Chapter Six

143 6 0
                                    


"Kumusta naman ang work environment mo, doon sa Pontez?" usisa ni Vlad.

They were on their way to Green Haven Farm. Ang big project ni Amhiela sa Widlife Discovery magazine ng Pontez Publication ay mag-feature ng mga animals na makikita sa Green Haven Farm na pagmamay-ari ng Kuya Hamiel nito kasosyo si Limien Rose Ferrer. Apat na buwan na ito sa Pontez. At bilang supportive boyfriend, sinamahan niya ito kahit na alam niyang kabisadong-kabisado nito ang lugar.

"Okay lang naman. Mababait naman ang mga people do'n. Iyong iba, nakasama ko na dati sa mga exhibits at photography contests kaya hindi na rin naman mahirap mag-adjust," tugon ni Amhiela. "So far, okay naman. Ikaw? Kumusta ang Keithan nang wala ang kagandahan ko?" hirit nito.

"Malungkot. Wala na akong mayaya ng lunch o kaya dinner na ASAP e. Need ko pa mag-drive ng four kilometers para makita ka lang. Dati, lalabas lang ako ng office at bababa sa 2nd floor, andoon ka na. Hindi na rin tayo araw-araw nagkikita."

"Miss mo ako ano?" hirit nito.

Kagyat na binalingan niya ito. "Obvious ba?"

"Ay hindi naman. Obvious na obvious lang."

They laughed. Hanggang sa makapasok na ang sinasakyan nila sa Green Haven Farm. Agad sumalubong sa kanila ang kapatid nitong si Hamiel na kasalukuyang nagpe-play Good Samaritan para sa kaibigan niyang si Limien Rose na hanggang ngayon ay inaakalang namatay si Hamiel sa isang aksidente. Naka-wheelchair ito.

"Pare, puwede ko bang bisitahin si Limien?" tanong niya.

"Oo pare, ando'n siya sa garden ng villa kasama ang mama niya."

Binalingan niya si Amhiela. "Iwan ko muna kayong magkapatid. Bibisitahin ko lang si Limien ha."

"Sure, Vlad. After kong kumuha ng pictures, dadaan din ako sa villa."

"Sige." He kissed on her cheeks, a very usual act of affection since they had a relationship. Pagkatapos doon ay pumunta na siya sa villa habang ang magkapatid ay patungo sa wildlife zoo sa loob ng malawak na farm.

Papasok ng villa ay nakasalubong niya si Sandra, ang ina ni Limien na isang film maker. "Vlad, hijo. Kumusta ka na?" Sinalubong siya ng ginang ng yakap at halik sa pisngi.

"Okay lang, Tita. Medyo busy pero kaya pa naman."

"Yeah, I heard about your shows. Dumadami na uli ha. Gonna be producing your first album wherein you will not just play piano. You have to sing okay?"

Nagulat siya. That was a huge privilege that the known film director Sandra Pontez-Ferrer was willing to invest on him in the music industry. "Oh, thank you Tita. I'm looking forward to do the album with Limien."

Ngumiti ang ginang. "So it means, It will be soon. Hinawakan nito ang mga kamay niya. "Hijo, nakakita na kami ng donor. Kakatapos din lang medical check-up ni Limien kahapon and found out that she was more than ready to undergo the operation. Lilipad na kami pa-Malaysia bukas. Soon makakakita na siyang muli."

"Talaga po?" Tumango ang ginang. "Wow, that was double good news for me today. Puwede ko po bang makita si Limien?"

"Sure, andoon siya sa garden. Dumiretso ka na lang doon at pupuntahan ko lang si Good Samaritan." Natatawang hirit ng ginang. For couple of months inilihim ng lahat kay Limien na ang Good Samaritan nito ay walang iba kundi ang true love nitong si Hamiel. "Oh, reminder hijo, never tell who's the Good Samaritan is. The revelation will happen as soon as the operation became successful."

Keep The Music Playing (Completed)Where stories live. Discover now