Chapter X.II

19 2 0
                                    

CHAPTER X.II

Third Person's POV

"Salamat po sa pagkain, nanay, tatay. Napakasarap po ng inyong putahe. Babalik ho ulit kami." Ginulo ng matandang babae ang buhok ni Chase.

"Siguraduhin niyong babalik kayo rito ha? Nakakatuwa kasing pagmasdan kayo. Lalo na kayong dalawa. Magkamukhang magkamukha kayo. Bihira lang kasi ang kambal dito sa bayan." Ngumiti ang kambal sa dalawang matanda at niyakap pa nila ito.

"Osiya! Humayo na kayo. Mag-iingat kayo sa daan at sana magustuhan niyo ang lugar na ito!" Tumango ang apat bago nagpatuloy sa paglalayag.

"Grabe iyon! Napakabait pala talaga nila!" Tumango si Cale kay Chase.

"Saka hindi pa sila madamot. Ang ganda pala rito."

"Ang bayan!" Napalingon ang tatlo sa harapan nila ng biglang sumigaw si Chase.

Maaga pa lang ay marami ng tao. Karamihan sa kanila ay namimili para sa kanilang almusal. "Napakagandang dilag! Hija, mayroon kaming mga kasuotan rito na tiyak akong babagay sa 'yo!" Lumapit ang kambal sa tindahan at tiningnan ang mga damit na na sa mesa.

"Totoo nga, Bella! Ang gaganda ng mga damit nila rito! Bagay na bagay sa iyo!" Hinila ni Eirene ang kambal.

"Salamat na lang po. Nag-iikot-ikot lang po kami rito." Nginitian ni Eirene ang may-ari.

"Pero gusto 'kong bilhin sa 'yo 'yun, miss Bella." Nguso ni Chase.

"Hindi na kailangan. Huwag 'kang basta basta na lang gagastos ng pera. Hindi natin kailangan ang masyadong maraming gamit."

"Opo." Nakangusong sagot ni Chase.

Naglakad lakad silang muli at maya-maya lang ay may napansin si Eirene. "Anong ginagawa mo?" Pinigilan 'nito ang kamay ng isang lalaki na balak magnakaw sa isang tindahan.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw sa kaniya ng lalaki. Napahinto naman sa paglalakad ang tatlo at napalingon sila sa likuran nila 'kung saan akala nila ay nakasunod si Eirene.

"Ibalik mo ang mga kinuha mo." Madiing banta ni Eirene.

"Ano ba?! Sinabi ko naman sa iyong ayoko na sa 'yo 'di ba?! Bitiwan mo nga ako! Nahihibang ka na!" Malakas na iwinaksi ng lalaki ang kaniyang kamay kaya natumba sa lupa ang dalaga.

"Ano ang sinasabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.

"Huwag mo na akong susundan pa! Wala 'kang mapapala sa akin! Hindi ako interesado sa mga katulad mo, kaladkarin!" Nagulat ang kambal sa sinabi ng lalaki.

"Ikaw 'yata ang nahihibang!"

"Sino ka para pagsalitaan siya ng ganiyan?!" Mabilis na nilapitan ng kambal ang dalaga para tulungan itong makatayo at bago pa man makatayo ang dalaga ay nasuntok na ni Edge ang lalaki.

"Hindi ka niya kilala kaya huwag mo siyang pagsalitaan ng ganiyan!" Galit na galit na singhal ni Edge sa lalaki.

"Ang gusto ko lang naman ay ibalik mo ang mga ninakaw mo. Huwag ka 'nang gumawa ng kumosyon o kwento dahil hindi uubra sa akin iyan." Matapang na saad ni Eirene 'nang makatayo na siya.

"Ako? Nagnakaw? Ikaw ang gumagawa ng istorya! Wag mo 'nang pagtakpan ang sarili mo! Aminin mo na lang na sinusundan mo ako at inaagaw mo ang atensyon ko." Muling sinapak ni Edge ang lalaki.

"Huwag mong pagsasalitaan ng ganiyan ang aking nobya!" Natigilan si Eirene at maging ang kambal.

Tatakas na sana ang lalaki ngunit mabilis na pinigilan ito ng kambal 'nang makabawi sila. "Gagawa ka pa ng dahilan ha!" Ani Chase. "Akala mo ba makakalusot ka sa amin?" Ani Cale.

Selfless Bloody RedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt