1 // Introduction

128 4 3
                                    

Sa university namin, ako ang tinaguriang campus cutie. Kahit ayoko man ng title na yun, wala akong magagawa. Sila ang may kagustuhan nun. Kahit ayoko, gora na lang. Siyempre, I don't want to ruin my reputation in this prestigious school.

Ooppssiieeee!! Where are my manners? I forgot to introduce myself. Kanina pa ako nagsasalita dito tapos hindi man lang ako nagpapakilala sa inyo, how rude! HAHA! First and foremost, I am Karla Sofia Rodriguez. 17 years of age. My family and close friends call me Sofie. Pero pati yung mga echoserang social climber at mga feeling close eh yun rin ang tawag sa akin.

Back to what I'm telling earlier, yun nga. Isa akong campus cutie, at halos lahat ng gwapong guys ay nanliligaw sa akin. Pero wala naman akong gusto sa kanila. Sabihin na nating ideal guy type yung mga suitors ko, pero wala talaga eh. Walang spark, walang kilig. 

Isa lang naman kasi ang laman nitong super duper as in precious heart ko. Yun ay si tentenen!! Si Markkie Luis Jimenez. Isa siyang campus hottie. Actually friends kami. No, erase that. BESTFRIENDS. Bestfriends na kami simula pa lang nung bata kami kasi close friends yung families namin. Kaya nga eto ako, friendzoned. Hanggang secret na lang yung feelings ko para sa kanya. Di ko kayang sabihin kasi natatakot ako na baka layuan niya ako once na malaman niya yung feelings ko para sa kanya. 

Dahil nga campus cutie ako at campus hottie siya, idagdag mo pa na lagi kaming magkasama, eh kasi nga po BESTFRIENDS. Napagkakamalan kaming couple. Sabi nga nila bagay daw kami! Kinilig naman daw ako dun! Minsan nga nagtataka na yung ibang tao kung bestfriends lang talaga kami or may hidden relationship kaming dalawa. Pero sana, totoo na lang yung sinasabi nila. Yung mga akala nila. Pag naging totoo yun, ako na siguro ang pinakamasayang tao sa buong universe!!! HAHA! Kaso, malabo. 

TAGOS!?! |On-Going|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon