Chapter X

26 2 0
                                    

CHAPTER X

Third Person's POV

'Nang huminto na ang kalesa sa harap ng tutuluyan nilang bahay ay agad na nagising si Eirene na natutulog na pala sa balikat ni Edge. Kumurap kurap muna ito bago bumaba ng kalesa. "The sun is rising miss Davis! We can see it from our home!"

"Cut the crap. Let's go inside. Mag-ayos muna tayo ng mga gamit." Hinawakan ni Chase sa braso si Eirene.

"Don't you think we deserve a troll after the long journey?" Pinagtaasan ni Eirene ng kilay si Chase. "Were you the one who was driving?" Umiling si Chase at napanguso.

"But princess!" Pinigilan ni Cale si Eirene. "What?"

"We will stay here for a couple of months. Ngayong araw lang naman tayo maglilibot. For adjustment... maybe?" Pagbabakasakali ni Cale na pumayag si Eirene.

"Reasons. Still a no." Kukunin na sana ni Eirene ang mga gamit niya na na sa likod ng kalesa ng pigilan siya ni Edge at ito na mismo ang nagbuhat ng mga gamit niya.

"I'll put this inside." Hinigpitan ng kambal ang pagkakahawak nila kay Eirene.

"Sige na, miss Davis? Hmm?"

"Ngayon lang talaga, kamahalan."

"Fine." Hinarap na ni Eirene ang kawal na naghatid sa kanila at sinenyasan na itong umalis.

"Really?!" Sabay na hiyaw ng kambal.

"This is my first time!" Cale. Tumango lang si Eirene at hinintay nila si Edge na nagpasok ng mga gamit nila sa loob. 'Nang makalabas na ito ay malakas na hinila ng kambal ang prinsesa para makapag simula na silang maglakad.

Aabutin ng 15-20 minutong paglalakad para makarating sa bayan. Pinili kasi nilang sa loob ng kakahuyan manuluyan para hindi sila masyadong napapansin ng mga tao. "It's so peaceful here!" Chase.

"Sa oras na pupunta tayo ng bayan o kahit na lalabas lang tayo ng bahay, hindi natin maaaring gamitin ang ibang lenggwahe. Makakakuha tayo ng interes mula sa mga tao sa bayan." Eirene. Sinenyasan ni Cale ang kakambal na manahimik.

"E miss Davis pa-"

"Call me Eirene." Nanlaki ang mga mata ng kambal.

"Po?"

"Drop the formalities. Call me Eirene, Bellona, Belle o ano pa man 'yan." Nahihiyang ngumiti ang kambal.

"How about Bella? Bella sounds so perfect!"

"Eirene." Napalingon ang kambal kay Edge. "You call her that, we will call her Bella." Ngisi ni Cale.

"Ano ba ang una niyong gustong gawin?" Tanong ni Eirene.

"Gutom na ko, ka- Bella." Nahihiyang napakamot sa batok si Cale.

"May alam akong masarap na kainan. Pero anong oras pa lang. 5:30AM. Baka mamaya pa sila maghahanda."

"Oo nga pala, narinig ko sa mga kawal noong bata pa ako, mababait daw ang mga tao dito. Nagtutulungan daw sila sa lahat ng bagay. 'Yung mga kalalakihan madalas ang nag-iigib ng tubig. 'Yung mga babae naman 'yung naghahanda ng mga pagkain. Lahat 'din daw halos ng mga tao rito ay magkakakilala. Nasisiyahan tuloy ako, miss- Bella." Napatango tango si Eirene sa sinabi ni Chase.

"Totoo iyon. Minsan na akong tumuloy rito. Ang lahat ng na sa Class A ay minsan 'nang pinalabas dito. Kailangan naming tumulong sa mga paraang alam at kaya namin. Matagal na iyon, noong nabubuhay pa ang hari't reyna. Maliit pa ako 'non ngunit kahit na bata pa ako, tinanggap ako ng karamihan. Tinutulungan namin sila sa mga pang-araw-araw nilang mga gawain at kapalit 'non ay bibigyan nila kami ng makakain. Masaya siya dahil sabay-sabay kayong kumikilos. Nadadama mo 'yung pagmamahal nila sa 'yo, at 'yung init ng pagtanggap nila. Ibang iba sa nakasanayan natin sa palasyo." Eirene. Napatango si Chase. Bigla namang may kumaway sa kanila mula sa isang tahanan.

"Ay, napakaaga niyo namang magising mga anak! Bago ba kayo rito? Halika kayo! Pasok, pasok!" Iginaya ng matandang babae ang apat papasok ng kubo 'nito. "Alam niyo ba, kararating lang ng asawa ko mula sa pangingisda kaya may mga magaganda siyang huli, pagsalu-saluhan natin. Maupo kayo, maghahanda lang ako." Nagulat ang apat sa inasal ng matanda.

"H-hindi na po, nag-iikot-ikot lang naman po kami..." Sagot ni Cale.

"Ay ano ba kayo! Nais ko lang ipamahagi ang biyayang ibinigay sa amin! Saglit lang, tutulungan ko lang ang asawa ko sa pagluluto!" Nakangiting iniwan ng matanda ang apat. Napalingon ang kambal kay Eirene at napakurap kurap sila, tila hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Talaga bang makakakain tayo ng libre?" Tanong ni Cale. "Wala tayong ibang ginawa 'kung hindi ang maglakad. 'Kung ganoon ay maglalakad na lang ako palagi!" Biro ni Chase.

"Maging ako ay hindi ko rin inaasahan iyon." Sagot ng dalaga. Maya-maya lang ay bumalik na ang matanda at may kasama na siyang matandang lalaki.

"Ay napakagandang mga bata naman ito! Tiyak na maraming matutuwa kapag nakita nila kayo! Baguhan lamang ba kayo rito?" Alinlangang napangiti ang kambal. Siniko ni Chase si Eirene.

"Galing po kami sa itaas." Napalunok si Cale sa isinagot ni Eirene.

"Itaas?"

"Bundok." Pahabol ni Eirene. Natawa naman ang matandang lalaki.

"Ay 'kung ganoon pala ay kumain na tayo! Sigurado akong pagod na pagod kayo mula sa inyong mahabang paglalakbay!" Napangiti silang apat ng hainan sila ng mag-asawa.

"Ako pala si Kousenya, tinatawag nila akong nanay Senya, at siya naman ang asawa ko, si Hriando, tatay Nado naman ang tawag sa kaniya rito." Napatango tango ang kambal.

"Ganito po ba talaga rito? Nakakapanibago po kasi, ang init po ng pagtanggap niyo sa amin saka pinaghandaan niyo pa po kami ng pagkain." Cale.

"Ay huwag ka ng magulat, hijo! Natutuwa kasi kaming mga matatanda kapag may napaghahandaan kami. Naaalala kasi namin 'yung pakiramdam namin 'nung na sa edad niyo pa kami at pinaghahandaan rin kami ng mga matatanda. Napakasarap at napakainit sa pakiramdam."

"Totoo po. Nagulat nga po ako kanina kasi basta basta niyo na lang po kaming pinatuloy dito." Chase.

"Masyado pa kasing maaga at naglilibot na kayo sa labas. Papalitaw pa lang ang araw ay na sa labas na kayo, sakto naman na naghahanda kami sa pagkain. Kani-kanina lang rin kasi ay bumalik itong si Nado mula sa pangingisda at gusto niyang ipatikim ang pinakamagandang huli niya sa akin. Tikman niyo, tiyak magugustuhan niyo ito!" Ngumiti ang apat sa mag-asawa at tinikman na nila ang inihandang pagkain sa kanila.

Bumulong si Chase kay Edge. "Bawal bang magsabi ng 'wow?'"

Are we not allowed to say such things such as "wow?" Tanong ng binata kay Eirene mula sa isipan 'nito. Dahan dahang umiling si Eirene at agad na nakuha ito ni Chase.

"Saan niyo ho ito nahuli, tatay Nado? Napakasarap po!" Chase.

"Saka ngayon lang ako nakatikim 'nito! Bago ito sa aking panlasa!"

"Madalang niyo siguro itong nakakain sa bundok. Kailangan niyo pa kasing bumaba rito para mangisda. Di bale mga anak, kapag nakahuli si tatay Nado ng ganito ay titiyakin 'kong paglulutuan namin kayo!" Tumango si tatay Nado sa sinabi ng asawa 'nito.

"Ah oo nga po pala. Bakit kayo lang po ang narito? Na saan po ang inyong mga anak?" Nginitian ni nanay Senya si Chase.

"Wala na kaming anak. Nasawi siya, kamakailan lang." Nagulat ang apat sa narinig na balita. "Wala naman na kaming iba pang magagawa kaya heto, kailangan magpatuloy ang aming mga buhay. 'Kung na saan man siya ay alam naman naming masaya na siya roon." Hinawakan ni Cale ang kamay ng matanda.

"Huwag po kayong malungkot, nanay Senya. Mawawala rin po ang sakit na nararamdaman ninyo ngayon." Napayuko si Eirene. It will not and will never fade, Cale; the pain that is.

"Ay tama na ang usapan na iyan! Ituloy na lang natin ang pagkain." Ngumiti ang mag-asawa sa apat at nagpatuloy na sila sa pagkain.

Selfless Bloody RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon