Chapter 5

678 22 1
                                    

Samantha's POV 

Bakit? Bakit sila andito? Bakit parang sinusubok talaga ng tadhana ang katatagan ko? Bakit pilit tinatabi sakin ang mga taong makita ko pa lang ang mukha eh badtrip na ako? Tsss. -_____-

Masakit, di ko alam kung bakit masakit pa rin. Buti na lang natiis ko. Siguro dahil mas matatag na ako ngayon. At kelangan ko pang humiram ng katapangan at katarayan sa kung kaninoman para makayanan ko ang araw na araw tanawing magpapalabo ata ng mata ko. 

"Bakit? Hayyy." bulong ko. Kinakausap ko na naman sarili ko. 

"Bakit ano?" may bumulong din sa tenga ko. Kakilabot. Yay. Sino ba 'tong epal na to? -______- 

"Wala ka na dun." sinagot ko na lang. Para tantanan ako, kasoo.. 

"Emote ka ng emote dyan, di mo man lang ako nililingon." sagot nung lalaking epal, teka, kilala ko yung boses eh. Wala lang ako sa sarili ko kaya di ko napansin ng mas maaga. Tsss. Yung impakto palang nakauniform. Nilingon ko sya. 

Naka-pout siya nung tumingin ako. Kala naman nya eepekto sakin pagpapacute nya. Hambog talaga. -_____- "Oh eh bakit? Anong kailangan mo maligno?" 

"Maligno? Tong gwapo kong to? That doesn't fit me. Anyways, yayayain sana kita maglunch." (^_^)\/ para siyang bata nag-aalok ng kendi. 

"Wow ha. May lagnat ka ba? O sinapian ka lang ng ibang elemento?" kahit papano, nasasanay na rin ako sa kutong lupang to. 

"Wala. I just want to accompany you. You see, aside from Bri, wala na akong ibang kaibigan." 

biglang naging seryoso yung mukha nya. Taii. Gwapo talaga neto, sana ganyan na lang siya lagi. Waaaaaaaa! Ano ulit sabi ko? Forget it. Wala akong sinabi ahhhh. >.< 

"You don't have to." I faked a smile. 

"Alam mo, yung ngiti mo, halatang made in China. You don't have to smile if you're unhappy. Yan ang problema sa iba eh, masyadong mapagpanggap. Just be yourself. Di naman required sa mundong to na ngumiti everytime. Di lang kapwa mo niloloko mo, pati na rin sarili mo. Tumayo ka na dyan, maglulunch tayo." o.O speechless. Suddenly, parang ibang Kevin ang nakita ko. Parang tama ata si Yhanny. Yung impakto, naging engkanto. May pananaw din pala sa buhay tong mokong na 'to. 

"Oh? Ano pang tinutunganga mo dyan? Don't tell me you're going to reject me. Many girls are dying just to talk me. Eh ikaw? Niyaya kita ng lunch tas nganga ka lang dyan." pffftt. Umiral na naman ang kayabangan. -_____- 

"Okay na sana eh-" nilagay nya yung daliri nya sa ibabaw ng labi ko. Tapos, hinila nya ako. o.O 

Ang bilis ng mga pangyayari, parang eksena lang sa teleserye. I was caught offguard. Wala na akong palag. 

Andami na namang nakatambay sa hallway. Iba't-ibang klase ng tao.

May mga kadugo si Yhanny na maya't-maya humaharap sa salamin at nag-aayos ng buhok. Di ata mabubuhay ng di nakikita sarili nilang mukha minu-minuto. Meron din naman mga kasapi ni Gette sa kulto na sobrang misteryoso. May sariling mundo, tahimik lang. Parang emo na di mo maintindihan. Syempre di mawawala ang mga berde ang dugo. Yung iba lantaran, pero may mga ayaw pang umamin kahit halatang-halata naman. Andyan din ang mga campus crushes, syempre sila-sila magkakasama, ayaw kasi nilang nahahaluan ng mga hindi kagwapuhan/kagandahan. May mangilan-ngilan na nerds at bookworms. Kumpleto rekados ang student body dito sa Stellar Academy. 

Habang naglalakad kami, kanya-kanya rin silang bulungan. Parang mga dwende sa hina ng boses. Kami ba pinag-uusapan nila? Yung iba kasi, tilian ng tilian pag nakikita tong impakto sa harap ko. Parang kinakatay na biik. -_________- 

"Di ba si Samantha yan? Yung ex ni Eugene? Boyfriend nya ba ung gwapong transferee.?" bulong nung isang babaeng kapederasyon ata ni Yhanny. 

"Ewan. Sana naman hindi. Di sila bagay noh. Ako ang bagay kay transferee guy. Hahaha." *evil laugh* 

Boyfriend?! Anak ng! Maghahalo muna ang balat sa tinalupan bago mangyari yun. Apaka malisyoso talaga ng mga tao dito. Bakit ba kasi nainvolve pa ako sa gwapong lalaking to na ilang araw pa lang pumapasok eh popular agad. Tska ano daw? Wow ha. Touch naman ako sa sinabi nya. May hawak naman siyang salamin, lagi rin nyang nakikita sarili nya. Malabo lang ba mata nya, o sadyang nagbubulag-bulagan sa kapangitan nya? Ayy. Alam ko na, masyado ng makapal ang foundation nya kaya di na nya makita sarili nyang mukha. Bwisit. -_____- 

Pagdating namin sa canteen, kala ko matatapos na kalbaryo ko dahil nandito mga kaibigan ko. Kaso..

"Buti naman andito ka na te. Kala ko nalunod ka na sa sarili mong luha eh." pangiintriga ni Blyke. 

"Hi Sam, upo ka na sa tabi ko." Gette smiled. Ang inosente nya talaga. :) 

"Hi din Gette. Thanks ah. :)" 

"Hello Bri, paupo na rin ako aa." (^_^)\/ tumabi sakin si Kevin. Oh, di ko na siya masyadong binabansagan aa. Magdiwang dapat siya. 

"OMG. Cutie pie is sitting here. Kakain ka ba with us?" biglang sumulpot si Yhanny. May dala na siyang pagkain. 

"Hinde hinde. Tutunganga lang siya. Maglalaway habang nakain tayo." hirit ni Blyke. Naupo na tuloy si Yhanny. 

"Anyways, OHMYGOOOOOODDD! Have you seen them na may dear?" alam ko na kung sinong tinutukoy niya. 

"Oo. Magkaklase pa nga kami eh. Saya." I smiled. Yung ngiti ng matapang na si Sam.

"Okay ka naman ba Sam?" Nag-aalala na si Gette. Mukhang may muwang na siya sa pinag-uusapan namin.

"Syempre naman. Ako pa?"  Parang wala lang sakin. Wala na naman talaga eh. Siguro.. 

"Weh? Utot mo bilog. Kilala ka namin noh. Kung iyakan mo siya noon halos magka-Pacific Ocean sa kwarto mo." -________- ayaw pa maniwala ni Blyke buh.

"Noon yun, hindi na ngayon." totoo naman eh.

"Ano yun?" napatingin kami lahat kay Kevin. Ayt. Nalimutan naming andito pa pala siya. Paktay. 

"Wala. Bumili ka na lang ng lunch." palusot. 

"Why won't you tell me?" sus. Pacurious effect pa to. Makikichismis lang naman. 

"Malalaman mo rin sa takdang panahon. Okay. Bumili ka na lang ng lunch. Treat mo di ba? Gusto ko ng Two Friedchicken, Spaghetti, 1 extra large fries, 1 Cheeseburger tsaka 1 large Coke. :D" sobra sobra ba? Hinde. Kulang pa nga sakin yan eh. Haha. 

"Antakaw mo, pero ayos lang. You smiled at me. You're first true smile. Solve na ako dun." *wink* 

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi lang ako, pati mga kaibigan ko. Siya lang ang nakakapansin ng ibig sabihin ng mga ngiti ko. Infairness ah. Okay rin pala siya. Hambog lang talaga. ^_^ 

_ _ _ 

 READ, VOTE, COMMENT, FAN. :))))))))) 

Thank you po sa lahat ng nagbabasa ng story ko. Kahit bago pa lang po ako, maraming salamat sa mga papuri nyo. Nakakainspire tuloy gumawa. Hihi. :"""> 

Teenage Heartbreak &lt;/3 [UPDATED]Where stories live. Discover now