Chapter Seven

490 14 1
                                    

Kulang ang salitang tinakbuhan para lamang isiwalat ang ginawa ko kanina sa coffee shop, dahil literal na tinakbo ko ang labasan ng shop.

Halos lamunin na ako ng kahihiyan dahil nakuha ko ang atensyon ng lahat ng nasa loob ng shop kanina, maging ang nasa labas at papasok at napatingin din.

Hinabol din ako ng crew ng shop para sa order ko ngunit hindi ko na iyon pinansin. Diresto lang ang takbo ko hanggang sa parking at makapasok ng sasakyan ko.

Hinihingal pa ako ngunit hindi na ako nagpatagal pa at agad na binuhay ang makina ng aking sasakyan. I manuevered it and drove away, fast as I could.

"Tangina! Anong ginagawa nun dito?" I asked myself hysterically.

Agad kong dinukot ang aking cellphone sa aking bag at i-dinial ang numero ni Reysa.

Three rings before she answered.

"You better make sure this call is important or else, Jiana. I'm on a middle of something!" bungad n'ya.

"Reysa!" All I could say.

And maybe she sensed the tension on my voice. Narinig ko ang kaluskos ng bawat hakbang n'ya at pagsara ng pinto.

Linggo ngayon at hindi ko alam kung anong importante ang ginagawa n'ya.

"Bakit? May nangyari ba?" Tanong n'ya.

"God! He is here!" I said. Panay pa ang bitaw ko ng ilang mura.

"Ang bibig mo nga! Sino ba ya-Holy God! Nandyan s'ya?!" She shouted now, realizing whom I meant.

Hindi ako nakasagot at panay parin ang mura. Nanginginig ang nga kamay ko kaya itinabi ko muna sa gilid ng kalsada ang aking sasakyan.

"Gago. Kaya pala nag resign na raw yan sa Power Plant." She said.

My eyes widen.

"Nag resign?" I asked.

Why?

"Oo, sabi ni Kyle." kompirma n'ya.

Natulala ako lalo.

That was his dream. Iyong makapag trabaho sa isa sa pinakamalaking power plan sa Bataan, pangarap n'ya iyon. Matagal n'yang ginusto ang makapasok dun. I see how he worked really hard for his position, I helped him.

Kaya bakit?

"Bakit daw?" Bago ko pa man mapigilan ay naitanong ko na.

"Malay ko. Wala namang sinabi si Kyle at hindi rin naman ako interesado." Sagot n'ya.

I took a deep sigh.

Hindi na rin dapat ako magtanong. Wala na dapat akong paki sa disisyon n'yang iyon. Ngunit nakasasama lamang ng loob na ganun n'ya lang pala kadaling bibitawan iyong bagay na sabay naming pinaghirapan noon para lamang makuha n'ya.

"Baka sinundan ka?" Bigla n'yang sabi.

My eyes widen again.

"Gago." I blurted. Tumawa naman ito.

"Ja, seriously, kung ano man ang iniluwas d'yan ng walanghiya mong ex ay wala ka na roon unless ikaw ang sinadya. Pero hangga't wala namang kumpirmasyon na ikaw, kalma lang. Bigyan mo naman ng pahinga ang sarili mo. Or better yet, mag sanay ka na. Sanayin mo na sarili mong nakikita s'ya dahil masyadong maliit ang mundo para hindi kayo magkita ulit. Sanayin mo na ang sarili mo para maka-move on ka na." Ani n'ya.

I sighed.

"I'll try." I said. I heard her sighed too.

"Don't just try, do it. It is for yourself too. Maawa ka naman sa mental at emotional health mo, masyado mo nang ini-stress ang sarili mo." she added.

After that we hang up.

Ipinagpatuloy ko ang pag-d-drive ng maramdamang ayos na ang pakiramdan ko, this time ay papunta na sa pad ni Hanz.

I will tell him what happened at kung ano ang sinabi ni Reysa, if he has the same suggestion, which is same for sure, I'll do it.

Ilang beses ko nang napatunayang hindi nila ako ilalagay sa hindi magandang sitwasyon. At sa tingin ko'y oras na para makinig naman ako sa sinasabi nila, after all, this is all for myself.

"She's right." Hanz agreed to what Reysa told me.

Ikinuwento ko sa kan'ya ang napag-usapan naming dalawa.

"But how?" I asked.

"You will know it yourself, Ja. Mind over matter." Ani n'ya.

Ngumuso naman ako.

Mind over matter? Hindi naman applicable iyon sa akin, dahil malaman ko palang na nandyan s'ya ay nagugulo na agad ang buong sistema ko. Hindi na ako nakapag-iisip ng tama. Kaya paano?

"Hindi ako nakapag-iisip ng ayos pag nandyan na s'ya." Amin ko.

"You don't have to. Hindi mo naman kaylangan mag-isip ng kung ano, iyong kontrolin lang ang sarili mo na huwag tumakbo o umalis pag nandyan s'ya, okay na 'yon. First step. Pag aralan mo munang makayanang tumayo sa isang lugar na nandun din s'ya. Kahit iyon lang muna." He said.

"Okay. I will do that." I agreed.

Hanz smiled.

"You can still run if you can't. Subukan mo lang, kung hindi, edi lumayo ka. Ang importante nasubukan mo." He added.

I stared at him.

Gosh! I'm so lucky to have him, silang dalawa ni Reysa. Itong mga taong 'to na hindi nasasawa at napapagod kaka-salita sa akin kahit napakatigas ng ulo ko. At paulit-ulit na ipinapaalala sa akin na tanga ako, pero wala akong kasalanan dahil nag mahal lang naman ako.

"Gusto mong Samgyupsal?" I asked him. "Libre kita." Dagdag ko pa.

Agad naman nag ning-ning ang mata nito at tumango-tango pa. Natawa akong tumayo at naglakad na palabas ng pad n'ya. Nakasunod naman s'ya sa akin.

Gosh. Hanzel and his always hungry stomach.

"You're back?" Mikael said. Nakasakay ko ito sa elevator paakyat ng office.

"Ayaw mo?" I asked instead. I was smirking.

Nagkibit balikat naman ito.

"How was your vacation, anyway?" he asked instead too.

Mikael and I were not as close as Hanz and I. Siguro ay kung susukatin ang pagiging nagkaibigan namin ay hindi pa ito lalagpas ng fifty percent. Sila lang talaga ni Hanz ang friends at sabit lang ako, ngunit kahit ganun pa man ay mabait din ito sa akin. Masungit nga lang minsan.

It was now my turn to shrug my shoulders.

"Boring." I answered.

More than two weeks kaya akong sa apartment ko at pad ni Hanzel lang ang pinupuntahan. Dalawang beses lamang ata akong lumabas at hindi pa maganda ang kinalabasan.

"I thought you went home to Bataan?" Tanong n'ya pa.

Ngumuso naman ako.

Chismo nito.

I nodded. "Bumalik din ako after three days." I answered.

Tumango lang din naman ito at hindi na nagtanong pa. Inabala na nito ang sarili sa kan'yang cellphone at may tinawagan. Hanggang sa makarating kami sa tamang palapag at makapasok sa loob ng office ay hindi na kami nag-usap.


Lie To Me (Lie Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon