Chapter IX

17 2 0
                                    

CHAPTER IX

Third Person's POV

Naghahanda na sa pagtulog ang apat at napagdesisyunan nilang sa silid na lang ni Eirene sila lahat matutulog. Nagbanig sa sahig ang kambal habang pinili naman ni Edge na sa sofa na lang matulog. "After a looong day! Makakapagpahinga na rin." Nahiga na sa banig si Chase. Mabilis namang tumabi sa kaniya si Cale. "And finally tapos na si kamahalan sa lahat ng meeting niya." Mula sa banyo ay dumiretso si Eirene sa kaniyang kama.

"Let's sleep. Maaga pa tayong gigising. Probably by 1AM babangon na tayo to take a bath. It's already 8PM."

"Ayokong maunang maligo, miss Davis ha." Hinampas ng unan ni Cale si Chase.

"E 'di ako ang mauuna?"

"I will take a bath first. Let's sleep now. I'm tired." Nahiga na sa kama si Eirene at bago patayin ang lamp na na sa kaniyang magkabilang gilid ay chineck niya muna ang tatlo.

Habang pinipilit matulog ay naalala niya si Mr. Forson na iniwan niya sa palasyo para doon na lamang mamalagi. Hindi niya na ito hinayaang ihatid siya bukas dahil baka makaramdam lamang siya ng lungkot. Bilang secretary, kay Mr. Forson lahat napunta ang gawain ni Eirene.

"Who's breathing so heavily?" Tanong ni Edge. Pinigilan ni Eirene ang pagbuntong hininga.

"Hindi mo ba puwedeng takpan 'yang tenga mo ngayong gabi, Edge? 'Kung kailan dinadalaw na ako ng antok saka ka pa nagsalita." Antok na antok na reklamo ni Chase.

"I don't know why but since we are sleeping with the princess, I suddenly felt so sleepy." Dagdag pa ni Cale. Maya maya lang ay nakatulog na ang kambal.

Tumayo naman si Eirene at lumabas muna para uminom ng gatas. Narinig naman ito ni Edge. Mula sa sofa ay sinilip ni Edge ang kama 'kung saan nakahiga ang dalaga. 'Nang makitang wala roon ang dalaga ay sinundan niya ito sa labas.

"Miss Eirene?" Napapikit si Eirene dahil sa gulat.

"What the heck are you doing here? You scared the heck out of me." Ipinagpatuloy ni Eirene ang pagtitimpla ng gatas niya habang tinabihan naman siya ni Edge na nagsalin 'din ng tubig sa baso.

"Cannot sleep?" Hindi nagsalita si Eirene. Dumiretso lang ito sa sofa na nakaharap sa may malaking bintana.

"Tomorrow morning I will leave my Palace." Pagkatapos magsalin ng tubig sa kaniyang baso ay dumiretso naman si Edge sa harap mismo ng bintana habang nakatalikod kay Eirene. Nilagay nito ang kanang kamay niya sa kaniyang bulsa.

"We will come back before the crowning ceremony, I will make sure of that." Yumuko naman si Eirene at tinitigan 'nito ang kaniyang gatas.

"To be honest, I don't feel anything." Nilingon ni Edge ang nakayukong dalaga. "Siguro, at the moment, I still feel so overwhelmed."

"Why is Mr. Luerto threatening you?"

"He wants me out of the Palace."

"Why?"

"No one could understand the business here."

"Is he trying to kill you?"

"No. He's trying to kill everyone left to me." Kumunot ang noo ni Edge.

"Hindi ba't asawa niya si Lomuela?" Napangisi si Eirene.

"Ang bilis mong nahulaan ang ibig 'kong sabihin." Nanatiling tahimik si Edge. "Lomuela is the only relative that is left to me, aside from her, I only have you, Chase, Cale, and Mr. Forson."

"Then what will happen?"

"I need to follow his commands hangga't hindi pa nalalapit ang crowning ceremony and if I don't follow, he will kill all of you." Napailing naman si Edge.

"That's not so nice of him." Tumango si Eirene. "But I cannot do anything. I'm still not the queen." Taliwas ng dalaga. Nginitian ni Edge ang dalaga. "Soonest." Napangiti naman si Eirene. "I wish." Kumunot ang noo ni Edge.

"What do you mean?" Umiling si Eirene at inilapag 'nito ang baso sa may mini kitchen niya sa gilid ng opisina.

"Let's go back to sleep. I'm sleepy." Bumalik na ang dalawa sa silid at bago nahiga si Eirene sa kaniyang kama ay kinumutan niya muna ng maayos ang kambal. Nakatitig naman sa kaniya si Edge habang ginagawa niya ito. Naramdaman naman ni Eirene na nakatitig sa kaniya si Edge. "Just sleep and don't mind whatever I said a while ago. That was just a sleepy talk." Nahiga na si Eirene at natulog na. Ganon 'din ang ginawa ni Edge.

Z H

2:40AM na at na sa harap na ng grand fountain ang apat, naghihintay sa sasakyan nilang kalesa. Dahil madaling araw pa lang, damang dama nila ang malamig na simoy ng hangin. Ang tanging pang sangga lang nila sa lamig ay ang kanilang mga kapa. 'Nang makarating na ang kalesa ay inalalayan ng tatlo si Eirene na makasakay. Sumunod ang kambal at ang naiwan na lang na mauupuan ni Edge ay ang upuan sa tabi ni Eirene. Mabilis nilang inayos ang kanilang mga sarili at  maya maya lang ay dumating na ang maghahatid sa kanila. "Ilang minuto na lang po ay maglalayag na tayo."

"Humayo na tayo. Mas maganda 'kung makakaalis na tayo ngayon para mas mabilis tayong makarating doon at may oras pa kami para makapagpahinga." Yumuko ang kawal kay Eirene.

"Masusunod po."

Lumingon naman si Chase kay Eirene. "Napakalamig, miss Davis! Puwede bang magpaapoy ako?" Umiling si Eirene ngunit natigilan siya ng maglabas ng torch si Chase.

"Ano iyan?"

"Para hindi tayo lamigin, kamahalan." Napabuntong hininga na lang si Eirene at hinayaan niya lang na sindihan ito ni Chase gamit ang kaniyang palad. Isinuksok nila ito sa bawat gilid ng upuan ng nagpapaandar ng kalesa. Maya-maya lang ay nakaramdam na sila ng init. "That's nice! Nice one, Chase!" Nag-apir ang kambal habang nakatingin lang si Eirene sa labas. 'Nang makalagpas na ng gate ay pumikit si Eirene.

Are you feeling dizzy? Narinig ni Eirene sa kaniyang isipan ang tinig ni Edge. Umiling naman siya. Are you feeling sleepy? I can lend you my shoulder. Umiling ulit si Eirene. Then are you cold? Umiling si Eirene at bumuntong hininga. "Don't talk to me for a while. I'm preparing myself." Natahimik naman ang tatlo.

"Ano 'yun? Bakit daw?" Bulong ni Chase kay Cale.

"Baka sobrang daldal natin?" Nagkibit balikat naman si Chase.

Muli namang iminulat ni Eirene ang kaniyang mga mata kaya napalingon si Edge sa kaniya. "Wake me up when we arrive." Sumandal si Eirene sa bintana na na sa kaniyang kanan at pinili na munang umidlip.

Hey. I said I could lend you my shoulder.

Muling iminulat ni Eirene ang kaniyang mga mata at tinitigan ng masama si Edge. "Please, shut up. I'm sleepy and I might kill you right here and right now." Napalunok naman ang kambal at hindi na nila binalak pang lumingon sa likod nila.

Yes, miss Eirene. Nakangiting sagot ni Edge, tila nasiyahan pa sa pakikitungo sa kaniya ng prinsesa.

Selfless Bloody RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon