Chapter Seven

123 6 0
                                    


Abala ang isipan ni Amhiela sa napakaraming bagay habang hinihintay na makarating sa seventh floor ang elevator. After niyang makuha ang ultrasound result sa hospital ay agad siyang dumiretso sa Keithan Apparels para puntahan si Vlad.

Ano'ng mangyayari ngayong buntis ako? Kaya ko ba? Magiging single parent ba ako?

Dalawang beses pang naulit ang contact nila ni Vlad matapos ng una nilang make love scene nang maging officially on sila. And the last one brought a baby in her tummy. Excited siya at masaya na magiging ina na siya. Ngunit kaakibat noon ang takot. Ngayon magkaka-baby na sila ni Vlad, hindi na siya sigurado sa magiging estado ng relasyon nila. Ayaw niyang maging excuse ang upcoming baby para matali ito sa kanya.

Ang indicator sound ng elevator na nagsasabing nasa tamang floor na siya ang gumising sa kanyang pagmumuni-muni. Bumuntonghininga siya at naglakad papasok sa office ni Vlad. Agad siyang pinatuloy ng secretary nito nang hindi na pinapaalam kay Vlad ang pagdating niya.

Naabutan niya itong pumupuslit ng pagtulog habang nakasandal sa swivel chair nito. Dahan-dahan siyang lumapit at binigyan ang sarili ng pagkakataong pagmasdan ito. Will you be happy if you found out about the baby?

Masyado ng napapraning si Amhiela. Iniisip niyang hindi magiging masaya si Vlad...or worst, mag-pretend itong masaya, panagutan siya, pakasalan siya, paniwalain siya pagkatapos ay ma-discover niyang napilitan lang ito dahil sa bata. Iniisip pa lang niya ang worst scenario na iyon ay naiiyak na siya.

Mukhang malalim ang pagkahimbing ni Vlad dala na rin siguro sa pagod sa trabaho at the same time ay kabi-kabilang shows. Nakita niyang pinagpapawisan ito kaya kumuha siya ng panyo para punasan ang noo nito. That's when she found out that he has fever.

"Vlad?" Ikinulong niya ang kanyang palad sa pisngi nito.

Umubo ito at nagising. "Ayen, ano'ng ginagawa mo dito? Kanina ka pa?"

"Nilalagnat ka. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" bagkus ay patanong din niyang tugon.

"Lagnat lang naman ito." Hinawakan nito ang kamay niya. "I'm fine. Nakainom na rin naman ako ng gamot. So, bakit bigla kang napadalaw?" Tumayo ito at iginiya siya sa receiving area. Umupo sila sa sofa.

"We have something important to talk about." sambit niya.

"Mukhang sobrang important nga. Ano iyon?" Ibinigay niya rito ang envelop na naglalaban ng lab results niya. "Ano 'to?" Kunot ang noo nito nang buksan ang envelop.

"Vlad, I'm pregnant."

Naging blangko lang ang expression nang mukha nito nang balingan siya pagkatapos ay muling ibinalik nito sa lab test ang attention.

"Two months and one week," pagpapatuloy niya.

"Ayen..." Sa gulat niya ay tuwang-tuwa siya nitong niyakap. "Di ko ma-explain ang nararamdaman ko. I'm excited, I'm nervous... I'm definitely happy."

Ngunit lalo lang natakot si Amhiela sa naging reaction nito. "Vlad..."

Nagtaka ito marahil sa inaakto niya kaya kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at mataman siyang tinitigan. "Bakit? Hindi mo ba gusto? Hindi ka pa ba ready?"

"Hindi sa ganon, Vlad. Natatakot lang ako. Napakaseryosong bagay nito. Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko."

Ikinulong nito ang mga kamay nito sa kanyang pisngi at hinalikan siya sa noo. "Wag kang matakot, Ayen. Andito ako, aalagaan ko kayong mag-ina ko. Magiging mabuti akong ama sa kanya at asawa sa 'yo. Bubuo tayo ng masayang pamilya."

Keep The Music Playing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon