Chapter Eighteen

570 12 1
                                    

Last chapter....

"Let's eat." Hanz called me from his living room. I've been staying in his pad for a week now.

Hindi ko alam pero hindi ko kayang mapag-isa sa apartment ko. I constantly feel sad and end up crying. Feeling ko ay mababaliw na ako.

I followed Hanz to his kitchen and settled myself on the chair in front of him.

"He resigned." Ani n'ya. Tumango lang ako.

Isang linggo na rin akong hindi pumapasok sa opisina at dito lang sa pad ni Hanz nag t-trabaho. Hindi ko alam kung kaya kong humarap sa mga kasama ko lalo na't nakita nila ang nangyari.

It had been so awkward for all of us since then. Kahit noong pabalik ay walang kumikibo sa amin. We just bid goodbyes and said take care then separate.

Buti na lamang at dala ko ang sarili kong sasakyan, kung hindi ay mas mahirap iyon para sa aming lahat.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" He asked.

"Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin." I said.

He shrugged.

"I heard he'll fly to Cuba." Ani n'ya.

"Bakit mo naman sakin sinasabi?" Tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang i-share." Sagot nito.

Inirapan ko.

Russel and I had finally parted. That day from our outing ended what's left for us. We had the closure we deserved. Inabot man ng matagal na panahon, nangyari parin. Masakit man ang mga narinig ko, at least ay tapos na. Ngayon, masasabi kong pwedi na akong mag move on ng hindi na itatanong pa iyong mga bakit.

It was a long and tough battle and I'm proud of myself for making it here. I survived all the struggles and now free.

I should be happy.

"Paano mo masasabing hindi mo na mahal ang isang tao?" Hanzel suddenly asked.

Nasa living room na kami at na-nonood ng series sa Netflix.

I looked at him.

"Do you like someone?" I asked him.

"It was for you." Sagot n'ya. "How can you say that you don't love him anymore?"

"Did I say that?" I asked back instead.

Napatingin na ito sa akin ngayon. "You still love him?" Tanong n'ya ulit.

I shrugged.

"I never not love him. Hindi na iyon mawawala, pero hindi na iyon sapat para balikan ko pa s'ya. I was too hurt to give in anymore. Masisira lang kami lalo kung ipipilit pa." Sabi ko. "We are better off without each other."

"Do you believe in him? Sa mga paliwanag n'ya?" Tanong ulit nito.

I shrugged again. "It doesn't matter if I take his explanation or not. All I asked was to hear it, I have. Masakit sa akin ang dahilan n'ya pero wala na akong magagawa roon, that was his choices."

"You're fine with that?"

I nodded. "I realized na, ang tanga ko nga talaga, pero mas tanga s'ya. Alam n'ya lahat ng ginawa ko para sa kan'ya pero mas pinili n'yang baliwalain lahat ng mga 'yun. He choose to take his revenge than be happy with me. Kabaliwan 'yung ginawa n'ya."

"He was really sorry."

"He was sorry because he got caught. Kung hindi ko sila nahuli, siguradong mag tutuloy-tuloy 'yun. Hindi ko alam kung kaya n'ya nga bang panindigan 'yung paghihiganting sinasabi n'ya." I replied. "Pweding magtagumpay nga s'ya at makaganti, pero pwedi ring makalimutan n'ya iyon at ituloy na lang ang pakikipag relasyon sa babaeng 'yun." I added.

"Then, what are you so upset about the past days?"

"I don't know. I just feel sad." I replied. Natawa pa ako sa sarili.

Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung paraan saan ang ikinalulungkot ko. I should be happy. Pero kabaliktaran nun ang nararamdaman ko. I just feel sad.

"Do you need a psychiatrist?" Hanz asked.

Sinamaan ko ito ng tingin at binato ng unan.

Days passes too fast. Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw, masyado akong naging abala sa mga pagyayari sa buhay ko. I was so occupied by my work that I was shocked to know that it had been a year. Kung hindi pa nag notify sa Facebook iyong mga pictures namin noong outing, hindi ko pa malalaman.

"Sino ba kasi 'yan?" Reysa asked Hanz. Tumingin pa ito sa akin para sumagot.

I shrugged. "Hindi ko nga rin alam. Basta ang alam ko lang, hindi na ako pweding tumambay sa bahay n'ya isang araw." Sabi ko.

Reysa's in the City too. Apparently, she had a relationship with his officemate, but they didn't work out. She said she couldn't stand seeing the guy anymore so she decided to resign and leave.

Seems familiar.

"Sabihin mo na." She repeated.

"Saka na kasi, ipakikilala ko rin naman sa inyo." Hanz.

"Nakailang sabi ka na, hindi naman nangyayari." Reysa.

"Ang kulit mo." Sabi na lang ni Hanz at umalis. Iniwanan kaming dalawa sa lamesa.

We were on a lunch date.

"Babae kaya 'yung d-ne-date n'ya?" Reysa asked me.

Natawa ako. She had given up with her fantasy about Hanz and I. Wala raw talagang pag-asa. At ngayon, ito naman ang pinagkakaabalahan n'ya. Finding out who's Hanz's lover.

"Baliw ka. Mamaya marinig ka nun." Sabi ko na lang.

She's been so curious and Hanz has been so secretive. Ni pangalan ayaw sabihin, I even asked Mikael, pero kibit-balikat alang din ang isinagot sa akin.VWala raw s'ya alam at wala raw s'yang paki.

Sus! If I hadn't know...

"Eh, bakit kasi ayaw n'ya pang ipakilala?"

"Saka na nga raw kasi. Hintayin mo na lang." Sabi ko na lang.

She gave up eventually.

These two, they have been a good friend to me. Through my ups and downs, they were there. No doubt.

"Ayun, tignan mo 'yun. Init-init naka-ganun, suicidal ka, ghorl?" Lait n'ya dun sa babaeng kadadaan lang sa harap namin. And I couldn't disagree.

Bakit ka kasi mag t-turtle neck at coat sa gitna ng summer? Hindi naman s'ya mukhang mag o-opisina kaya...hay ewan.

"Tigilan mo na nga, mamaya may makarinig sa'yo." Suway ko.

Ngumuso naman ito at nanahimik na.

"Tagal naman ni Hanz? Wi-nok-out-an na ata tayo?" Sabi n'ya.

Hindi pa nga bumabalik si Hanz, akala ko mag C-CR lang 'yun.

"Tawagan mo na kaya?" Utos n'ya.

Ginawa ko naman. I called him. Pero naka-tatlong tawag na ako ay hindi parin ito sumasagot.

"Hindi sinasagot, nagalit nga ata." Sabi ko.

Pero hindi naman ito nakikinig sa sinasabi ko. Nakatingin ito sa likod ko at shock na shock. I turned to see what she's looking at at halos malaglag ako sa kinauupuan ko.

Hanz came back at may kasama itong maliit na babaeng naka-school uniform.

Lie To Me (Lie Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon