Chapter 17

434 10 0
                                    

Samantha's Pov

Hayy. Nako. Ano ba naman 'tong nangyayari sakin? Lutang ako kanina. Nakabasag pa ako ng plato. >.< Kasi naman e. Hindi ko siya maintindihan. Bigla bigla na lang may lumalabas sa bibig niyang kagula-gulantang. 

Pero, pano kung...

Pano kung totoo yung mga sinabi niya.. 

Pano kung mahal niya nga talaga ako?

Naging manhid ba talaga ako? 

Bawat hakbang ko sa madilim na eskinitang 'to, isang tanong sa naguguluhang isip ko. 

Waaaaa! Teka muna? Bakit ko ba siya pinoproblema? Ano naman ngayon kung mahal niya ako di ba? Hindi ko naman siya mahal... Teka muna, hindi nga ba? Ayt. Ayoko ng mag-isip. 

Habang papalapit na ako sa apartment ko, may natanaw akong kotse at anino ng tao. Tsss. Sino naman kaya 'to? Teka, kilala ko 'tong gwapong kotseng ‘to a. Si Murcie! *_* Para bang nagningning yung mga mata ko sa kabila ng kalungkutan. Hanggang sa.. Naalala ko kung sinong nagmamay-ari sa kanya.. 

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.. 

Ano ba 'tong nararamdaman ko. Di ko maintindihan. 

Di ko alam kung paano ko siya haharapin at kakausapin pagkatapos ng nangyari. 

Naiilang ata ako. Oo, ilang lang 'to. E bakit naman ako maiilang kung wala naman talaga akong pakialam? Waaaa! Ano ba 'to. Tanong ko sagot ko. Nahihibang na ata ako. >.< 

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang naglakad patungo sa kinatatayuan niya. 

Ang gwapo niya.. Para siyang nagglow sa dilim sa sobrang kagwapuhan. ♥____♥ Nagtatatalon na naman ang puso ko ng makita ko ang maamo niyang mukha. Aisht. Wala akong sinabe. >.< 

Nakasandal lang siya sa dingding at nakatingin sa lanti. Baliw na ata ‘to.  Di niya nga ata ako napansin e. Tulala ang mokong. Tumayo ako sa harapan niya. 

"Totoo pa lang sa gabi lumalabas ang mga maligno." di ako tumitingin, kasi.. Nagbblush ata ako! >.< 

"Samantha." Gaaaaaaaaddd. >.< Ano bang problema ng taong 'to? Waaaaa! Mahihimatay na ata ako sa sobrang kilig. The way he said my name. It was different from before. Soft but not sad. Gentle but not teasing. Sweet but not flirting. It was something like, something that is out of... LOVE & AFFECTION. Lalo akong di nakaharap.. 

"Sam.." Mahabaging langit! Hinawakan niya yung kamay ko... 

Dugdug dugdug dugdug.. 

Puso kooo... >.< 

Huminga ako ng malalim. 

"A-ano ba kasing ginagawa mo dito? Anong oras na o. Baka naman mangbibiktima ka lang a." Pabiro kong sabi sa kanya. Wew. Buti na lang at napigilan ko ang kilig. 

Kasooo.. 

Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Di ko na ata kaya 'to. Bahala na kung anong susunod na mangyayari. 

"Samantha." he pulled me close to him. As in close. o.O Nagulat ako. Nanghina ako bigla, para bang nawala lahat ng lakas ko. 

Niyakap niya ako ng mahigpit. Itinuon niya ang ulo niya sa kanang balikat ko. Yakap-yakap niya ako habang nakasandal siya kay Murcie. Ramdam ko ang init ng hininga niya. Ganun na rin ang init ng katawan niya. Ang bango niya. I’ve never felt so secure before. Dahil sa may kaliitan ako at matangkad siya, parang wala na akong kawala sa hawak niya. Nakatuon ang ulo ko sa dibdib niya nung mga oras na yun.. Naririnig ko ang tibok ng puso niya.. Weird pero, parang nakikijamming yun sa tibok ng puso ko. 

Napapikit na lang ako. Wala ng dahilan para magpigil pa.

Hindi ko alam kung bakit pero yun ang gusto ko. Gusto kong manatili sa yakap niya at palipasin ang bawat segundo. 

Sa katunayan, ayoko ng umalis sa pagkakahawak niya. Parang bang tumigil ang oras at pag-ikot ng mundo. 

"I'm sorry" His voice was so gentle that I can't answer back. I just want to listen to it. Say my name again, please? 

"Samantha, sorry kung may nasabi man ako kanina. I know it was so sudden. But I can't help it. I can't keep it anymore. Sobrang lakas na ng nararamdaman ko kaya pati bibig ko di na mapigilan sa pagsisiwalat nito. I hate it when I'm seeing you crying over some stupid jerk. It hurts me so much. It hurts that no matter what I do, I can't make you happy the way he once made you. Though I am the one beside you, he was the one you are thinking about. Despite all my efforts, he was still the one you want. Despite all the signs I was showing you, you can't seem to notice that I love you because you still love him. And to top it all, Eugene is an asshole to ignore that." 

He breathed. And init talaga ng hininga niya. Kasing init ng yakap niya. 

"Alam kong masyadong mabilis, pero una pa lang kitang nakita, una pa lang kitang nakilala, gusto na kita. Akala ko dahil lang yun sa kakaiba ka. In fact, one of a kind. Pero nung nagtagal, alam kong espesyal na yung nararamdaman ko. Dahil hindi ko pa ‘to naramdaman sa ibang babae. I never had a girlfriend before. And as time passed by, I fell in love with you Samantha. Nakakahiya mang aminin pero you are my first love. I'm not expecting you to love me back. Ang hihilingin ko lang sa'yo, sana walang magbabago. Sana magkaibigan pa rin tayo pagkatapos ng lahat ng inamin ko. Dahil ayokong mawala sakin ang babaeng pinakamamahal ko dito sa mundong ‘to. Handa akong gawin lahat makasama ka lang. Handa akong tiisin lahat maalagaan ka lang, kahit bilang isang kasintahan kundi bilang isang kaibigan." 

Humigpit pa lalo ang yakap niya sakin. 

"I love you Samantha. I really do." pagkatapos niyang sabihin yun, unti-unti niya akong binibitawan.

Napahawak ako ng mahigpit sa t-shirt niya. 

"Don't let me go Kevin." 

“I won’t. I never will.”

_ _ _

READ, VOTE, COMMENT and FAN. Thanks~

Sorry kung bitin. Haha. x) Ganun talaga para may thrill :P

Anyways, thank you sa mga walang humpay na sumusuporta at nag-iintay ng updates kahit matumal si Author. :D Maraming salamat! :))  

Teenage Heartbreak &lt;/3 [UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon