Chapter Thirteen

130 3 0
                                    


THREE years later.

God was indeed so good giving Vlad the chance to get well. Hindi sila huminto sa paghahanap ng ways para gumaling siya. Sa tulong ng mga doctor at dasal ay unti-unti umayos ang kalagayan niya. At makalipas ang tatlong taon, heto na siya. Naigagalaw na niya ng ayos ang kanyang mga kamay. Nagagawa na rin niyang tumayo pero hindi pa niya kayang maglakad. He's looking forward to be able to walk again though. For the mean time, sinubukan muna niyang bumalik sa passion niya. Thankful silang mag-asawa na matapos ang pinagdaanang unos, heto pa rin sila buo, masaya, at nagmamahalan.

Napapangiti na lamang si Vlad habang pinapanood ang anak na tumutugtog ng piano. Apat na taon na ito at namana ang hilig niya sa music. Two years old ito nang mapansin nilang mag-asawa na may interes na itong mag-play ng piano. With the support of his wife, he trained her to play piano kahit na hindi pa ito nakakabasa ng notes. Like him, Mirasol was a musician by ear.

She played the last two notes of a piece wrong and stopped. "Ooops. Mali! Mali po, Dad di ba?" Mirasol innocently turned to him having the pair of eyes the same as what his wife has.

Vlad just smiled and kissed her temple. "It's okay, baby." Tinugtog niya ang part na nagkamali ito while his eyes were still on set on his child. Mirasol innocently and attentively watch the piano while he was playing.

Then she immediately played again the part and did it well this time. "Yes!" She cheerfully raised her two hands. "I did it!" Yumakap ito sa kanya.

"Ang galing-galing mo na sa piano, anak. Pwede ka ng pumalit kay Daddy."

"Talaga?"

"Oo naman."

"Mana po 'ko sa'yo sabi ni Mama. 'Kaw po pinakamagaling sa lahat."

He smiled. "Sa lahat?"

Tumawa ang bata. "Sa lahat lahat lahat lahat!"

"At nagbolahan ang mag-ama," sabat ni Amhiela. Agad itong pumasok sa silid at may bitbit na tray ng merienda. "Tama na muna iyan, kain na muna. Lika dito baby."

Mirasol ran to her mother to get some food. Naiwan siya sa harap ng piano habang aliw na aliw makita ang mag-ina niya. Puno ng pagmamahal na inasikaso ni Amhiela ang anak nila. Kinukuhanan din nito ng pictures si Mirasol gamit ang SLR nito habang ang bata ay sayang-saya sa cupcakes na luto mismo ng asawa niya.

Vlad never wished for anything more. Ngayon ay kuntento na siya sa buhay. Unti-unti ay nakakapagtrabaho na uli siya sa Keithan Apparels. Dahil do'n, part time na lang nagtatrabaho ang asawa niya at nagkakaroon na ito ng mas maraming oras para sa kanila. Pumupunta lang ito sa office pag kailangan ng photographer. Ngayon ay tinatrabaho na rin niya at ng co-pianist na si Limien Rose ang ikatlong volume ng collaboration albums nila. Bumabalik-balik na rin siya sa mga shows bilang musical arranger o performer. And Mirasol stayed healthy, sweet, and smart. Everything just went well and he just can't simply hope for more. Thankful na siyang nakabangon na sila.

He tapped his lap. Ito na lang ang kulang. Pag nakalakad na ako, solb na! Napangiti siya. Tuloy-tuloy pa rin ang therapy niya kasabay ng pagdarasal at pagpapahid ng langis na bigay ng albularyong pinuntahan nila dati.

"Kung anuman ang inginingiti mong iyan, garantisadong gutom lang iyan. O kumain ka na rin." Amhiela placed a plate with cupcakes and a glass of juice on the top of the piano.

Napatawa lang siya. He tapped his lap and motioned her to sit on it. Agad naman itong umupo sa kandungan niya. She wrapped her arms on his neck. How he loved sweet moments like this. Iyong busy ang anak nila sa pagkain at walang pakialam sa kanilang dalawa kaya libre silang maglambingan. He immediately awarded her a kiss. "Ayen..."

Keep The Music Playing (Completed)Where stories live. Discover now