3 // The New Me

77 5 6
                                    

Ngayon Markkie, makikita mo kung gaano kalaki ang nawala sayo. Marerealize mo na napakahalaga ko sa buhay mo. Ipaparamdam ko sayo lahat ng naramdaman ko nung sabihin mo ang lahat ng yun sa akin. Ipaparamdam ko sayo kung gaano kasakit mareject.

Heto ako ngayon, pinagtitinginan ng mga tao habang pumapasok sa school. Expected ko na to. Na pagpasok ko pa lang may magububulungan na about sa akin, sa new look ko. Marami akong nakikitang nagbubulungan habang nakatingin sa akin. But a group of girls caught my attention. 

"Who's that girl?"

"Exchange student ba siya?"

"Girls! Hindi niyo ba siya nakikilala? Siya yung campus cutie! Si Sofie!"

"Si Sofie na yan? What happened to her? Naka-drugs ba siya?" Okay. Pagbigyan. Hindi nila ako nakikilala eh.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Sige pa tawa pa! Gusto niyo atang mabasag yang pagmumukha niyo eh!

Di na ako nakapagpigil. Nilapitan ko na sila. 

"Excuse me? If you're talking about me, please lower your voices. Daig niyo pa ang may microphone sa mga boses niyo eh. And, what do you even care about me? I have thick eyeliner, so what? My clothes are all black, is it a sin to change your fashion statement? I had my hair shorter, does that make a person an outcast? Look at yourselves first before you judge others. Got it? And, before I leave, I would like to say, get a life b*tches!

Oha! Natameme sila! Siguro na-nose bleed yung mga yun. Pero, enough of my celebration. Nagwalk-out ako sa kanila pagkatapos kong sabihin yun. Nakaka-bv eh. Umagang-umaga kung ano-anong chika ang sinasabi. As I said before, expected ko na yun. At hinanda ko na rin ang sarili ko sa sasabihin nila. Pero iba kasi yun eh. Naka-drugs? Ako? Like, duh?! 

Dumiretso na lang ako sa likod ng school para magpahinga. Nakakastress ang happenings today!  

Sa sobrang inis at pagod ko, di ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa text ng isa kong classmate. Binasa ko yung text niya. Malamang! Alangan namang kainin ko diba?

"Sofie, asan ka na ba? Kanina pa tumunog ang bell pero wala ka pa rin dito. Ano bang ginagawa mo?"

OMG! Di ako naka-attend ng classes ko? What the?! Ano na lang ang sasabihin ng teachers ko? Paano na ang grades ko? This can't be happening! Naghahabol pa naman ako sa top. 

Haaayyyy. Hayaan ko na muna sila for now. Gagalingan ko na lang next sem kasi alam ko namang hindi na ako makakahabol ngayong sem. Pero paano na lang kung ipatawag nila yung parents ko? Anong sasabihin ko? Tss. Nakalimutan ko. Wala nga pala silang pakialam sa akin.

Ganun naman sila eh. Puro business ang inaatupag. Bakit pa nila ako ginawa kung hindi rin naman pala nila ako aalagaan? Naalala ko na naman yung araw na yun. Yung araw na akala ko pinakamasayang araw sa buhay ko. 

*flashback*

 "Sofie! Gising na! Dali!" paggising ni yaya sa akin. Ano bang meron? Umagang-umaga eh. Wala namang pasok ngayon diba?

"Yaya naman eh! 5 minutes pa! Inaantok pa ako eh!" medyo inis na sabi ko kay yaya

"Ano bang meron?" kinusot-kusot ko muna ang mata. Tanggal-tanggal muna ng morning glory and...

"Happy Birthday Sofie!" ohmygosh! Birthday ko nga pala ngayon!! HAHA! Shunga lang teh? Sariling birthday nakalimutan?

"Thank you Yaya!" tapos hinug ko si yaya. Kahit yaya ko siya eh love na love ko yan. Simula ng ipanganak ako ay sa amin na siya nagtatrabaho kaya parang pangalawang nanay ko na rin si yaya.

TAGOS!?! |On-Going|Where stories live. Discover now