Prologue

1.2K 24 6
                                    

Nothing lasts FOREVER. 

It's cliche. Kadalasan sinasabi ng mga nasaktan, nawalan, iniwan, niloko. 

Totoo naman di ba? Wala namang bagay sa mundong to na nagtatagal magpakailanman maliban sa pagbabago. Lalo na sa pag-ibig..  

Kadalasan sa mga magkakarelasyon, sasabihin nila, magmamahalan daw sila forever. May nalalaman pang to INFINITY and BEYOND. Tapos malalaman mo na lang na nagbreak na sila. At kasunod ng paghihiwalay ay ang walang katapusang dramahan at iyakan. Kanya-kanyang sumbatan kung sinong nagkamali, kung sinong di tumupad sa nasabing pangako. 

Ganyan ang pananaw ko dati sa love. Hanggan sa may dumating sa buhay ko na nagbago ng lahat. Kung dati, ang hilig kong bumatikos ng mga taong nagsesenti, pero nung ako na nasa kalagayan nila, takang-taka rin ako kung bakit ganun ang naging epekto sa pagkatao ko.

Oo, masakit ang break-up. Lalo na pag gusto mo pa, kaso sya ayaw na. Sarap na lang isipin ung sinasabi ng iba na "Marami pa namang iba dyan." "Di talaga siya ang para sayo." "Malay mo, may magmahal pa sayo ng higit sa ginawa nya." 

Mahirap magsalita ng tapos sa isang relasyon. Wala ka naman talagang kasiguruhan kung anong pwedeng mangyari bukas, sa makalawa at sa mga susunod pang araw. Pero ang mahalaga, nagawa mong mabuhay sa kasalukuyan na parang wala ng bukas. Wala kang pagsisihan. Wala kang panghihinayangan. 

Nothing last forever, but you can make something last a lifetime... 

_ _ _ 

Hirap pala ng pinasok ko. Haha. x) 

Keri ko to :D 

Teenage Heartbreak </3 [UPDATED]Where stories live. Discover now