Chapter Three

164 6 1
                                    


Hindi mapakaling nagpaikot-ikot sa maliit na pantry ng room si Vlad. Pagkagising niya nang umaga ay na-shock ang kagandahan niya sa drama nila Amhiela.

Hugging each other while sleeping! Oh my gosh! What did I do?

Kaya naman nang matauhan ay agad siyang bumangon at lumabas ng silid...trying to recover everything that happened last night.

Natigilan siya nang may maalala siya. Nasabi ko sa kanyang bakla ako? Nasapo niya ang noo at wala sa sariling nahigop ng bonggang-bongga ang kanyang tea.

"Good morning, Vlad!"

Sa gulat ay nadulas sa kamay niya ang tasa at bumagsak sa sahig. Buti na lang at wala na iyong laman.

"Vlad, okay ka –"

Iniharang ni Vlad ang braso para mapigilan si Amhiela na pulutin ang nabasag na tasa. "D'yan ka lang. Ako na ang bahala dito."

"Okay."

Kumuha siya ng dustpan at agad winalis ang mga bubog.

"Okay ka lang, Vlad?" tanong nito.

Binalingan niya ito. "I hope so."

"Bakit naman? Masakit ba ang ulo mo dahil sa hangover?"

Hindi, masakit ang ulo ko sa'yo. How can this girl act like nothing shocking happened last night? "No. Ah, we better have our breakfast." Inilagay niya sa isang tabi ang walis at dustpan pagkatapos ay giniya niya ito sa mesa.

Nagkibit-balikat lang ito sa kanya at saka sumunod. Magana at masaya ito habang kumakain habang siya ay halos hindi malasahan ang kinakain dahil pre-occupied ang utak niya. He found it weird. Bakit parang balewala lang kay Amhiela na nalamang nitong bading siya? Napakalayo ng bagay na iyon sa ine-expect niyang magiging reaction ng isang babaeng nai-date ng isang bading na nagpanggap na straight. Amhiela seemed like just fine with it.

Ay naku, mauubos ang invisible false eyelashes ko sa babaeng ito.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Amhiela.

"Ah, hindi naman."

"Bakit di mo ginagalaw pagkain mo? Come on, it's sunny happy morning. Makisaya ka sa weather, you know?" sambit nito sabay balik ng attention sa pagkain. "Cheer up!"

"Amhiela..." Kinabahan si Vlad at na-tense nang balingan siya nito. Napabuntong-hininga siya, trying to feel more relax. "Ah, iyong tungkol sa nangyari kagabi..."

"Alin do'n?" tila balewalang tugon nito at nagawa pa talagang ibalik muli ang atensyon sa pagkain.

"Iyong..."

"Iyong preference mo?"

Natigilan si Vlad ng ilang segundo. Confirmed. Lantad na kay Amhiela ang secret niya. Sa pagkataranta sa kung ano ang dapat gawin ay nilapitan niya ito. OA na lumuhod siya sa harap nito. "Utang na loob, Amhiela isekreto mo lang ang nalaman mo please... please! Nakasalalay do'n ang buhay ko. Nakikiusap ako. Walang dapat makaalam na bading ako. Hindi iyon dapat makarating sa mga magulang ko at kahit kay ate." Hinawakan niya ang kamay nito habang nakatitig siya sa nakamulagat nitong mga mata sa kanya, tila nagugulat sa mala-FAMMAS na drama niya. "Gagawin ko ang lahat, Amhiela. Lahat... lahat ng gusto mo—"

"Teka lang, Vlad!" Kumalas ito sa pagkakahawak niya at ikinulong nito ang mainit nitong mga palad sa kanyang mukha.

Nagulat siya. Her hands seemed like healing his heart, casting away his worries, and telling him to calm down. Natigilan tuloy siya at napatitig na lang dito. Juice kez! Anong gayuma meron ang babaeng ito? Natotomboy na ata ako.

Keep The Music Playing (Completed)Where stories live. Discover now