5 // IKAW???

51 3 8
                                    

Sa wakas! Natapos na rin yung una kong test. Ano na ngang subject yun? Ang hirap ee. Pati yung subject nakalimutan ko na sa sobrang hirap. Enebeyen. May tatlo pa akong test mamaya. Ayoko na!! Sabaw na sabaw na ang utak ko. 

Vacant ako ngayon. Mamaya pa yung sunod kong test. Kung akala niyo nagrereview ako para sa sunod next test ko, well, you're wrong. Nakatambay lang ako dito sa room. Nakakatamad kaya magreview! Aminin! Ganyan rin kayo pag may test! 

Sinaksak ko muna yung katabi ko. Boring eh. Ayun siya, nasa sahig, duguan. Mamatay na ata eh. Buti na lang kami lang dalawa ang nandito sa room ngayon. Hihi. Walang makakapagsumbong. *evil grin*

Pero, joke lang yun! Sinaksak ko muna yung earphones ko sa tenga ko. Nakikinig ako ng music habang naglalaro ng doodle jump. Ayan na! Ayan na! Malapit ko nang ma-beat yung highscore ko.

*kalabit* *kalabit*

"Ano ba!! Wag mang-istorbo! Naglalaro ako! Shupii!" Sabi ko sa kung sino mang nilalang na kumalabit sa likod ko.

*kalabit* kalabit*

Ang kulit naman! Sino ba yang hinayupak na nilalang na kumakalabit sa akin? Kanina pa yan ah! Pag ako na-game over dito! Makikita niyan! 

"Aaarrrggghhh!! Ano ba! Yan tuloy! Na-game over na ako!"

"Hi Sofie!"

"Ay shemai kang palaka ka!" Si JB lang pala. Wait? Si JB? Anong ginagawa niya dito?

"Ang gwapo ko namang palaka" ^________^ 

JB! Don't smile like that! Lalo kang gumagwapo! Amp! Pero siyempre dapat pakipot muna! BWAHAHAHAHAH!

"Aissh. Ang yabang mo talaga. Anong ginagawa mo dito? Sabi ko sa kanya with matching taas ng kilay. Loko talaga tong JB na to. Forever mayabang. Chos! Gusto ko naman! HAHAHA. Away kalandian!

"Taray naman neto. Ano pa bang gagawin ko dito? Edi binibisita ka?"

"Eh? Ako? Binibisita mo? Bakit? May sakit ba ako?"

"Ngee. Ang dami mo namang tanong. Isa-isa lang."

"Hehe. Sorry nemen." Ikaw talaga Sofie! Oo nga naman! Para kasing armalite yang bunganga mo! Hinay-hinay lang!

"Pero sige. Sasagutin ko yan. Oo. Ikaw nga. Yes. Wala lang, trip lang. Wala kang sakit. Pag sinabing bang binibisita, may sakit agad? Di ba pwedeng na-miss muna?" Edi ako na ang kinilig!! HAHAHA! Take note ha! Ilang weeks pa lang kami magkakilala niyan ni JB pero super close na namin. 

"Miss mo mukha mo! Che!" 

"Kunwari naiinis pero deep inside kinikilig na yan! Yiieee. Tara kain tayo!" Sabay hila niya sa akin. Adik to. Di pa nga ako nakakasagot kung gusto ko, hinila na agad ako.

"JB! Wag kang tumakbo! Madadapa ako neto eh!"

"Ok lang yan! Andito naman ako eh! Sasaluhin na lang kita!" Tapos nag-thumbs up siya! Ang cute niya talaga. Ang sweet pa. Mamaya ma-fall talaga ako, sasaluhin mo ba ako? Engk?! Ang corny!

//Sa cafeteria

"Sofie, pili ka na ng gusto mo."

"Ikaw na lang. Di ako nagugutom ee."

"Sige na. Treat ko naman eh."

"Hindi. Okay lang talaga. Di ako nagugutom."

TAGOS!?! |On-Going|Where stories live. Discover now