Margaux

5.3K 81 6
                                    

Tuwang-tuwa si Shawn sa paggogrocery. Andami niyang tinuturo kahit na halos lahat ng iyon ay kinokontra ko. Si Quinn naman ay kinokonsinti pa ang gusto ni Shawn. Ilang irap rin ang ipinukol ko sa kanya pero sadyang iniispoil niya ang anak ko!

Naglalakad kami sa may detergent section nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Doc Marbel!"

Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Kean na nakatayo roon kasama ang Mama niya. Ilang taon ko na ring pasyente ang Mama niya kaya kilala ko na sila. Siya rin kasi ang laging sumasama sa Mama niya pag check ups.

"Oh, Kean! Hi!" Bati ko at lumapit pa para mayakap ang Mama niya. "How are you?" I asked his Mom.

Ngumiti si Mrs. Lopez. "Ayos naman na ako, Dr. Marbel. Ikaw? Sinong kasama mo?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "Anak ko po." Sagot ko sabay turo kay Shawn na nakaupo ngayon sa cart.

"Asawa mo ba iyon?" Tanong niya ulit.

Nilingon ko si Quinn na nakatitig lamang sa akin. Ngumiti ako kay Mrs. Lopez. "Hindi po." Sagot ko.

"Naku! Siya baa ng daddy ng anak mo?" Parang nanunuksong tanong niya.

Ngumiti lamang ako. "Siya po pero hindi po kami—"

"Hindi pa po kami kasal."

Para akong mahihimatay nang marinig ang boses ni Quinn sa likod ko. Napalingon ako sa kanya at medyo naniningkit na ang mata. He did not need to lie!

Nakipagkamay si Quinn kay Kean at kay Mrs. Lopez.

Malaki ang ngisi ni Mrs. Lopez habang nakikipagkamayan kay Quinn.

"Kung ganoon ay balak na kayo? Kailan ba iyan?" tanong ni Mrs. Lopez kay Quinn.

Ngumiti lamang si Quinn. "Malapit na po." Sagot niya habang inilalagay ang kamay niya sa baywang ko. Para akong mahihimatay nang maramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko.

Why is he doing this?

I wanted to roll my eyes but I can't put Mrs. Lopez's hopes down. Ano ba naman kasi ang napag-iisipang sabihin nitong Quinn na ito? Pwede namang siya na lang ang daddy ni Shawn? Bakit kailangan pa iyang kasal-kasal na iyan?!

"Ma," singit ni Kean. "Tara na po." Aniya.

Nilingon ko siya at nginitian. Ngumiti rin ito pabalik. "Ingat kayo, Kean, Mrs. Lopez." Sabi ko.

Tumango sila at saka naglakad na patungong counter. Nang makitang medyo malayo na sila ay agad akong lumayo kay Quinn.

Matalim ko siyang tinitigan. "What do you think were you doing?" Mahina pero mariin kong tanong sa kanya.

I don't want Shawn to see that Quinn and I are fighting. That's going to be traumatic for him.

Kumunot ang noo ni Quinn. "I was brushing that guy off!" Bulong niya pabalik.

Umigting ang bagang ko. "And why would you do that? Wala naman siyang ginagawang masama!" I'm frustrated. Hindi ko alam kung bakit ako sobrang affected gayong hindi ko naman laging makikita ang mag-inang iyon.

"He's looking at you like you're single and like he can be with you!" Medyo malakas ang pagkakasabi niya noon.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko na maintindihan! Hindi ko siya maintindihan!

"So? I'm single! He can be with me!" Sagot ko.

Bigla siyang natigilan doon. Bumuka ang bibig niya na tila ba may sasabihin siya pero itinikom rin niya iyon at hindi na muling nagsalita.

More Than Anything [UNEDITED]Where stories live. Discover now