Margaux

5.3K 65 1
                                    

"Mommy, when will Daddy visit?" Tanong ni Shawn habang kumakain kami ng dinner.

I looked at him and smiled. "Hindi ko alam, anak. Maybe when he's not busy anymore." Safe na sagot ko. Kapag kasi hindi ko sinabing maraming trabaho ang Daddy niya kaya hindi siya nakakapunta rito ay hindi na siya ulit nagtatanong.

"Will he come on my birthday?" Tanong niya.

Halos mabilaukan ako sa tanong niya. Hindi ko naisip iyon. Malapit na nga pala ang birthday ni Shawn. The last time we talked about it, he said he wants it to be in a resort. Iyon ay noong hindi pa niya nakikilala ang Daddy niya.

"I think he will. He would not want to miss your birthday, right?" Tanong ko habang nakangiti sa kanya.

For the past months that I have known Quinn again, I have admired him for the love that he's showing Shawn. Kaya naman alam kong hindi niya palalagpasin ang birthday nito.

Lumawak ang ngiti ni Shawn sa sagot ko. "Swimming, Mommy!" He beamed.

I nodded. "Yes, we already talked about that." I smiled at him.

"Can I bring my friends? My classmates? Kinsella?" He asked.

I nodded. "You'll give them invites, soon." I told him and he was already celebrating in his seat.

So that night, I researched for good resorts that could possibly be the venue of Shawn's party. It's in a month and I need to prepare if I want it to be perfect.

I listed down the nicest resorts I've seen that are near Manila and are a little more private. Bukas ay magtatanong tanong ako ng magaling na event organizer para ipaubaya sa kanya ang mga detalye.

"Mommy!" Sigaw ni Shawn sa baba.

Mabilis akong bumaba sa hagdan at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko roon si Quinn na may hawak na pizza at isang bouquet ng yellow roses.

Tuwang tuwa si Shawn na yumakap sa Daddy niya. "I thought you are busy, Daddy? Mommy said you were busy in the office."

I bit my lip and took a deep breath. Hindi ko naman siya pinagbabawalang bumisita pero sana man lamang ay nagsabi siya para naihanda ko naman ang sarili ko.

Ngumiti ito sa akin at halos malaglag ang puso ko. "Good evening, Margaux." Aniya. "For you," iniabot niya sa akin ang bouquet.

I looked away. "Thanks," sagot ko at inilapag ang rosas sa side table.

Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang panga nang makita niyang ibinaba ko agad ang bulaklak na dala niya. Kita ko rin ang paghugot niya ng malalim na hininga, tila kinakalma ang sarili.

"I also brought pizza for Shawn." Aniya.

More Than Anything [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon