Chapter One

319 7 0
                                    

"First victim!" Amhiela mischievously clicked her Canon EOS 1DX II camera taking some stolen shots of a total stranger...a total handsome stranger.

Who cares? Naghahanap lang naman siya ng mga gwapo na magpapasaya sa mababaw niyang kaligayahan. Being such an adventurous girl, ready siya sa kahit anong trip. Sakay lang siya nang sakay sa kahit anong bagay as long as nati-trigger ang interest niya. And that day, her day off from long week of hard work, was meant to find some spice in her life. Magbo-boy hunt siya.

Nasa loob siya ng isang restaurant na open air at tanaw ang dagat. Dalawang linggo sila doon sa Hacienda Canilao Beach Resort sa Batanes para simulan ang photo shoot para sa beach wedding dresses at summer collection catalog. She's working as an in-house fashion photographer ng Keithan Apparels, one of the most prestigious brands of clothing line in the country. At mula nang dumating sila doon isang linggo na ang nakakalipas, ngayon pa lang siya nabigyan ng off.

Dumaan pa sa harap niya ang binatang ninakawan niya ng pictures at nginitian pa siya. Kawawang binata. Nabiktima na niya, wala pang alam. She innocently smiled, too.

Then she spotted another eye-catcher. "Hmm, second victim!" She captured pictures of a chinito who passed by.

Sinilip ni Amhiela ang shots na nakuha. "Not bad. This place is full of hunkable fafa! Bongga!"

Wala na nga siyang sawa. Her work as an in-house photographer of a well prestigious fashion house allowed her to be in the environment of gods and goddesses of beauty. Puro models palagi ang kaharap niya suot ang mga creations ng team ng mga kaibigan niyang sina Tomomi, Belle, Camille, at Maylee. At kung mga fafaness din lang, marami na siyang nakuhanang lalaki in their sexiest poses. Pero 'pag wala siyang magawa sa buhay, natitripan pa rin niyang mag-boy hunt.

Another victim entered. As usual, nag-fiesta na naman ng stolen shots ang camera niya. Napakunot-noo lang siya nang makita ang picture. "Ay, isa pala sa models namin. Kasawa naman, next victim please!"

On cue, her favorite victim came in. Dashing in his beach shirt and pants on, Vladimir Cerio often called as Vlad by his friends and colleagues entered the resto. Agad na napangiti si Amhiela nang mamataan ang boss niya. She has been working with him for a year already.

She first met Vlad in one of her brother's party few years ago. As she remembered, she was still in college that time. Madalas siyang kaladkarin ng celebrity brother niya sa kung saan-saang party. And since Keithan Apparels was one of the major sponsors of celebrities, madalas na invited sa mga celebrity events and parties ang magkapatid at magkinakapatid na tagapagmana ng joint business na 'yon. Ang magkapatid na sina Tomomi at Vlad kasama ang kanilang kinakapatid na sina Belle, Camille, at Maylee ang namamahala ngayon sa Keithan Apparels sa tulong na rin ng mga magulang nilang nagpamana ng negosyo sa kanila.

Sa una pa lang ay nagka-crush na siya dito. Well, sino nga naman ba ang hindi magkakagusto sa isang binatang exemplary sa music, amazingly handsome from head to toe, and successful businessman in his young age? Para itong typical pocketbook character na nabuhay mula sa libro. Ito ang pinaka-best na uri ng mga lalaking papangarapin ng lahat ng babae. At si Amhiela ang nasa top list ng mga babaeng nangangarap na pagtapunan nito ng atensyon. Kaya naman noong alukin siya nito ng trabaho para maging fashion photographer sa bigating company nito, sinunggaban niya agad ito este ang trabahong alok nito.

And now, habang tumatagal siya sa Keithan Apparels ay nagiging malapit siya sa binata dahil ito ang immediate boss niya.

Tulad ng ibang victim ay kinuhanan niya ito ng stolen shots. Iyon lang, di hamak na mas maraming stolen shots ang para dito. Then she happily sighed nang pinagtitingnan niya ang mga nakuhang larawan. "Bongga! Sa lahat naman ng victim ko, ikaw ang pinakagusto kong mabiktima. Kaya lang allergic ka sa babae!" She sighed again.

Keep The Music Playing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon