Chapter XV

23 2 0
                                    

CHAPTER XV

Third Person's POV

"Hindi na ba tayo bibisita kila tiya Lerian? Paano na 'yung mapapangasawa mo?" Tanong ni Chase habang naglalakad sila papunta sa bayan. Madadaanan kasi ang bayan patungo sa pupuntahan nila.

"Matagal na akong nawala rito. Hindi man nila matanggap ay hindi ko pakakasalan ang anak nila."

"Sayang. Akala ko pa naman may kasama na tayong uuwi."

"Apat tayong lumabas kaya apat din tayong babalik." Sagot ni Edge. Napahinto sila sa paglalakad 'nang may batang yumakap sa hita ni Eirene.

"Binibini, ang ganda ganda niyo po." Yumuko si Eirene para makapantay niya ang bata.

"Ikaw rin. Wala ka 'bang pasok ngayon?" Napakurap kurap ang batang babae.

"Pasok? Saan po?"

"Sa paaralan. Hindi ba't nag-umpisa na ang pasukan?" May biglang humila sa bata.

"Ay pasensya na, hija! Ganito lang talaga itong batang ito." Umiling si Eirene at tumayo.

"Hindi pa po ba siya pumapasok? Hindi ba't nag-umpisa na ang pasukan?" Napabuntong hininga ang matandang babae.

"Gustuhin man namin ay wala rin naman kaming magagawa." Napakunot-noo si Eirene. "Ipinasara ng palasyo ang paaralan dito kaya kami na lang mismo ang nagtuturo sa aming mga anak."

"Ipinasara?" Maging ang tatlo ay naguluhan sa sinabi ng matandang babae.

"Dalawang taon na simula 'nung ipinasara ang paaralan dito sa labas. Maging kami ay nabigla. Simula ng mawala ang reyna at hari ay hindi na kami tinutulungan ng palasyo." Paano? Lagi akong may proyekto para sa mga tao sa labas ng palasyo. Sinisigurado 'kong maayos ang paaralan, ospital at napapatupad ang kapayapaan dito.

"Kapag bumabagyo ay inaasahan namin ang mga pagkaing ipinapamigay ng palasyo pero hindi namin inaasahan ang ginawa nila. Bababa sila dito sa siyudad at bago pa man namin mahawakan ang para sa amin ay agad 'din silang umaalis. Simula noon ay hindi na namin sila sinasalubong dahil alam naman naming hindi rin nila kami bibigyan. Hindi ko man kilala 'kung sino ang namumuno ngayon ngunit pinabayaan niya kami. Ipinagdamot niya ang parte namin." Tiningnan ng tatlo si Eirene na halatang nasaktan sa sinabi ng matandang babae.

"P-pasensya na po... sa lahat ng narinig ko." Paano? Sino ang gumagawa 'nito?

Ngumiti ang matandang babae. "Wala iyon hija. Ang mga pagkakataong tulad niyon ay dapat na lang nating hayaan. Maiwan na muna namin kayo." Tumango ang apat. 'Nang makaalis na sila ay nilapitan ng tatlo si Eirene.

"Paano nangyari ang lahat ng ito?" Bulong ni Eirene. "Puntahan natin ang paaralan dito sa labas." Nagsimula ng maglakad si Eirene. Nagkatinginan naman ang tatlo. Sumunod din naman agad sila kay Eirene.

'Nang makarating sa paaralan ay napatitig si Eirene. Walang katao tao. Sira na rin maging ang dingding, poste at tarangkahan. "S-sino ang may gawa 'nito?" Napakuyom ang kamao ni Eirene.

Pumasok si Eirene at sinundan naman siya ng tatlo. 'Nang makapasok sa loob ng building ay sumigaw si Eirene. "Who fvcking did this?! I will make sure that you will die in my hands! Whoever you are!" Hinawakan ni Edge si Eirene sa balikat 'nito. "Let go." Hindi pinakinggan ni Edge ang dalaga.

"Calm down. Malalaman 'din natin 'kung sino ang may gawa 'nito." Iwinaksi ni Eirene ang kamay ni Edge.

"Kailan pa?" Nagsimulang maglakad si Eirene at may bigla na lang sumulpot sa kaniyang harapan.

"Kaya pala maingay, may bisita tayo." Automatik na inilabas ng tatlo ang kani-kanilang mga itinatagong armas sa ilalim ng suot nilang kapa.

"Sino ka?" Itinutok ni Cale ang kaniyang baril sa lalaki.

"Enemy?" Nagulat ang tatlo ng mabilis na kumilos ang kalaban. Umikot ito sa likod ni Eirene at sinakal ang dalaga. "You smell so fine." Aatake na sana ang tatlo ng magulat sila at mapahinto dahil sa ginawa ni Eirene.

"I'm pissed off." Lumutang sa ere ang lalaki at bigla na lamang itong lumiyab. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay ang tatlo na makita si Eirene na ginagamit ang kaniyang kapangyarihan.

'Nang bumagsak ang katawan ng lalaki sa sahig ay bigla na lamang lumabas ang napakaraming kalaban. Tinanguan ni Cale si Chase. 'Nang tumingin ang kambal kay Eirene para humingi ng permiso na magsimula 'nang makipaglaban ay pumikit si Eirene at tumango. 'Nang muli niyang imulat ang kaniyang mga mata ay nagkakagulo na ang lahat. Biglang nanikip ang kaniyang dibdib 'nang maalala niya ang gulo na naganap anim na taon na ang nakalilipas. Umiling siya para iwaksi ang mga alaala at nagsimula na ring makipaglaban.

I... I should grab this opportunity.

Dahan-dahan siyang lumayo sa tatlo habang nakikipaglaban. 'Nang makapasok sa isang silid ay kinausap niya si Edge mula sa isipan 'nito.

Make sure that you win. I will leave for a moment. I will come back.

Naisipan ni Eirene na ngayon na siya pupunta sa hilaga. Nasulyapan niya kasi ang tattoo sa leeg ng isa sa kanilang kalaban. Itim na espada na pinalilibutan ng puting apoy.

Eirene, where are you?!

Stay there! Pigil niya sa binata. Gustuhin man niyang puntahan ang dalaga 'kung na saan ito ay hindi niya magawa dahil maraming kalaban ang nakapalibot at nakaharang sa kaniya.

Eirene!

Bago pa man siya mahanap ni Edge ay ginamit niya na ang kaniyang buong lakas para makapagteleport papunta sa himpilan ng kalaban.

'Nang magbago ang kaniyang paligid ay napadapa si Eirene dahil sa sakit na nararamdaman niya. Gustong sumuko ng kaniyang katawan ngunit ayaw niyang mangyari ito dahil kailangan niya munang maitago ang kaniyang sarili. Dahan dahang tumayo si Eirene at kumilos siya ng hindi lumilikha ng ingay. Napatigil lang siya sa paglalakad 'nang may makasalubong siyang isang lalaki. Shit.

"Look who we have here." Nanginig ang buong katawan ni Eirene dahil sa kaba ngunit matapang niyang hinarap ang lalaki.

"Who are you? Kaninong alila kayo?!" Napangisi ang lalaki.

"Alila?" Mabilis na lumapit sa kaniya ang lalaki ngunit hindi niya na magawa pang makagalaw dahil kinakain na siya ng sakit na kaniyang nararamdaman. "Do you wanna be one?" Hinila 'nito ang dalaga sa buhok. "You are weak, princess. You know that. Duwag ka! Duwag!" Gamit ang natitirang lakas ni Eirene ay sinampal niya ang lalaki.

"Wala 'kang karapatang pagsalitaan ako ng ganiyan."

"Look, you're dying. How was the fight? Nanumbalik ba ang alaala, anim na taon na ang nakalilipas?" Lumapit pa ng lumapit ang lalaki at bumulong ito sa dalaga. "How about your flight? Nagamit mo ba ang anim na porsyentong kapangyarihan mo kaya ngayon ay nanghihina ka na?" Tinitigan ng lalaki ang dalaga. "How about the Red Death? Hinahabol ka pa rin ba nila?"

H-how... p-paano niya nalaman ang l-lahat ng ito? S-sino siya? Sino s-sila?

"Sino ka?" Matapang na tanong ni Eirene.

"Dapat na ba akong magpakilala? Baka hindi mo rin maalala pagkagising mo." Napapikit si Eirene at binitiwan siya ng lalaki kaya bumagsak siya sa semento. "Tauhan ako... ng tanging natitirang pamilya sa 'yo." 'Nang bitiwan ng lalaki ang mga salitang iyon ay kasabay na nawalan ng malay si Eirene.

Selfless Bloody RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon