6 // The Other Way Around

31 0 2
                                    

Markki's POV

Yes naman! May POV na ako! Pero, seryoso na. Balik na tayo sa story. 

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung pagkikita namin ni Sofie sa canteen. Sobrang pinagsisisihan ko yung pagiging cold ko sa kanya nung mga panahong yun. 

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako ganito, no? Ayoko naman talagang gawin yun kay Sofie eh. Pero kailangan. Kung hindi, baka mamatay si Sofie. Nung nag-confess siya sa akin nung Valentine's Day, sobrang saya ko nun. Halos magtatalon na ang puso ko sa sobrang tuwa. Pero, hindi ko pwedeng ipahalata. (Refer to Chapter 2)

Kaya ko lang naman ito ginagawa dahil sa pangba-blackmail sa akin ni Jess. Yes. Si Jessica ang nangba-blackmail sa akin. She may look kind and harmful on the outside, pero sa totoo, tinatago niya lang yung mabaho niyang ugali.

*flashback*

Naglalakad ako sa mall ngayon dahil Valentine's Day na bukas at naghahanap ako ng magandang pangregalo sa bestfriend slash mahal na mahal kong si Sofie. Ssshh. Wag kayong maingay ah?! Surprise to at bukas sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya. 

Hmm. Sa pagkakatanda ko, gustong-gusto ni Sofie ang mga stuffed toys. Particularly yung mga color pink, kaya naman andito ako sa Blue Magic. 

"Good Afternoon Sir!" ^____________________^ bati nung saleslady sa akin. Makangiti, wagas? Pero, oh well. Masisisi ko ba siya? Eh sino ba namang hindi mapapangiti pag nakakita ng gwapong nilalang na tulad ko? 

Nag-nod na lang ako as a response sa kanya. Nagtuloy-tuloy naman akong maglakad sa loob ng Blue Magic. 

*hanap* *hanap*

Ayun! Ang cute!!! HAHAH! Eeww. So gay Markkie. Yung stuffed toy is color white na may karga-kargang maliit na color pink na stuffed toy. 

"Hi Markkie!" 

"Ay anak ka ng nanay mo!!" Hanep yan. Sino ba tong kabuteng bigla na lang sumusulpot? Matingan nga. 

 O_________________________O

"Jess??!! Anong ginagawa mo dito?" Anong ginagawa nitong babaeng to dito? Don't tell me, sinusundan niya ako?

"Hmm. Wala naman. I wast strolling around, then, I saw you here. Is that for me?" sabay turo niya dun sa stuffed toy na hawak ko.

 "Uhh, no? Why would I even give this to you?" 

"Then, if its not for me, para kanino yan?" Bakit ba ang pakelamera netong babaeng to? Ano bang nakain niya? She's acting weird.

"Wala ka na dun." pagsusungit ko sa kanya. Nakakirita na eh. Kanina pa tanong ng tanong.

"HMP! Ang sungit naman nito! Sige. Ikaw rin. Sino ba kasi? Bahala ka. Kapag hindi sinabi sa akin, may gagawin akong masama sa kanya. Si Sofie ba?"

"Talaga lang ha? Ano namang gagawin mo sa kanya? Ipapapatay mo? Ipapa-salvage mo? Sige. Ang tanong, kaya mo ba? Diba kaibigan mo siya? Or are you befriending woth her, just because she's my bestfriend?" shemay. Kinakabahan na ako dito kay Jess. Alam kong kaya niyang gawin yung sinabi niya. Nagawa niya na yun dati. Kaya imposibleng hindi niya gawin ngayon.

"I can. And I will. Kung gugustuhin ko." *smirk* sht. That smirk gives me chills. Alam kong may binabalak siyang masama sa mga ngiti niyang yan.

"Anong kondisyon?" Alam kong may kapalit ang hindi niya pagtuloy sa masama niyang balak. Kaya inunahan ko na siya.

"You know Markkie, matagal na kitang gusto." What? Matagal na niya akong gusto? Wth? I knew it!

"And?"

"I want you to be my boyfriend. That's the condition." O___________________O Ano? Anong kahibangan ba to Jess?

"Are you out of your mind? Alam mong hindi ko kayang gawin yan!"

"You're asking about the condition, right? Here it is! Papayag ka ba? Or gusto mong makita ang bangkay ni Sofie bukas, at mag-confess sa nanlalamig niyang bangkay?

*end of flashback*

Ayun nga. So, pumayag ako sa condition ni Jess. Ano pa bang magagawa ko? Sana lang maintindihan ako ni Sofie kung bakit ko to ginagawa. Para naman sa kanya to eh. Mahal na mahal ko siya kaya ayaw ko siya masaktan.

These past few days, lagi kong nakikita si Sofie kasama yung, sino nga ba yun? JB ba yun? Basta! Yung anak ng may-ari nitong school. They seem so close to each other, eh di pa naman sila ganun ka-close diba? Okay, nagseselos ako. I can't help it. Balita ko nga nililigawan na nung ungas na yun si Sofie eh. Kung pwede lang sanang patigilin ko na siya sa panliligaw niya kay Sofie, ginawa ko na. Kaso, hindi pwede eh. 

Hanggang tingin na lang ako kay Sofie. Kahit halos mamatay na ako sa sobrang selos tuwing nakikita ko silang magkasama, tinitiis ko na lang. Para sa kanya rin naman tong ginagawa ko eh. 

***                                                                               ***                                                                     ***

Jessica's POV

Hello! Alam kong iniisip niyo na masama akong tao, at masamang kaibigan. Oh well, masisisi ko ba kayo? Pero masisisi niyo ba ako kung bakit ako ganito? Tao lang ako. Nagmamahal. At gagawin ko ang lahat, lahat lahat gagawin ko. Mahalin lang ako ng taong mahal ko, at si Markkie yun.

Nung nakita ko siya sa mall dati, bibili dapat ako ng gift para sa kanya. Kaso, nakita kong may stuffed toy siyang binibili. Pakapalan na ng mukha, tinanong ko siya kung para ba yun sa akin. Alam ko namang hindi para sa akin yun, kundi kay Sofie. Bestfriend niya si Sofie, pero alam kong may gusto siya kay Sofie. Halata naman eh. The way he looks at Sofie, it means something. Makikita mo sa mata niya yung love and adoration.

Ginawa ko lahat mapalapit lang kay Markkie. Nakipagfriends ako kay Sofie, just to be with him. I even joined the cheering squad even if cheering is not my line. I joined, hoping na mapapansin niya rin ako. But, I failed. Si Sofie lang ang napapansin niya.

He left me with no choice kundi ang i-blackmail siya. Yun lang ang naisip kong paraan para makuha ko ang gusto ko. Para makuha ko siya. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

a/n: Weeeeeee. Sa wakas! After 23156456465 years. Nakapag-UD rin. Pasensya na kung medyo natagalan. Super busy kasi talaga ako. Sana magustuhan niyo yung UD ko. Tsaka, sana maintindihan niyo yung side ni Markkie. And pati na rin yung side ni Jess. :D 

TAGOS!?! |On-Going|Where stories live. Discover now