04

563 18 1
                                    

Hanggang saan ba ang hangganan ng pagmamahal? May sukatan ba kung gaano mo kayang mahalin ang isang tao?

Meron ba?

My hands were shaking as I tried to even my breathing; I didn't even know I stopped breathing until I gasp for air. Panay ang paghugot ko ng malalalim na hininga upang magpantay ito ngunit ako'y bigo. Ang malakas ng pagtibok ng aking puso ay hindi rin nakatutulong.

Hinihika ata ako.

"Shit!" I blurted as I stared on my laptop. Pagkatapos ko itong isira ay inihagis ko ito sa aking kama.

How dare he!

Ang tigas naman ata ng mukha n'ya para i-message pa ako pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin?

Ang lakas ng loob niyang tawagin ang pangalan ko na para bang hindi siya ang dahilan ng mga paghihirap na pinagdaanan ko.

Ang kapal ng mukha.

I took a deep breath again.

I went out of my room and headed down to our living room where I know my brother is; lagi siyang naroon kahit may kwarto naman s'ya. Masarap ang pagkakahilata nito sa aming sofa ng abutan ko roon. Dumiretso ako sa kan'ya.

"Ano na naman?" Tanong niya agad paglapit ko. Alert of what I might do.

"Burahin mo yung pinost mo!" Utos ko, pinalo ko pa ito ng aming throw pillow na agad niyang sinangga pero tinamaan parin s'ya sa kan'yang ulo.

"Aray ko naman!" Reklamo n'ya. Tumayo pa ito para mapigilan ako. Lalo lang akong nainis.

"Sabi ko, burahin mo yung pi-nost mo sa Facebook!" Sigaw ko na.

He was taller than me but, in my state, right now, everything won't matter. Ang sabihing naiinis ako ay kulang para sa nararamdaman ko ngayon. I am beyond that!

Nanggigigil ako. Nanginginig ang buo kong katawan sa pinaghalong inis at gulat. Hindi ko maintindihan, basta nagagalit ako at gusto ko iyong ilabas.

"Alin ba dun?!" Pasigaw nitong tanong ng hampasin ko ulit s'ya, tinamaan na naman siya sa ulo.

"Yung pi-nost mong picture ko!" Sigaw ko. Sunod-sunod ang paghampas ko sa kanya na agad niyang sinasalag.

"Sandali naman!" Sigaw na naman n'ya.

Tumigil naman ako at hinayaan siya.

Sinamaan muna ako ng tingin nito bago dinampot ang kanyang cellphone at dumutdot doon. Nakakunot pa ang kan'yang noo habang may ginagawa.

"Ayan na, binura ko na." Singhal nito. Ipinakita pa ang cellphone niya.

I breathed tapos umirap na lang dito bago tumalikod; dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig.

"Arte nito." Rinig ko pang sabi nito pero hindi ko na pinansin.

I drank a glass of water. Pinipilit pag pantayin ang aking hininga. Napailing na lang ako sa sariling reaksyon.

Come on, Jianna Astrid! Anong problema mo? Chat lang yun, anong arte yan?

I scolded myself.

Parang iyon lang, isang chat lang ay nagwawala na naman ang puso ko.

Diyos ko, ang tanga-tanga mo parin Jianna Astrid!

I was still calming my system hanggang pagbalik ko ng kwarto. Muli, ay napatitig ako sa aking laptop. Memories are flashing back but before it went deeper, I forced myself to stop reminiscing bad memories.

I sighed. Deeper.

This can't be. Hindi pwedeng masira na naman ako ng dahil lang sa isang chat at hindi pwedeng kausapin niya na lang ako na para bang walang nangyari.

Lie To Me (Lie Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon