Chapter Five

564 16 0
                                    

"Here." Hanz handed me a glass of water.

Tinanggap ko iyon ngunit hindi ininom. Ipinatong ko lamang sa aking hita at pinaglaruan ng aking mga daliri ang katawan ng baso. Tulala ko habang ginagawa 'yun.

I was shocked of what happened last night. Isang oras akong nasa tabi lang ng daan at umiiyak. Releasing all the frustration inside me.

Reysa called me ngunit hindi ko na iyon nagawang sagutin. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa kaya ko na ulit mag drive.

I drove straight to Manila. Hindi na ako dumaan pa sa bahay para makapag paalam at kuhanin ang gamit ko, nagtext na lang ako kay Mama na bumalik na ako ng Manila dahil may emergency sa trabaho.

And now, I am here at Hanz's pad. Tulala sa kanyang sala.

Dito agad ako dumiretso para umiyak at mag sumbong. Pati na rin ang sisihin s'ya sa pamimilit n'ya na mag leave ako sa trabaho.

"Are you okay?" Tanong n'ya.

Umiling ako. Hindi rin naman ako makakapag sinungaling na okay lang ako sa istado ng itsura ko ngayon.

I'm a mess.

My eyes are fluffy at ngo-ngo rin ang boses ko sa pag iyak. Iyon palang, alam n'ya na agad na hindi ako okay.

I sighed.

"We met." I said instead.

A tear rolled down on my cheeks. Hindi na ata mapapagod ang mga mata ko sa kakaiyak.

Akala ko tapos na ako sa sitwasyon ito, hindi pa pala.

Tangina! Isang Jia n'ya lang ay nag wawala na agad ang puso ko. Isang lapit n'ya lang sa akin ay hindi na agad gumagana ang utak ko; nagugulo na agad ang buong sistema ko kahit boses n'ya palang iyon at hindi ko pa nakikita ang mukha.

"What happened?" He asked.

Concern is evident in his voice.

"I was with Reysa at Resto Grill last night, we were catching up tapos bigla s'yang dumating. He said he wanted to talk to me, hindi pumayag si Reysa kaya nag talo sila. Pero bago pa lumala ay umalis na ako. I ran away." I said.

Reminiscing my bad disposition last night makes me cry even more.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay ganito parin ang reaksyon ko. Na pagkatapos ng mahigit isang taon ay ganun parin ang epekto ng taong iyon sa akin.

"And?"

I shook my head. "I drove here pagkatapos kong umiyak sa tabi ng kalsada."

That was not the first encounter I imagined. I visualized myself to be strong when that time comes, gusto kong makita n'yang hindi na ako iyong mahinang babaeng pinaglaruan n'ya lang isang taon na ang nakalilipas. Gusto kong makita n'ya kung ano ang naging epekto ng mga ginawa n'ya sa akin.

I wanted him to see how I stood from that fall.

Hindi iyong tulad ng kagabi. Gusto ko na lang ibaon ang sarili ko sa ilalim ng lupa, dahil hanggang ngayon ay ang gaga ko parin para iyakan ng ganito ang taong iyon.

"I'm sorry. I should have believed you when you said you are not ready to be home yet. Sorry, Ja kung pinilit kita sa ayaw mo." He said, embracing me.

Hanz has been a nice friend to me. Ever since, he has been a good companion, wala akong masasabing hindi maganda sa pag aalaga n'ya sa akin at pag mamahal bilang kaibigan. Nagpapasalamat pa ako dahil meron akong isang Hanzel Del Simo.

"Ang gago mo kasi. Kulit-kulit mo." I said which he just laughed at.

Ang gago talaga. Hindi ko na nga alam ang gagawin, pinagtatawanan pa ako.

My whole day was spent at Hanz's pad. At dahil masyado s'yang guilty sa nangyari sa akin ay hindi na lang din siya pumasok sa trabaho para samahan ako.

We didn't do anything but watch some series on Netflix. Buong araw n'ya akong inalagaan kahit hindi naman kailangan.

"What did you feel?" He suddenly asked.

We were done eating our dinner at nag simula na naman kaming manood ng bagong series.

"Huh?" Baling ko, I was clueless.

I was lying on his long couch while his on the single sitter.

"When you saw him. Anong naramdaman mo?" He clarifies.

Natulala naman agad ako. "I felt...hurt." I admitted.

I can't hide anything from him.

"I was hurt before but I am hurting more now, knowing he still has this effect on me." I said honestly.

"Alam mo 'yon, after all the pain, the nights I cried, all the anxiety, he still has this same effect on me. Ang sakit-sakit lang na pagkatapos ng lahat ng pag hihirap ko, isang tawag n'ya lang sa pangalan ko, titibok na agad ng mabilis ang puso ko. Na kaunting lapit n'ya lang, kahit hindi ko pa nakikita ang itsura n'ya, kahit presensya n'ya lang, nagugulo na agad ang buong sistema ko." I breathed then smirked.

"Parang nakakagago lang na pati sarili ko, tina-traydor ako. Na lolokohin din ako." I added, bahagya pa akong natawa sa sariling salita.

Nakakagago talaga.

I look at him as I sighed. He was staring at me blankly.

I tilted my head, trying to figure him out.

Hanz, sometimes, has this moment. Iyong pag may sinabi ka sa kan'yang sobrang seryoso tapos ay titignan ka lang n'ya. I called it, alien mode.

I rolled my eyes.

Kung hindi mo s'ya kilala ay ma-mi-misinterpret mo ang ugali n'ya.

Hanz is not a good speaker, but he could always lend his ear to anyone who needed it.

Napapa-isip na lang ako minsan. Bakit nga ba hindi na lang kami? Na tulad ng sabi ni Reysa, bakit hindi na lang s'ya ang mahalin ko at mahalin n'ya rin ako. Pero ang isiping iyon ay nauuwi lang sa pandidiri kadalasan.

"Hanz, bakit hindi na lang tayo?" I asked, voicing out my thoughts suddenly.

It was his turn to roll his eyes.

I laughed.

Minsan na papaisip na ako, na kung bakla ba s'ya. But then, I knew better. He's straight, sadyang may iniintay lang talaga sya.

And we? We are platonic. At haggang doon lang talaga, nakakadiri na kung lalampas pa roon.

"Do you still love him?" He asked after awhile.

I shrugged my shoulders. "I don't know." I answered truthfully.

After that, none of us speak furthermore. We were both quite watching but sometimes speak when we give comments on why North Koreans can't fall in love with South Koreans.

That's sad and... tragic.

Well, I wish I could have my own Captain Ri.

Lie To Me (Lie Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon