4 // The Search for Mr. Sungit

59 3 3
                                    

Dahil sa masyadong curious akong bata, hinanap ko siya. Yung supldanong lalakeng bigla na lang sumulpot tapos nang-sermon. 

Nagtanong-tanong ako sa schoolmates ko. Siyempre di mawawala ang mga criticism pag dumadaan ako or kinakausap ko sila. Pero hinayaan ko na lang. Mamaya, mapatawag pa ako sa guidance office. Mahirap na.

Sabi nung mga tinanong ko, di daw nila kilala yung hinahanap ko. Baka di dito nag-aaral si Mr. Sungit/Suplado. Aww. Sayang. Crush ko pa naman ata siya.

Pagod na pagod na ako kakahanap ah. Sino ba talaga siya? Masyado na akong nacucurious eh.

Pumunta muna ako dun sa cafeteria para magpahinga. I heard a small commotion dun sa may gym. Ay bastos. Nagpapahinga yung tao tas biglang mag-iingay. Yan ang tinuturo ng teacher nyo? Ha? Ha?!!!!!! Andaming nagtitilian. Ano bang meron dun?

"KYAAAAAHHH!!! Sino siya? He's so pogi! Ang galing pang sumayaw!"

"Oo nga eh! You know what sis? I heard na anak raw siya ng may-ari nitong school."

"Really? Bigtime si pogi! I want to know him!"

"Che! I saw him first so, it means, A-K-I-N siya!!!"

"What do you mean na ikaw? I saw him first kaya!"

Tss. Ang lalandi. Ang ginagawa sa mga malalandi, tinotorture, nilalagay sa sako at tinatapon sa kung saan-saang part ng water. 

Pumunta ako dun sa gym. At dahil echosera ako at masyaso akong eager to know kung sino yung pinagkakaguluhan, sumigaw ako.

"Excuse me. Excuse me. Dadaan ang maganda"

Oha! Ansabee nila! Pero wait

.

.

.

.

.

.

.

.

"IKAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAWWWWW!!!!!!!" 

O______________________________O

Siya? Siya yung pinagkakaguluhan?

Habang ako ay gulat na gulat, siya ay nakangisi pa at ngumiti ng nakakaloko. Para siyang ulol na aso. Pero, ang pogi niya ha.

Ay ano ba yan! Ang landi! Erase! Erase!

Eto na siya.. Papalapit na sa akin.. At.. At.. At..

"Pakisara po ng bibig. Baka kasi mapasukan ng langaw. Alam ko namang magaling ako sumayaw. Kung gusto mo, andyan yung president ng fans club ko, magpalista ka na lang. Okay?"

Ang yabang!!! I didn't see that coming. Akala ko masungit lang siya. Yun pala mayabang rin. Kala mo naman kung sino!

"Whoooooo.. Bakit parang bigla atang lumakas yung hangin dito? May bagyo ba?"

"Walang bago. Sadyang cool lang talaga ako." 

Ang yabang talaga!!!!!

"Ang yabang mo talaga! Akala mo naman kung sinong magaling sumayaw"

"Magaling talaga ako! Gusto mo ng sample? Hey you!"

"A-a-ako po?" Ay hindi teh! Ako yata yung tinuturo niya eh! Shunga lang ang peg teh?

"Yes, you! I-play mo nga yung cd ko jan. Track 3. Pakibilisan nga!" Hala! Kung makautos wagas! 

At ayun. Nag-start na siyang sumayaw. OMO! Ang hot niya! Idagdag mo pa na naka-sleevless lang siya. Tapos yung pawis niya! KYAAAAAAAH! Ang sarap punasan!

Di ko namalayan na tapos na pala siyang sumayaw. Lumapit ulit siya sa akin. Ang hot! Yummy! 

"You think you can beat that?"

"What? That? That nasty dance? Of course I can!"

Ehem. Ehem. Baka di niyo naitatanong. Nag-champion ako dati sa isang international dance competition.

"Hoy ikaw! Psst!"

"Ako po?"

"Ay hindi! Ako! Malamang ikaw! I-play mo nga yung kahit anong music jan!"

Sinayaw ko yung winning piece ko. Grabe! Dumadami na yung mga nanonood dito sa gym. Yung iba nagche-cheer para sa akin. Yung iba naman si sungit slash yabang yung chicheer.

Natapos na akong sumayaw. Nilapitan ako ni sungit slash yabang habang pumapalakpak.

"Bravo! Bravo! Excellent! But not enough to beat me! Watch and learn!"

Sinayaw niya yung same music na ginamit ko. Habang sumasayaw, sumenyas siya. Pinapalapit niya ako. Aba! Gusto ata ng showdown netong sungit slash yabang na 'to.

Hindi naman ako tumanggi at lumapit na ako sa kanya. Nag-showdown na kaming dalawa. Siyempre, hinatawan ko na yung moves ko. Showdown daw eh, edi pagbigyan!

Natapos na yung kanta at parehas kaming pawisan at hapong-hapo. Kasabay ng pagtapos ng kanta, naghiyawan ng malakas ang mga tao.

"Ang galing mo Sofie!"

"Kayo na! Kayo na ang magaling sumayaw!"

"Grabe! Ang galing niyo!"

*krrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnngggggggggggggg*

Aww. Tapos na ang lunch break. Umalis na yung mga nanonood sa amin.

Kami namang dalawa ay naiwan na nakayuko at pagod na pagod.

Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay niya. Sign na gusto niyang makipag-shake hands.

"JB. JB Ignacio."

JB Ignacio. Hmmm. Sounds familiar. San ko ba yun narinig?

Anyways, kinuha ko na yung kamay niya at nakipag-shake hands.

"Sofie Rodriguez."

"I know. Sige, I gotta go. May klase kasi ako. I guess I'll just see you around. Bye!"

"Teka!"

Eh? Ang bilis naman niyang tumakbo. Athlete ba siya? Lagi na lang niya akong tinatakbuhan japag may itatanong ako sa kanya.

Pero bakit nung nagpapakilala ako sa kanya sabi niya he knows. Is he my stalker or what? Bleh! Can't be. Pangalawang beses ko pa lang naman siyang nakikita ngayon eh.

Pero familiar talaga yung pangalang JB Ignacio. Narinig ko na yun eh. Nakalimutan ko lang talaga kung saan. 

Haay. Kalimutan ko na nga lang. Kahit anong pilit kong alalahanin, di ko pa rin maalala. Sabi nila, kapag di mo raw naaalala ang isang bagay, hindi raw mahalaga sayo. Siguro nga hindi mahala ga yun. Baka narinig ko lang kung saan.

TAGOS!?! |On-Going|Where stories live. Discover now