Chapter Nine

462 12 2
                                    

"Hindi mo s'ya kayang iwasan no?" I asked. My whole body is shaking. Hindi ko alam kung dahil ba sa galit o ano.

Pero ang alam ko lang, I am disappointed and hurt. Again.

He has proven to me that he does not deserve all the chances and trust I keep on giving to him.

Iyong bagay na paulit-ulit kong binubuo at ibinibigay sa kan'ya na paulit-ulit n'ya ring sinisira at bina-balewala.

Pang ilang beses na ba ito? Pangatlo? O Pang-apat?

Ay hindi, pang lima na pala.

Limang beses n'ya nang pinatunayan sa akin na hindi n'ya kayang magbago, na hanggang ngayon, una parin ang babaeng 'yun kaysa sa akin. Na mas mahalaga ang sasabihin at iisipin nun kaysa sa iisipin at sasabihin ko.

Mas importante parin ang mararadaman n'ya kaysa sa nararamdaman ko.

Pero bakit?

Bakit pagkatapos ng lahat ng ibinigay at ginawa ko ay kulang parin ako?

Ano pa ba ang hindi ko nagagawa?

Ano pa bang kulang ko?

"Mahal." All that he said.

Lumapit pa siya sa akin, gusto n'yang hawakan ang kamay ko pero umiwas ako.

Hindi ko alam kung kaya ko pa bang lumapit s'ya sa akin. Tuwing na aalala ko iyong mga pictures na nakita ko, kung paano n'ya hawakan ang babaeng iyon at hahawak naman siya sa akin ay nandidiri ako.

Nandidiri ako para sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay nakikihati ako sa taong hindi ko naman pala pag ma-may-ari.

Gusto ko s'yang saktan ngunit hindi ko kayang lumapit sa kan'ya. Ayaw ko s'yang hawakan lalo't alam na lam kong may iba nang humahawak sa kan'ya.

I was fooled once again.

"Ano? Sumagot ka!" I shouted. I can't control my emotion anymore.

"I'm sorry. Sorry, Mahal." Sagot n'ya.

Bakit lagi na lang ganun?

Gagawa sila ng ikasasakit natin, tapos pag tinanong sila kung anong dahilan nila laging "sorry" lang ang isasagot nila.

Nakakapagod, nakakasawa.

"Lagi na lang ganito, pagod na pagod na ako. Ayaw ko na." I declared.

I exhaled.

Para saan pa ba lahat ng ito? Bakit ba pilit ko pang ipinaglalaban itong sitwasyong sa una palang naman pala ay ako na ang talo?

Limang beses. Pero kahit isa roon ay hindi n'ya napatunayang kaya n'yang magbago. Na sa limang beses na iyon, kahit isang beses lang ay ako ang pipiliin n'ya.

Lie To Me (Lie Series 1)Where stories live. Discover now