2 // Moment of Truth -- Moment of Failure din?

84 4 4
                                    

~Valentine's Day

This is it! This is really really is it is it!!!!! Eto na yung pinakahihintay kong moment! Magcoconfess na ako kay Markkie!! Tamang-tama! Nakita ko siyang naglalakad mag-isa. Matawag nga!

"Markkieeeeee!!!!!!" tawag ko sa kanya na medyo kinikilig pa  ^_^

"Oh Sofie! Ikaw pala! Happy Heart's Day!" sabi niya

"Happy Heart's Day din! Ano? May ka-date ka? Yiiieeee.." gosh! napaka-martyr ko! pero sana wala!

"Ah. Hehe. Meron. Ikaw? May sasagutin ka ba sa mga manliligaw mo?" meron. ikaw sana, kung nililigawan mo ako.

"Hindi ko pa alam. Tsaka wala naman akong balak na sagutin kahit sino sa kanila. Wala akong type sa kanila." kasi ikaw ang type ko!

"Ay Markkie! Pwede ka bang makausap?" isa! pumayag ka kundi..

"Bakit? Hindi pa ba tayo magkausap?" ah. eh. hehe. oo nga naman. ang shunga ko talaga minsan 

"I mean, yung.. tayong dalawa lang."

"Sige."

Pumunta kami sa garden. Konti lang naman yung mga tao dun kasi yung iba nasa court or cafeteria, pumi-PDA.

Here it goes!

"Markkie. I like you. I really really like you. Sana pagbigyan mo yung feelings ko para sayo.  pheww.. parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil nasabi ko na rin sa kanya! sa wakas!

"Sofie. Kasi.. may girlfriend na ako. Si Jessica, kami na." tama ba ang rinig ko? may girlfriend na siya? Sila na ni Jessica? Si Jessica Lopez?  Na cheerleader na isa ring campus cutie at kinababaliwan ng mga lalake? Omy!

"HAHA! Ano ka ba Markkie! Nagpapractice lang ako! Eto naman masyadong seryoso! Congrats nga pala!" tumalikod na ako kasi nararamdaman kong anytime eh mahuhulog na ang mga luha ko.

"Sofie, okay ka lang ba? Sorry talaga ha?! Kalimutan mo na lang yung feelings mo para sa akin. Makakahanap ka rin ng para sayo."

Punas-punas muna ng tears bago humarap sa kanya. Oh, ayan. Okay na. 1, 2, 3, harap!

"Syempre naman! Ako pa! Di ba nga sabi ko sayo practice lang yun! Hayaan mo, di naman ikaw yung sasabihan ko nun. Wag kang assumero, dre!" pinipilit ko na lang tumawa kahit alam kong halata namang fake yung smiles ko.

Tumakbo na ako palayo sa garden. Habang tumatakbo ako, nakasalubong ko si Jesscia. Niyakap ko siya. Kahit papaano naman eh magkaibigan kami ni Jessica.

"Congrats, Jess! Kayo na pala ni Markkie! I wish you all the best!" sabay takbo ko ulet.  

Nagkulong ako sa cr. Dun ko binuhos lahat ng sama ng loob ko after that confession. Grabe! Tagos sa puso yung sinabi ni Markkie! Feeling ko gusto ko nang mamatay. Di ko kinakaya ang mga pangyayari. Kalimutan? Sorry? What the heck? 

After a long time of thinking, napagdesisyunan kong magbago. Baguhin ang lahat sa akin. Pag-uugali, pananamit, pakikitungo sa ibang tao, lahat-lahat. Tandaan mo Markkie ang araw na to. Ipaparamdam ko sayo kung gaano kalaki ang nawala sayo. Pagsisisihan mo ang lahat ng ito! 

TAGOS!?! |On-Going|Where stories live. Discover now