, makeup, paglalakad at ang pinaka importate sa lahat... Ang ETHICS! Na halos ipagdukdukan sa mukha ko para lang mabilis na matutunan ko. Kaya eto ako ngayon, behave... Ng slight.. Hehehehhee... Tinuturuan ko na rin ang sarili kong salain ang mga salitang hindi maganda. Sabi kasi ni Alex, hindi daw type ni Josh yung pagka-kanto girl na salita at kilos ko. Kaya eto, pinipilit kong baguhin ang sarili ko.

Mahirap, pero kaya ko to!

Pagkalapag ng eroplanong sinakyan namin ay sinalubong na kami ni Tita Tanya at kasama pati si Adrian. Na-miss daw nya ako e. hahahaha! Dumiretso kami dito sa boutique ng tinatawag nilang Mother Reyna. Sya daw ang pinakamagaling na designer at manager nila Alex at Tita Tanya. Pinakiusapan daw ni Erpats si Tita Tanya na ayusin yung mga kadamitan ko dahil susunugin na daw nya lahat ng damit ko! May toyo talaga din yon, parang ewan kung magsayang ng pera. Hindi ba nya alam na maayos ayos na nga yung wardrobe ko? At ang prinsesitang future step daughter nya ang namili ng iba don?! Haist! Talaga naman ang mga gurangers, hindi maintindihan! At gusto pang mag ayos ng wardrobe ko ay ang pinaka magaling na designer ng bansa! Haist! Curious lang ako, sya ba yung nakatira sa Engkantasya? Mother reyna? As in Inang reyna? Na dudutdutin lang nya mga damit ko ay mag-aala-cinderella na ako? Aba e bongga!

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon