Chapter Nine

90 4 0
                                    


            "Where the hell is that?" Aligaga si Vlad habang hinahanap ang kwintas ni Christian sa loob ng kuwarto nila ni Amhiela. Kabado siya dahil bihadong malilintikan siya kung makita iyon ng asawa niya. Ang siste, hindi niya maalala kung saan niya exactly naipatong iyon bago iyon mawala sa kanya.

Nasa kalagitnaan siya ng paghahanap sa mga cabinet at drawers nang biglang pumasok sa kwarto si Amhiela.

"Ano'ng hinahanap mo?"

Natigilan siya. Damn! Alanganing nginitian niya. "Ah.... Iyong cell phone ko kasi di ko matandaan kung saan ko naipatong. Nakita mo ba?"

"Oo."

"Talaga? Saan?"

Kinuha nito ang cell phone niya mula mismo sa bulsa ng suot niyang shorts. Patay ako nito!

Di na maipinta ang mukha ng kanyang asawa nang ibigay nito ang cell phone niya. "Sa susunod Vlad, 'wag kang magsisinungaling kasi hindi mo expertise iyon. Ano ba talagang hinahanap mo?" She rolled her eyes and walked out when he suddenly lost words to utter.

Napapakamot sa ulong sinundan niya ito. Lately, napapansin niyang moody ito. Lahat na lang ng gawin niya ay binibigyan nito ng ibang meaning. She often questioned his acts. Ma-late lang siya ng uwi, iniisip agad nitong may pinagkakaabalahan siyang iba, na may tinatago siya. Minsan na ring natanong siya nito kung may iba siya. Lalo tuloy siyang kinakabahan. Alam niyang wala namang siyang ginagawang kasalanan ngunit batid niyang hindi iyong mauunawaan agad ni Amhiela kung sakaling matuklasan nito ang pagkikita nila ni Christian. Damn! I have to find that necklace. Hindi ako puwedeng maunahan ni Ayen.

"Ito naman nagsusuplada agad. Ayen!" He grabbed her arms. Huminto ito sa paglalakad. He just simply moved closer and hug her tummy from her back. Then he whispered in her ears. "Wag kana ng masungit, Ayen. Ang baby natin magiging next kontrabida sa pinalakang tabing. Gusto mo ba iyon?"

"May hinahanap ka, ayaw mong sabihin sa akin kung ano ang totoo. Ano ba talaga, Vlad? May babae ka ba?"

"Meron, ikaw."

"Vlad!"

"Wala. Saan mo ba napupulot iyang mga iniisip mo? Nasosobrahan ka na sa Koreanovela."

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya. "Be honest, Vlad." She looked into his eyes intensely. Mababakas sa mata nito ang magkahalong takot at pangamba. "Sino si Christian? Siya ba ang ex mo? Bakit tumatawag siya sa'yo noong isang araw?"

"Hindi siya iyon," tipid na sagot niya. Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga palad. "Magtiwala ka sa akin, Ayen. Mahal na mahal kita. Kahit bumalik siya, o may mga temptations na dumating, hinding-hindi ako mawawala sa'yo. Hold on to my words, okay? 'Wag ka ng masyadong mag-isip ng kung anu-ano at baka mapaano kayo ng baby natin."

"Then Vlad, anong sabi ng doctor sa sakit mo?"

Isa iyon sa mga bagay na hindi niya sinasabi ng tuwiran sa asawa niya. Natatakot siyang makasama iyon sa pagbubuntis nito kaya pag nagtatanong ito ay umiiwas siya. "Kailangan bang ngayon natin pag-usapan iyan?"

"Bakit ba palagi ka na lang umiiwas pag-usapan iyan? Sabihin mo na lang, Vlad. Hindi kasi ako mapalagay. Sabihin mo man o hindi, nag-aalala ako sa'yo."

"Alright. Come." Hinila niya ito sa kwarto at naupo sila sa sofa bed doon.

Mataman niya itong pinagmasdan. Ngayon lang niya naisip na ang dami pala niyang personal na issues na inilihim sa asawa dahil ayaw niya itong masaktan. Marahil makakabuti ngang ipagtapat na nga niya dito ang health condition niya. Baka sa ganoong paraan ang mabura din ang pagdududa nito sa kanya.

Keep The Music Playing (Completed)Where stories live. Discover now