CHAPTER 34

345 20 3
                                    

        December 23. Kinabukasan desperas na ng pasko. Excited na akong magpasko kasama si Jelo. Yiiiie. Hahahaha. Ako na kinikilig. XD Andito kami nina Mera at Jenny sa mall para mamili ng mga pangregalo. Nagpupumilit ngang sumama si Jelo e, pero di pumayag yung dalawa, date raw muna naming tatlo. Kaya ayun, nakabusangot nung umalis kami sa bahay nila. Umalis na kami sa penthouse at bumalik sa bahay ng BTS. Tahimik naman ang mga ilang araw namin. Naiisip ko na nga na baka tinatamad na si Kris na patayin kami. :D Sige magbiro ka pa Eunice. -.-

        Nasa loob kami ng department store, para mamili ng damit para sa BTS at sa crush daw ni Mera. Naisipan ko namang iwanan yung dalawa at naghanap ng ibang pwedeng ibili para kay Jelo. Nadaan ako isang jewerly show at nakakita ng relo. Magugustuhan niya kaya ito? :) Nagtingin-tingin ako sa mga glass na hugis rectangle at square na may mga nakadisplay na watch.

"Good morning, Ma'am. How can I help you?" may lumapit na saleslady sa akin.

"May watch ba kayo na magandang ipangregalo?"

"Marami po, Ma'am. Para kanino po ba?"

"Para sa boyfriend ko." proud kong sagot sa kanya. Ngumiti naman yung saleslady.

"Doon po tayo, Maam." sinundan ko siya nung lumapit kami sa isang glass na box na may mga nakadisplay na relo. "This is Richard Mille Tourbillon RM 56-02 Sapphire, which combines the tripartite sapphire case of the RM 56-01 with the brand’s revolutionary “cabled movement” design. It cost $2,020,000." napalunok naman ako sa sinabi niya. Ganun kamahal? Hindi naman kakayanin ng atm card ko yun. Lumipat naman kami sa katabing glass na box. "This is The Hublot Classic Fusion Haute Joaillerie “$1 Million,” limited to only eight pieces, earns its $1 million price tag with the 1,185 baguette diamonds covering every surface of the watch, from the case and bracelet to the openworked dial." napa-open mouth naman ako, as in! nababalutan talaga siya ng diamonds. Pero mas nakakabulag yung mga presyo.

"Uhmmm, Hehehe. Nagtext yung boyfriend ko, wag na lang pala raw relo ang iregalo ko sa kanya." naglakad na ako paatras. "Sige ha. Next time na lang." at tumakbo na ako paalis. Nakakahiya. Super. HAHAHA. :D 

        Nakapangalumbaba ako habang umiinom ng Iced Caramel Macchiato sa Starbucks. Ano na lang kaya ang ireregalo ko kay Jelo? Alam ko na! Kung maghalungkat ako sa gamit niya?! Tama! Hahahaha. Makikita ko kung ano yung mga kinokolekta niya, ganun din bibilhin ko. Teka, nasaan na kaya yung dalawa? Kinontak ko si Mera, pero cannot be reach na naman ang bruha. Nag-enjoy siguro sila kaka-shopping. Dumiretsyo na lang ako sa parking lot at nagpasyang doon na lang sila antayin.

        Naglalakad ako kung saan nakapark yung kotse ni Jelo. Hiniram ko kasi sa kanya. Ayaw pa ngang pumayag nung una e. Kasi nagkukwento si Mera na nakabangga na ako ng dalawang sasakyan. Hahaha. Naalala kong nakay Jenny yung susi baka tumakas daw ako sa date 'kuno' namin. Nang makita ko yung kotse ni Jelo hindi pa ako nakakalapit ng may marinig akong mga yapag na para may tumakbo. Napalingon naman ako sa paligid pero wala namang tao. Hala, baka may multo dito... o di kaya...

"Eunice..." narinig kong tawag ng isang nakakatakot na tinig na tila nag-e-echo sa parking lot.

"S-Sino yan?!" sigaw ko. Pero walang sumagot sa akin. Tanging kaluskos lang ang naririnig ko. Hanggang sa... may naamoy ako sa isang panyo na kasalukuyang nakatakip sa ilong hanggang bibig ko... and I passed out.

        Nagising ako sa isang damuhan. Nakita kong madilim na rin ang paligid at nang tingnan ko wrist watch ko 7:50 pm na. Tiningnan ko ang paligid parang pamilyar ito sa akin. Napatingin ako sa hinihigaan ko at napabalikwas ako ng makitang nasa sementeryo ako. Ang hinihigaan ko ngayon ay ang puntod ng Kuya ko. May nakatusok na kutsilyo sa bermuda grass at may papel yun. Tinanggal ko yung kutsilyo at kinuha ang papel.

Can't Help Falling In Love With You (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon