Chapter XIII

24 2 0
                                    

CHAPTER XIII

Third Person's POV

Isang buwan na rin halos ang nakalilipas 'nang mangyari ang lahat. Nag-eensayo ang apat malapit sa may lake. "Ilang linggo na tayong nandito hindi pa rin natin nahahanap 'yung libro." Reklamo ni Chase habang nakaupo sa ilalim ng anino ng puno.

"Marami na rin naman tayong napuntahan." Tiningnan ni Eirene ang listahan ng mga dapat nilang puntahan. Marami na roon ang may linya.

Habang nakaupo si Eirene sa tabi ni Chase ay nakatitig naman sa kaniya si Edge at napansin ito ni Cale. "Bakit titig na titig ka kay Bella?" Ngumiti si Edge kaya kinilabutan si Cale.

"Three more months." Napalingon naman si Chase at Eirene sa kaniya.

"What about it?" Tanong ni Chase.

"We'll come back after three months." Lumingon ang tatlo kay Eirene. Umiwas naman ng tingin ang dalaga.

"Don't worry. I will be the queen, if that's what you're worried of. Who's more qualified than I? Hindi ba?" Tumayo si Eirene kaya mabilis 'din na tumayo si Chase at niyakap niya ang dalaga. "What is this?" Lumapit si Cale at yumakap 'din kay Eirene. "What? What is it?" Lumapit 'din si Edge at niyakap ang tatlo.

"We're so sorry, miss Davis. Isang buwan na rin tayong nandito." Napangiti naman si Eirene.

"May tatlong buwan pa tayo, hindi ba?"

"Still, princess. Kami ang napili mong gumawa ng misyong ito pero hanggang ngayon wala pa rin kaming natatapos." Natawa naman si Eirene sa sinabi ni Cale.

"Don't worry, don't worry. I'll help you. I promise."

"Don't make any hasty decisions or sudden actions, Eirene. That's what you need to promise to us." Tumango si Eirene at itinago niya ang mukha niya mula sa tatlo. Hinigpitan naman ng tatlo ang yakap nila sa dalaga.

I wish I could promise you that, Edge.

'Nang humiwalay na ang tatlo ay inakbayan ni Cale si Eirene. "Kamahalan, ako ang magluluto ngayon."

"Don't." Banta ni Chase sa kakambal. "Ano na naman?" Humawak naman si Chase sa braso ng dalaga.

"Sorry, twin. Ang luto lang ni miss Davis ang puwedeng kainin dito sa labas." Binatukan naman ni Cale si Chase. "Tinuruan niya nga ako e!"

"Tinuruan ka niya pero hindi mo naman sigurado 'kung may natutunan ka ba! Magkaiba 'yun, Cale!" Napanganga si Cale. "How dare you?!"

"O sige na. Pagbigyan na lang muna natin ngayon si Cale. I'll just... guide him. Okay na ba 'yon?" Sabay na humawak sa magkabilang braso ni Eirene ang kambal.

'Nang makapasok na sila sa kanilang bahay ay naghanda na ang kambal ng mga sangkap na gagamitin nila habang naiwan naman sa sala si Edge para maglinis ng mga armas na ginamit nila.

"Oo nga pala, kamahalan. Hindi mo pa rin ba talaga alam 'kung bakit nagagamit mo na ang kapangyarihan mo? Hindi ka na ga'nong nahihimatay." Habang naghuhugas ng mga gulay sa lababo ay napaisip rin si Eirene.

"I wish I know. Malay ko ba na kapag nalaman ko pala magagamit ko na ng buo ang mga kapangyarihan ko, hindi ba?"

Habang naghihiwa si Chase ng karne ay napatango tango rin ito. "At least, may improvement. Sapat na 'yon sa ngayon, hindi ba miss Davis?" Tumango si Eirene ngunit nabahala siya sa paraan ng paghihiwa ni Chase. "Hey! Not like that!" Inagaw ni Eirene ang kutsilyo kay Chase at siya na ang nagpatuloy sa paghihiwa ng karne. "Ah!" 'Nang makita niyang dumugo ang kaniyang daliri ay agad siyang pumikit at tumalikod sa kambal.

Selfless Bloody RedWhere stories live. Discover now