Chapter 16

400 6 0
                                    

Kevin's Pov 

I left her. Bakit ba kasi ang manhid niya? Tss. Ewan. >.< 

I eventually went to the parking lot. Uuwi na ako. I was listening to the radio in my car on my way home. 

♪NP: Kundiman by Silent Sanctuary♪

Para kang asukal, sintamis mong magmahal

Para kang pintura, buhay ko ikaw ang nagpinta

Para kang unan, pinapainit mo ang aking tiyan

Para kang kumot, na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot..

Shiiz. What's up with this song? >.< 

"Murcie, tingin mo, tama ba yung ginawa ko?" Damn, what's happening to me? Kinakausap ko na kotse ko. -______- 

"Waaaaaaaaaaa! Is this what happens when you're inlove? Nawawala ka na sa sarili mo." Sumisigaw ako sa loob ng kotse at paulit-ulit na pinindot ang busina. Teka, asan na ba ako? Ayy. F*ck

Makauwi na nga lang sa bahay. Atleast dun, sa kwarto ko, di ako magmumukhang naloloko. -____-

"Welcome home Young Master." dinaanan ko lang si Miss Maria. Sorry Miss, I'm not in the mood to greet you.

"Young Master, tumawag po kanina ang Mama ninyo. Ano daw ho bang plano niyo sa darating na weekend?" Haayy. Akalain mo yun. Naaalala pa ako ng Nanay ko. -___-

"Tell her I'm not interested." Dire-diretso lang ako sa walang katapusang hagdan. 

"Young Mas-" 

"Miss Maria?! Hayy. Mawalang galang na po. Pero, will you stop asking questions? Pagod ako." nilingon ko na siya. 

"Alin ho ang pagod? Kayo o yung puso ninyo?" She smiled at me. Despite all the wrinkles in her face, bakas na bakas sa mukha niya ang kagandahan noong kabataan niya. Ewan ko ba kung bakit di siya nakapag-asawa.  

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdanan. Nagulat sa sinabi niya. It seems like, she can see right through me. Wala naman akong kinukwento sa kanya pero bakit niya alam ang problema ko? 

"What do you mean Miss Maria?" kaharap ko na siya ngayon. 

"Young master, matanda na ako. Alam na alam ko na ang ibig sabihin ng bawat simangot mo." she was still smiling. 

"E kung alam nyo ho, bakit parang ngiting-ngiti pa kayo?" she grinned. I have no idea what is happening here.

"Dahil isang kabanata na naman sa buhay nyo ang masasaksihan ko." she went to the kitchen. Syempre sunod naman ako. Bigla akong naging interesado. Ngayon ko lang makakakwentuhan si Miss Maria ng ganto. 

Naupo siya. Syempre upo rin ako. 

"Young Master, umiibig ka na hindi ba? At ito ang pang-una." na-shock ako sa sinabi niya. 

"Pa-pano nyo ho nalaman?" 

Umiling-iling siyang nakangiti. 

"Sanggol ka pa lang, ako na nag-alaga sa'yo. Kilalang-kilala na kita young master. Pati nga amoy ng utot mo alam ko. Kaya pansin ko ang mga pagbabago sa'yo nitong mga nakaraang araw. Di tulad dati, napakabugnutin mo. Pero simula nung pumasok ka dyan sa Stellar, bigla na lang laging ang ganda ng gising mo. Di ka na nagkukulong sa kwarto, at mabait ka na sa mga maids natin." 

 "I don't get it. Ano namang connection nun sa love?" napasandal na lang ako sa upuan. 

"Hahahaha." tinawanan pa ako. *pout* "Dahil pag-ibig lang ang may ganyang epekto sa tao." naghahanda siya ng tsaa. 

"Huh?" nalilito na ako. o.O 

"You really are young, young master. Maiintindihan mo rin ako balang araw." sabay abot sakin ng tsaa.

"Di nyo naman ako natutulungan Miss Maria e. Lalo lang akong naguguluhan." napapakamot na ako ng ulo. 

"Young Master, pagdating sa pag-ibig, ikaw lang ang makakahanap ng solusyon sa problema mo. Oo, magandang makinig sa mga payo. Pero mas maganda pa ring pakinggan ang puso mo." 

Napainom na lang ako ng tsaa. 

Matagal kaming tahimik ni Miss Maria. The smell of the tea was soothing. Nakakarelieve ng stress. Sana andito rin si Sam para gumaan naman pakiramdam niya. 

"Miss Maria, bakit hindi ka nakapag-asawa?" Out of the blue, naisipan kong itanong yun.

Napapikit si Miss Maria sa tanong ko. Ow ow. 

"Alice, Gertrude, ipaghanda niyo na ng hapunan si Young Master." nakapikit pa rin siya. Kalmadong-kalmado. Hanep, kanina pa pala nakikinig yung mga maids namin. She sensed it just like that. May lahing ninja ata si Miss Maria. o.O 

Tumayo siya sa kinauupuan niya. 

"Sabihin na lang nating, ayokong magpakasal sa taong hindi ko naman mahal." *bow* "I'll leave you here young master." mahinghing naglakad si Miss Maria palabas ng kusina. 

And me, still left here enjoying my tea. But seriously, gulong-gulo pa rin ako. >.< 

_ _ _ 

READ, VOTE, COMMENT and FAN. Thanks~ 

Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa at nagagandahan sa aking storya. :))  

Teenage Heartbreak &lt;/3 [UPDATED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن